This time I'm not gonna let go of your love.
This time I promise you that we'll rise above it all.
And I won't ever let you Fall.
I'm gonna give you my all this timeUgh. Sa lahat ba naman na pwedeng patugtugin eh yan pa, pinagtritripan ba ako ng tadhana?! Kaaga-aga ng babadtrip eh. Bumaba nalang ako patungo sa kitchen, naabutan ko si Kuya na nakaupo at seryosong nakatingin sa box ng cupcakes.
"Oh ano meron kuya? Pinagdadasal mo ba yang cupcake?" I asked sarcastically.
Inirapan ako ni kuya, "Epal ka talaga! Kita mong nagmomoment yung tao dine eh."
Psh. Nabadtrip ko yata, hahaha yaan mo siya, aba damay damay na yung kabadtripan ngayong araw. Sabagay, Monday na naman ngayon. Saka ang aga-aga boses ni Nate yung maririnig ko, hindi naman sa bitter parin ako pero alam mo yun, parang nangaasar lang yung tadhana?
"Ngayon mo na ba yan ibibigay?" I asked him and he nodded, "Nako kuya. Sigurado ka ba na hindi mo yan nilagyan ng gayuma?"
Tiningnan niya ako ng masama, "Alam mo Aly. Ikaw ang kailangan mang-gayuma hindi ako! Pumasok ka na, kabadtrip kang bata ka!"
I laughed, "Kapangit mo! Sige see you later."
Hindi kasi sabay pumasok ni Kuya dahil he sa ibang school siya nag-aaral, nakickout kasi siya sa school namin last year dahil nakipagbugbugan siya sa isang gang sa loob ng campus. Kahit Lolo namin ang principal, there was no exceptions. Strict kasi so Lolo and he wants kuya to learn his lesson kaya ayun, asa ibang school so kuya ngayon.
Lumabas na ako ng bahay at nagpahatid kay Manong Roger, yung driver namin ever since 7 years old ako. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan, at sinubukan ko munang matulog. Puyat parin kasi ako dahil sa concert ng XO eh, umaga na din kasi kaming nakauwi nun.
Nakapikit na yung mata ko nung biglang magsalita si Manong Roger, "Mukhang puyat ka ngayon Nadine ah. San ka ba nagpunta anak?"
I opened my eyes, "Sumama po kasi ako sa mga best friends ko may concert daw po kasi yung XO."
"Ah yun ba? Nako paborito yun ng dalawa kong anak," ngumiti si Manong Roger, "Pero teka, kailan ka pa nahilig sa ganyan? Diba hindi ka nga noon sumasama kay his-name-shall-not-be-mentioned?"
Medyo natawa ako sa sinabi niya, "Hahaha. Tagal na nun manong."
"So nakamoveon ka na talaga kay Nate?" tanong ni manong.
"Oo naman po," I simply smiled.
Manong Roger sighed, "Alam mo anak. Bagay na bagay kayo ni Nate eh, kitang kita talaga na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Pati nga ako kinikilig sainyo eh," he laughed a little, "Ewan ko ba dun. Bigla bigla nalang nawala pero alam mo Nadine?"
"Ano po?"
"Alam ko na mahal na mahal ka nun," he continued driving, "Diba dati ang tagal mo sa school dahil tinapos mo yung painting mo tapos nalowbatt ka na at hindi mo na text si Nate na asa school ka pa? Umuulan ng malakas nun at kahit may lagnat pa siya tumakas siys sa bahay nila kahit grounded siya para hanapin ka lang."
Oo nga. Nung nakita ako ni Nate nun sa school niyakap niya ako ng mahigpit saka bigla siyang tuluyan nawalan ng malay. Iyak ako ng iyak nun, feeling ko napaka-useless kong girlfriend.
"Oh andito na tayo. Sige sunduin ba kita mamaya?" asked manong.
I shrugged, "Baka po may meeting sa Art Club eh. Text ko nalang po kayo."
He nodded, "Sige ingat ka Nadine." nagdrive na ulit si Manong Roger at ako naman, naglakad na papasok sa school.
