"Hoy bakla! Kanina ka pa tulala diyan," nagulat ako nung bigla akong kinausap ni Mickie. I guess I spaced out too much, hindi ko napansin na kanina pa pala sila nakatitig sakin.
I finally came back to my senses, "Sorry. Madami lang iniisip."
"Hindi naman tungkol kay Nate yan diba?" asked Janielle.
Oo. Medyo. Ewan. "Huh? Hahaha hindi," I tried to force out a laugh. Tungkol kay Nate nga ba? Aiiish ewan ko. Bakit ba ako masyadong nagpapakaapekto doon? Kasi, nung pagkatapos ko silang ihatid sa SSR room, bigla akong tinawag ni Nate.
"Alyssa," nagulat ako nung bigla niyang binanggit yung pangalan ko, I turned to him and his face was the usual cold blank expression, "Ingat ka."
He didn't wait for my response, sinara na niya yung pintuan. And I was left there, so confused. Out of the blue naman kasi yung sinabi niya, and why does he even care?
Waaaaah. Nakakabaliw na magisip ng mga rason kung bakit niya sinabi yun. Teka, why am I making such a big fuss about this? Parang two words lang naman kasi yung sinabi niya na yon.
Yeah. 2 words with a thousand meanings.
"Edi ano?" tanong ni Alexa.
I bit my lip, "Wala lang. Naisip ko lang na ang ganda ng weather ngayon, tingnan niyo oh," I pointed at the window, "It's such a beautiful day."
Sa lahat ba naman ng pwedeng irason eh yan pa Aly?! Aiiish yan unang pumasok sa isip ko eh, bahala na nga si batman.
My best friends looked at me as if I was the weirdest person on Earth, "Naka ilang katol ka Aly?" pagtatakang tanong ni Ynna.
"Tss. Sige bye na at may meeting pa daw kami sa Arts Club eh," I bid my goodbye. Gustong gusto kong sabihin sakanila ang mga nangyari, kaso hindi pwede. Sabi ni Lolo na secret lang daw 'to at walang dapat makaalam.
Pano ko sils titiisin sa loob ng isang taon eh ngayong unang araw pa nga lang eh halos mabaliw na ako?!
Biglang tumunog yung phone ko, then kinuha ko sa bulsa ko. May nagtext sakin.
From: 09*********
One box of pizza dito sa SSR room. Thanks✌
I scoffed. Wow ha, kung makautos sila sakin. Ano ako personal maid nila? Sabi lang ni Lolo na ako daw ang bahala sakanila pero hindi niya sinabi na pwede nila akong utos-utusan kung kailan gusto nila. Kabeastmode masyado.
To: 09*********
I'm busy. Kumuha ka magisa mo!
Agad agad namang nagreply.
From: 09*********
Sumbong kita kay Principal Lopez😏
To: 09*********
Edi isumbong mo. As if I give a damn. 😏🌵
I waited for 5 minutes. Ayun, buti hindi na nagreply. Napakafunny nila, napakafunny-ra ng araw. Naglakad ako papunta sa room ng Arts Club, complete na silang lahat, alko nalang pala ang inaantay. Nakakahiya!
"I'm sorry I'm late," I apologized.
Tiningnan ako ng masama ng club President namin, "Sit down Lopez."
I did what she said. Umupo ako sa may bandang likuran, katabi ko yung close friend ko dito, si Tiffany. She smiled at me, at ngumiti din ako.
"Okay lang yan. Bad mood lang yata si President," she assured me.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Roman pour AdolescentsDo you believe in second chances? Some would say yes, some wouldn't and some would say the typical, "It depends." well, I do believe that love needs a second time because sometimes love wasn't right at the first time. Alyssa Nadine Lopez. Okay na...
