Chapter 43- Past Vs. Present

3K 95 9
                                    

Julieene Pov

Halos taniman nya na ako ng Dagger sa mga tingin nya

"Ako pa ang sinabihan mo nang ganyan?! FYI. Mas makinis pa yung Kamay ko kesa sa muka mo!" sabi nya tapos nag cross arms pa sya

"Para kang walang pinag aralan naturingan ka panamang Tumira sa states!" sabi ko tapos yung dalawa pumunta sa side ko at hinawakan ako

"Excuse me may pinag aralan ako baka ikaw wala kang natutunan kahit pumapasok ka!" balik sabi nya saakin sinamaan ko sya ng tingin

"Ibalik mo na saakin si gino ititigil ko na lahat ng kasamaan ko!" sabi nya syempre hindi ako papayag na mangyari yun isa syang malaking bara sa Kanal pwede bang iwan ko nalang ng basta basta ang asawa ko?

"At bakit ko naman ibibigay ang asawa ko sayo? nasisiraan ka na ba?!" sabi ko tapos lalapit sana sya kaso yung dalawa kong bestfriend parang sasapakin sya kaya lumayo nalang ulit sya ng konti

"Akin lang si Gino akin lang sya!" sabi ni janiece tapos tinaasan ko sya ng isang kilay

"Excuse me!~ Walang salitang sayo sa Salitang AKIN!" sabi ko tapos nag lakad ako binangga ko yung balikat nya na tulala sya doon na ay galit na galit na muka

alam ko naman na Wala pa sa kalingkingan ng kasamaan nya yung ginawa kong pang aasar sa kanya kanina tsk.. Pa tikim palang yun hindi pa yun yung nag mamalditang ako.

~

Nung makita ko si aliah tinawag ko agad sya kailangan nya palang malaman yung tungkol sa ate nya at baka matulungan nya pa ako

"Lizie Can We talk?" tanong ko tapos nag nod lang sya

"Tungkol saan?" Tanong nya tapos umupo sya sa isang bangko

"sa ate mo.."sa sinabi ko nag taka naman sya

"anong meron sa ate ko?"nag tatakang tanong nya

"Sya yung Black mailer ko kaibigan nya rin si Janiece ginagamit sya ni Janiece para sa mga plano nya" sabi ko kumunot naman ang noo ni lizie

"Buong akala ko mabait sya.. Yun pala..." nainis yung aura ng muka nya

"Sorry Julieene Mukang Kailangan kong ilayo si ate aliah dito para tumigil na sya sa kasamaan nya" sabi ni lizie at tumayo

"Anong balak mo?" tanong ko tapos ngumiti sya ng pilit

"Labag man sa Desisyon ko ito kailangan kong ilayo si ate dito sa school kailngan ma ilayo ko sya kay janiece bago pa sya lamunin ng kasamaan" sabi ni Lizie

"Tama yang Desisyon mo pero kailngan ba talaga na kasama ka pa?" tanong ko ulit

"Oo matagal ko naman na ding gustong lumipat ng school simula nung maaksidente ako inisip ko na na mag bagong buhay at pumunta na sa malayo" sabi nya tapos napa tungo sya

hinawakan ko yung kamay nya

"Dahil Team mate na tayo Tatanggapin ko lahat ng maging desisyon mo" sabi ko tapos ngumiti ako nakita yung muka nya na may kapurit na luha

~

Hindi ko talaga lubos na maisip na saglit ko lang sya makakasama bilang isang kaibigan Aalis na sila para sa ika bubuti ng iba.. sa ika bubuti ko... pag nangyaring umalis na sila lizie ang pro-problemahin ko nalang ay yang janiece na epal na yan..

tinignan ko si gino na nag lalaba sinilip ko lang sya tapos hindi ko na kayang pigilan yung bibig ko na mag tanong eh kaya ayam yung lumabas sa bibig ko

"Gino.. Mas Okey ba ang past? kesa sa present?" tanong ko sa kanya nilingon nya ako ng may nag tatakang muka

"Syempre mas mahalaga yung Present Pero Kasi....Teka nga bakit mo itinatanong yan saakin?" tanong nya tapos lumapit saakin yung braso nya may mga bula dahil inahon nya yung mga nilabhan sa washing

"Wala lang iniisip ko na mahalaga kaya para sayo si Janiece? Na cu-curious kasi ako" sabi ko tapos napa iling naman sya ipinahid nya yung bula sa ilong ko kaya pinunasan ko ito habang naka tingin sa kanya ng masama

"Gino naman eh!~" natawa sya sa kalokohan nya nakaka inis naman itong asawa ko

"ang cute mo.. " sabi nya tapos hinila ako pa tayo

"Sana wag mong isipin yun bagay na ikaka sira natin pass na si Janiece at ano bang ginagawa sa past na masasama? " tanong nya saakin

"Ano nga ba?" tanong ko

"kinakalimutan na sila kaya kung ako sayo hindi ko ikukumpara ang sarili ko sa iba.." sabi ni gino at niyakap ako wag ko daw ikumpara maiiwasan ba yun isapa si Janiece kaya yun! hindi madaling kalabanin yun at mawawalan na ako ng team mate aalis na sila julieene sila anica naman hindi sapat yung powers nila para pataubin si janies Tsk napaka gulo talaga ng isip ko ngayon..

*********

===================================================================================

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

===================================================================================

A/N: SUper Short Ud Promise Babawi ako sa next Chapter -Past Vs. Present Part 2
Wala pang SAkitan ang naganap pero dahil nag promise ako na gagandahan ko ito sa next UD... PAki abangan nalang :)

thanks Sa lahat ng nag Vote and Reads pati sa mga comment :)

Vote & Comment

Are highly appreciated by:

-clonepilipina

My House Husband [Completed Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon