*Alyssa's P.O.V*
Andito lang ako sa bahay, as usual, kumakain ng ice-cream habang nanunuod ng Netflix. 6:30 palang naman eh, mamaya pa ako pupunta sa McDo para imeet yung mga best friends ko besides malapit lang naman yung McDo dito sa village namin so mamaya nalang ako tatayo dito.
I'm having a Pretty Little Liars marathon sinimulan ko sa very first season, wala eh, ang ganda ganda kasi ng show na 'to. Habang nanunuod biglang tumunog yung cellphone ko,
Janielle:
Nadz. Punta ka na dito sa Mcdo.
Tiningnan ko yung orasan, 6:40 p.m. Ang aga pa ah, pero sige na nga. Nagugutom naman na ako eh, gusto ko na ng fries at burger. Hahaha.
To: Janielle
Okayy. I'll be there na😊
I closed my laptop tapos nilagay ko sa desk ko, then nagpunta ako sa walk-in closet ko. Hmm, what should I wear? I settled for a pink pajama and a blue oversized T-shirt that has clouds all over it then I wore my pink slippers. Okay na 'to, ang maganda kahit anong isuot maganda parin. Hahaha joke lang naman.
Bumaba na ako sa living room then I saw my parents and my older brother sa living room, well yung parents ko minsan lang sa isang buwan kung umuwi sila. Hindi ako ganon ka close sakanila, si Kuya lang ang may close sakanila. But, I'm close with my kuya naman si Kuya Jake.
I smiled at them as a sign of respect, "Punta lang po ako sa McDo. Uhm, I'll be meeting my friends po."
Tumingin sakin si Dad, "Are you sure na friends mo ang pupuntahan mo?"
"Opo. Wala naman akong dapat imeet besides them," I shrugged.
"Hayaan mo na yung anak mo. She's a grown up girl already and I'm sure she can handle herself. Diba babygirl?" my mom smiled at me. I gulped nung narinig ko yung word na, "Babygirl". Aiiish focus Aly focus!
"Opo mom. I'll be back before 9 pm," I waved goodbye at them pati na rin kay Kuya.
I closed the main door namin and sinara ko din yung gate sa front porch namin. Hindi parin maalis sa Isip ko yung tinawag sakin ni mom na, "Babygirl." teka, why am I being so affected? Aya. Ano ba naman Aly it's been 3 years! Yes, it's been 3 years at nakamoveon na ako.
Dumiretso na ako sa paglalakad, buti nalang hindi madilim dito sa village namin. Saka safe naman dito dahil maliit na village lang siya dahil binili 'to ni Dad. Parang buong family namin sa Lopez at Reyes dito nakatira. So bale, village namin 'to and it's guarded with a lot of security guards.
After about 10 minutes of walking, nakarating na din ako sa McDo. Mabilis kong nakita yung mga best friends ko, they were at the window area. Kinawayan nila ako and I sat beside Ynna, andun kasi yung vacant seat.
"So what are we going to talk about?" I took a piece of fries. Binilan na pala nila ako ng hot fudge sundae. Yay!
"The plan bestie," Marianne winked.
"XO CONCERT PLAN OPERATION!" yan ang nakasulat sa iPad ni Mickie.
"Okaaay?" pagtango ko na may halong pagtanong.
"Okay so first rule. Dapat hindi tayo ma late," pagsimula ni Janielle, "I mean, kahit VIP yung tickets natin. Mahirap parin makipagsisikan, and besides buti binilan ko na kayo agad ng VIP tickets. Pay me later nalang. Kasi after 10 minutes, na sold out na agad yung tickets nila. Oh diba? So it means, there's going to be a sea of people. Kaya don't be late!" binigay na samin ni Janielle yung VIP tickets namin.
Tiningnan ko yung ticket, next week na pala yung concert nila. Well honestly speaking, first concert ko na pupuntahan 'to. Dati, lagi akong inaaya ni Nate sa mga concerts ng bands ng music company nila kaso hindi ko talaga hilig yung mga ganon kaya umaayaw ako. Gustong gusto ni Nate dati na manood, pero mas pinili niya ako kasama kahit ilang daang beses kong sinasabi sakanya na okay lang.
Ay. Ex and their damn memories.
"Second rule," pagsimula ni Mickie, "Well hindi naman 'to rule. I got you guys backstage tickets for free! Yan na yung libre ko sainyo sa birthday ko. Limited lang yung backstage tickets pero luckily, nakakuha ako para satin!"
They all cheered and I just smiled. Ang hirap pala pag o.p ka sa topics ng mga friends mo, pero okay lang, nageenjoy naman ako dito eh. Sa bahay kasi andun yung parents ko, and like what I said hindi kami close at mas nakaka o.p doon.
Ang dami pa naming pinagusapan tungkol dun sa XO Concert Plan Operation, pero buti nalang 8:45 palang. Since ang usapan naming lahat eh hanggang 9pm lang, umuwi na kami ng maaga. Sumakay nalang ako sa tricycle pauwi, kahit naman safe sa village namin and nakakatakot parin maglakad dahil madilim dilim na. Medyo scared of ghosts eh, well not medyo, SOBRA as in.
Naaalala ko tuloy dati, tinatawagan pa ako ni Nate para lang magkwento ng mga horror stories na nabasa o napanood niya. Matinde mangasar yun eh, buti nalang hindi ako pikon. Pero yun, sobrang pikon pero pag siya yung nangasar, wagas.
Teka. Kanina ko pa siya naiisip, ha. Ay grabe, erase erase!
"Miss dito na po kayo," biglang nagsalita si kuyang driver. Bumaba ako ng tricycle at nagbayad sakanya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, andun parin sila mom and dad. Pero si Kuya wala na, baka asa kwarto niya. I closed the door, and smiled at them ulit.
"You're 5 minutes late," sabi ni Dad sakin. Very strict kasi siya, lalo na pag sa punctuality.
"I'm sorry po. I didn't keep track of the time," I apologized. Mas pipiliiin ko nalang kasi na magsorry imbes na magexplain pa, kasi pag nagexplain pa ako, papagalitan lang ako at sasabihan ng disrespectful and such. Kaya nagsosorry nalang ako para tapos na yung usapan.
"I'll let you off the hook Alyssa Nadine this time," my Dad warned, "but pag naulit 'to, hindi ka na makalakabas ng bahay ng ganon kadali." I nodded nalang, then I bid a smile and umakyat na sa taas.
Phew. Kaya minsan ayokong nandito yung parents ko eh, oo, sabihin niyo na that I'm such a badchild. But can you blame me? Bata palang ako, nabibilang na sa isang kamay kung kailan lang sila umuuwi ever year. And paguuwi pa sila, wala silang ibang ginagawa kundi ipoint out yung mistakes ko.
I know they're my parents pero hindi ko naman sila kilala. Tuwing babalik sila, they act like everything is okay and that we're a one big happy family. But the truth? We're not. We never were.
Dumiretso na agad ako sa kama ko at natulog nalang, it was kind of a tiring day. Uuwi na yata sila Mom and Dad sa Saturday, two days lang naman sila dito eh. At babalik sila, I don't know, after 2 or 3 months? Both my parents are lawyers, at madalas out of the country sila.
I closed my eyes and drifted off to sleep.
-----------------------
Hiii. Thanks for reading 😘
-Hya💘
BINABASA MO ANG
Still Into You
Fiksi RemajaDo you believe in second chances? Some would say yes, some wouldn't and some would say the typical, "It depends." well, I do believe that love needs a second time because sometimes love wasn't right at the first time. Alyssa Nadine Lopez. Okay na...