Bigla akong tinapik ng isang babae na hindi ko kilala, "Uhm pinapatawag daw po kayo ni Principal Lopez."
I faced her, "Bakit daw?"
She shrugged, "Ewan ko po eh. Basta importante daw."
I nodded tapos naggoodbye na sakin yung babae. Importante daw? May nagawa ba akong mali? As far as I know, parang wala naman. Hindi naman ako nagcucutting, nakikipagaway, naglalasing, etc. Dumiretso muna ako sa office ni Lolo, mamaya ko nalang ilalagay yung mga gamit ko sa locker. Importante daw eh.
I knocked twice, saka ko binuksan yung pintuan.
Jaw dropped. As in literal.
"Close your mouth sweetheart baka may pumasok na langaw diyan," Timothy winked at me. Yes, I repeat. TIMOTHY. Kasama niya yung ibang members ng XO, pati na rin syempre ang leader nila, si Nate na nakatutuok sa phone niya at walang pakialam sa mundo. Sorry for the cuss but, what the fuck are they doing here?!
I closed my mouth, "Lolo what are they doing here po? I mean no offense to you all." I looked at them.
"Don't be rude Alyssa. Starting from this day, dito na sila mag-aaral," Lolo said.
My eyes widened, "Ha? Eh bakit? Saka bakit niyo pa po ako kailangan tawagin dito?"
"Well Alyssa," pagsisimula ni Lolo, "Alam ko naman na hindi ka fan nila so ikaw nalang ang bahala sakanila ha? Guide them in the special study room at dun sila mag-aaral hindi sila pwedeng magaral sa ordinary classrooms dahil pagkakaguluhan lang sila ng mga students kaya sometimes may class ka rin sa SSR kasama sila dapat walang makaalam na dito sila nag-aaral. Do I make myself clear?"
No lolo. "Opo," I said.
"Okay samahan mo na sila sa SSR," sabi ni Lolo.
I looked at them. Hayy, can this day get any more worse? I motioned to them na sundan nalang nila ako they were wearing disguise naman kaya hindi sila mahahalata ng mga students.
"Sabi ng lolo mo hindi ka daw namin fan pero bakit I saw you sa concert namin kahapon?" tinanong ako ni Chace.
Ay oo nga pala. And I was even wearing a shirt that says, "WIFE OF XO HERE" shit. Nakakahiya! "Sinamahan ko lang best friends ko."
"Hmm okay," Chace shrugged.
We continued walking, okay naman walang nagsasalita. Hindi naman kami pinagtitinginan ng mga students dahil hindi naman kami dumaan sa hallway dahil madaming students talaga doon, dito konti lang.
Habang naglalakad, bigla akong may natapakan na balat ng saging. Malay ko ba! Ay shems, pumikit nalang ako at hinanda ko na ang sarili ko sa sakit ng impact.
Pero wala, walang impact na nangyari. I slowly opened my eyes and I found myself in his arms, "Tss. Still as clumsy as ever," sabi niya.
Still as clumsy as ever.
Still as clumsy as ever
Still as clumsy as ever.
Tinayo na niya ako, and his friends were teasing us. But, Nate acted like it was nothing at bumalik na siya sa pagiging cold niya.
"Nako nako. Forever na ba yan?" Timothy teased us.
Binatukan siya ni Troy, "Ulul. Walang forever!"
Nagtawanan sila, "Hanggang ngayon ba naman Troy bitter ka parin?"
Inirapan sila ni Troy, "Mga baliw. Hey Miss whatever your name is, dalin mo na nga kami sa SSR room gusto ko ng matulog."
"Psh. Sungit," I whispered.
Sakit sa bangs na tong araw na 'to.
---------------------------------------------
Thanks for reading! 😘
-Hyacinth💘

BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionDo you believe in second chances? Some would say yes, some wouldn't and some would say the typical, "It depends." well, I do believe that love needs a second time because sometimes love wasn't right at the first time. Alyssa Nadine Lopez. Okay na...