(a/n: tina-type ko 'to while listening to SNSD songs kaya medyo distracted. Haha :DD)
* Aleighna's Point of View *
Ang tagal namang dumaldal nitong teacher namin. Paulit-ulit lang naman yung sinasabi niya eh. Tungkol kuno sa ank niya na ganon, sa bahay nilang ganito, sa buhay niya nung nasa high school pa lang siya, basta yung mga ganyan. Naiinis lang ako sa mga ganyang teacher. Binabayaran namin sila para turuan kami ng mga bagay na magagamit namin in the future pero anong ginagawa nila? >___<
Habang hinihintay ko na matapos magkwento yung teacher ko ng buhay niya, bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagpakilala formally.
Ehem! Ako si Aleighna Rose Quinto Yu. Ewan ko ba kung bakit Yu yung apelyido ko basta ang alam ko apelyido yan ng tatay ko -__- Baka merong naguguluhan jan sa pagpronounce ng pangalan ko, it is as simply as 'Aleyna'. Yung Rose naman ewan ko kung bakit pa may ganyan. Dapat kasi ang sanggol paglabas nila nakakapagsalita na sila para kung ano yung gusto nilang pangalan yun nalang yung ipangalan sa kanila. Oo sige na! Ako na demanding -____-
16 yrs. old po ako at Grade 10 student sa Wattypaddy Academy. Sabi nung mga estudyante dito, kami daw nila Laraine, Kate, Roseanne, Antonet, Angelica, Erica at Caroline ang mga wattpad princess dito which is medyo totoo. Haha^^,
Pero kahit kami ang mga tinitingalang estudyante dito sa school na, hindi naman namin gawain ang maglakad ng taas noo sabay irap sa mga nadadaanan naming tao. Ayos na yung norerespeto nila kami. Kung bago nga kayo sa school na 'to eh hindi niyo aakalain na kami yung mga wattpadd princess dito. May sari-sariling mundo kasi kami. Bibigyan ko kayo ng brief infos about dun sa pito.
Laraine - yan yung tipo ng babaeng ayaw na ayw sa mga taong nagmumura. Pag yan nagmura nasa 'TANG' palang ititigil niya na. Ang pinakamura niya po ay ang salitang 'PUTEK'. Mura na yan para sa kanya -__- Napaka-sadista niya po!! Ay may kakambal pala yan. Si Lalaine. Napakabait nung babaeng yun. Total opposite ni Laraine :))
Kate - Si Kate naman yung babaeng tahimik DAW. Sabi nila siya daw yung silent princess pero hindi snob. Pero grabe, kapag naging kaibgan mo yan, magtataka ka talaga kung bakit siya tinawag na silent princess. Magaling nga pala yang kumanta kaya lang kaming wlao lang ang nakakaalam. Ayaw niya kasing ipaalam sa iba eh.
Roseanne - Ang alien sa grupo. Minsan magugulat ka anlang na makikita mo yan sa isang tabi tapos kumakanta-kanta ng mga SNSD songs. Sabihin na nating siya yung pinaka-lapitin ng lalaki sa lahat. Siya kasi yung tipo ng babae na hyper tapos super friendly niya pa. Mahilig din siyang mag-entertain ng suitor pero never nagka-boyfriend.
Antonet - Ang certified kalog saming lahat. Alam niyo naman ang ibig sabihin ng 'KALOG' diba? Hehe^^, Siya yung palaging nababatukan ni Laraine kasi walang araw na hindi siya nagmumura.
Angelica - Prangka. Straight to the point talaga kung magsalita pero hindi naman sa way na anakakasakit na siya ng iba.
Caroline - YAH! Si Caroline! Isip bata kahit kailan! Palagi siyang naka-ipit nung dalawahan. Basta yung ipit nung bata! Tapos super kulit niya din! Hindi ka niya tatantanan hangga't hindi niya nakukuha yung gusto niya.
Erica - eto naman, sobrang seryoso sa buhay. Medyo mag pagka-gangster ksai yang babae na yan pero hindi naman siya yung tipo nga babaeng sumasali sa mga clan ba yun? Takot niya lang na mabugbog siya ni Laraine.
"Okay class. You can go now." AT LAST! Nabanggit niya na din ang magic words!! ^___^
-----------------------------
Ang hirap isipin kung ano yung mga pagkakaiba ng ugali nila -___- Pagtiyagaan niyo nalang pong basahin yan. Haha ^__^
Please Vote and Comment :)))
-Larainedeer25
BINABASA MO ANG
Finding Mr. SOULMATE (ON-GOING)
Novela JuvenilMedyo true-to-life story po ito ^__^ May hawig po kasi dun sa Love story ng isa kong tropa. Dun po ako na inspire gawin 'tong story na 'to kaya basahin niyo po ^_^ Yung mga names naman ng characters eh half meant din. Yan po yung mga pangalan ng tro...