"Hoy Aleighna Rose! Magpapayat daw! Libro na mismo yung nagsabi oh!" sabi nung ni ano. Sino ba yun? Ah ayun! Si Erica.
"Wala akong pakialam jan. Kusang dumadating si soulmate o kung sino man yan! Wala dapat akong baguhin sa sarili ko. Tsaka bakit ba kayo nagsasayang ng oras na basahin yang libro na yan? May pa ganyan ganyan pang nalalaman eh. Dadating at dadating naman yun eh." yan nanaman ako -__- Nagiging armalite nanaman ang bunganga. Aminado naman po eh :3
"Sabagay, may point ka dun Leigh."
"Oh? Nanjan ka pala Kate. Kala ko wala ka eh." pang-aasar ni Angelica kay Kate. Haha. Ang kulit lang.
"Nasan na si Caroline?" tanong ko. Bigla kasing nawala yung babaeng yun.
"Nandun na. Nauna na sa loob. Nag-bell na po eh. Hindi niyo ba narinig?" sabi ni Antonet
"Bakit hindi mo sinabi samin? Narinig mo naman pala na nag-bell na eh >__<" sabi ko kay Antonet. Asar. Nag-bell na pala hindi manlang nila sinabi.
"Hindi ko rin narinig eh. Hehe ^__^V" sabi ni Tonet na naka-V sign pa.
"CHE! Lika na nga. Pasok na tayo." yaya ko sa kanila. Late na kameeeee >_____<
------------------------------------
Pasensya po kung may mga maling spelling jan. Wala na po kasing time para i-edit :)
Please Vote and Comment. Salamat ^_^
- Larainedeer25
BINABASA MO ANG
Finding Mr. SOULMATE (ON-GOING)
Teen FictionMedyo true-to-life story po ito ^__^ May hawig po kasi dun sa Love story ng isa kong tropa. Dun po ako na inspire gawin 'tong story na 'to kaya basahin niyo po ^_^ Yung mga names naman ng characters eh half meant din. Yan po yung mga pangalan ng tro...