Tumunog bigla yung phone ko habang nagbabasa ako ng story sa Wattpad, ay ano ba yan kung kailan asa magandang part na ako. It's either 8888 lang naman or TM. Pero, binuksan ko parin yung message sa phone ko.
From: Mickie👑
Girl, today yung concert ng XO. Kitakits tayo later sa MOA, see you😘
Bigla akong nagulat, ngayon pala yung concert nila, it slipped out of my mind kasi. Dali dali kong binuksan yung drawer sa tabi ng kama ko at nilabas ko yung concert ticket. Ah, mamayang 8:30 p.m pa pala yun. Tiningnan ko yung orasan, mga bandang 6 pm palang naman, I still have plenty of time.
Chinarge ko muna yung phone ko at bumaba ako sa kusina, I'm getting hungry na. Saka hindi naman na ako dito magdidinner sa bahay, kaya meryenda nalang yung kakainin ko muna. I opened the fridge at naghanap ng pwedeng kainin. Nakita ko na may isang box ng cupcake, yay favorite ko 'to! Tapos red velvet pa siya, craving satisfied!
Kumuha ako ng dalawa at nilagay ko sa plato, kumuha na din ako ng pretzels sa pantry at nagsimulang kumain. Half finished ko na yung isang red velvet nang biglang dumating si Kuya Jake sa bahay, "Shit! Wag mong kainin yan Alyssa!" sigaw niya ng natataranta.
Kumunot yung noo ko, "Why naman?"
Tumakbo siya papunta sakin at niligtas yung natitirang cupcake sa plato, "Para 'to sa nililigawan ko. 14 nalang tuloy yung cupcakes," malungkot niyang sabi. Natawa pa nga ako sa reaksyon niya, para kasi siyang batang inagawan ng lollipop.
"Nako nako. Sino nililigawan mo kuya?" pangaasar ko sakanya.
He rolled his eyes at me playfully, "Ewan ko sayo Aly. Sayang talaga binake ko pa naman 'to."
Nagulat ako, "Hala! Seryoso ka talaga sakanya?", minsan lang kasi magseryoso si Kuya, playboy kasi siya eh. Ang huling sineryoso niya was 4 years ago si Ate Serena, nagbreak sila dahil nalaman niya na mahal pa pala ni Ate Serena yung ex niya, "Sino ba yan kuya? Asa school na natin? Kailan mo nakilala?"
"Bago ko sagutin yang mga tanong mo," tinuro niya ako, "Tulungan mo muna akong magbake ng isa pang red velvet."
"Aiyaa. Eh pupunta ako sa concert ng XO mamaya," I protested, "Alam mo kuya bumili ka nalang ng isa pa sa bakery, hindi naman na niya mahahalata yun."
"Ayoko nga. Gusto ko effort ko talaga," sabi ni Kuya, "Saka kailan ka ba nahilig hilig sa mga concerts na yan?"
"Eh pinilit ako nila Mickie eh," I shrugged.
"Ah basta! Tulungan mo ako Aly dali," hinila ako ni Kuya papunta sa kusina. Nilabas din niya yung mga ingredients at sinimulan na niyang haluin yung ingredients. Tiningnan ko yung orasan, ay 7 na pala. Hala eh kailangan ko pang maligo ulit tapos magbihis. Si Kuya naman kasi.
"You're seriously doing this for a single red velvet?" I asked.
"I'm this damn serious for her Aly," sabi ni Kuya habang nilalagay yung mixture sa lalagyanan ng cupcake, "Sige gumayak ka na nga. Baka mahanap mo pa ka forever mo sa concert. Alis!"
"Hahaha. Walang forever," sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.
"Meron patutunayan namin ni Louisse!" narinig kong sumigaw si Kuya. Napailing nalang ako habang nakangiti, I'm glad that he finally opened his heart to someone again. Dati kasi, hindi na siya naniwala sa pag ibig dahil sa nangyari sakanila ni Ate Serena. He became a playboy, iba't ibang babae every week. But now, I'm happy na he's finally serious. Sana hindi siya saktan ni Ate Louisse, kasi alam ko si Kuya pag seryosong nagmahal yun, pati asin lalanggamin.

BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionDo you believe in second chances? Some would say yes, some wouldn't and some would say the typical, "It depends." well, I do believe that love needs a second time because sometimes love wasn't right at the first time. Alyssa Nadine Lopez. Okay na...