Chapter 9- Jealous

5.9K 175 34
                                    

Gino Pov

Pag ka uwi namin sa bahay hindi na ako nag paligoy ligoy pa gusto ko nang malaman ang about sa pass nya kay shone na cu-curious kasi talaga ako bat kaya ganun nalan sya mag react pag patungkol na lahat kay shone

"Julieene umh...may gusto akong itanong sayo.."napa lingon sya saakin

"Pagod ako gino wag muna ngayon" sabi nya at dumiretso ng kwarto sinundan ko sya sa kwarto nya kaso na lock nya na agad yung pinto kaya umupo ako at sinandal ko ang ulo ko sa pinto nya

"Julieene alam kong naririnig mo ako...gusto kong malaman ang lahat tungkol sa inyon" kahit alam kong masasaktan lang ako pero gusto ko talagang malaman

"Ang tungkol saamin?" Rinig kong sabi nya napa yuko ako bat nga ba ako nag tatanong sa kanya paki untog ang ulo ko sa pintong ito pag nasaktan ako sa sagot nya ha.

"Mas maganda na ganto ang pag uusap natin para hindi akward "  naramdaman ko naman na lumapit sya sa pinto at pakiramdam ko umupo din sya..

"Ano ba ang gusto mong malaman???"
Natahimik muna ako bago ako sumagot

"pano kayo nag ka kilala??" Tahimik sya hindi kumikibo pero sandali lamang din ay sinagot nya na ang tanong ko

"Nag ka kilala kami 4 years ago nag bakasyon kami sa isang resort...Resort pala nila yon. naging mag kaibigan kami at tuwing mag babakasyon sinasabi ko kayla mommy na doon sa resort na yun kami palaging pupunta hindi alam ng parents ko na kaibigan ko ang anak ng may-ari ng resort basta sinasabi ko nalan na gusto ko doon kasi maganda doon at talagang nakaka relax doon."

Yung resort na yun nag babakasyon kami doon every year doon ko kasi nakikita ang first love ko not my ex. Girlfriend may isa pa talagang babae na mas nag papa tibok ng puso ko...

"Hanggang sa nag college na kami same school ang pinapasukan namin nung nag valentine's day 2 years ago duon nya inamin na he love's me at tinanong nya kung pwede bang maging kami...dahil sa na fall na ako sa kanha nung time na yun sinagot ko sya at minahal namin ng todo ang isat isa"

"Anong nagustugan mo sa kanya??"
Na hindi mo nagustuhan yan sana ang gusto kong i dugtong sa tanong ko pero wala akong lakas ng loob sa ngayon

"Ang nagustuhan ko sa kanya...una mabait sya malambing maalaga mapag mahal at mari pang iba..." ako nga nag papa ka tulong para sa'yo eh pero di ko alam kung nagugustuhan mo yung pag sisilbi ko sayo..

"masaya ka ba pag kasama mo sya?" Baliw na talaga ako sinasaktan ko na lang ang sarili ko sa bawat isasagot nya..

"Oo... siguro... dati...pero unti-unti ko nang kinakalimutan yung masasayang bagay na nabuo nung kami pang dalawa" unti...unti.? Bakit nya pilit kinakalimutan si shone dahil ba sa kasal na kami o..dahil saakin??

"Huling tanong...mahal mo pa din ba sya?" Hindi ko kayanga marinig kaya iniwan ko yung cellphone ko sa labas na naka open ang recording at umalis na ako doon siguro hindi ko pa kayang marinig ang tungkol dyan...
Masyadong masakit para saakin ang kapag nalaman kong mahal pa din nya si shone

Pag punta ko sa kwarto ko nahiga ako sa kama siguro mamaya ko na lang kukunin yung cellphone ko sa tapat ng pintuan nya...

Tama bang kinausap ko pa sya tungkol doon pero sinagot naman nya eh halatang gusto nyang ilabas lahat ng sama ng loob nya napaka open nga talaga kaya madali lang ma fall sa isang tulad nya yung  isang katulad nya mahirap mag hanap ng isa pang ganyan eh..

tumayo ako at pumunta sa tapat ng pinto nya mukang tapos na syang mag salita tahimik na eh.....

Kinuha ko agad yung cellphone ko at pumunta agad sa kwarto ko

My House Husband [Completed Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon