Julieene Pov
"Alam mo best parang binagsakan ng langit at lupa yang muka mo.." pabirong sabi ni hanie andito kami sa canteen ngayon hindi ko makuhang ngumit man lang tinignan ko silang dalawa ng may blankong expression ng muka
"best kung iniisip mo yung aksidente na nangyari kay lizie hindi mo problema yun.." sabi naman ni anica nag buntong hininga naman ako
"kung siguro ako yung na bangga sasamahan din ako ni gino mag damag.." sabi ko natawa naman yung dalawa bakit? may nakakatawa ba akong nasabi?
"Alam mo abnormal ka din eh.. "sabi ni hanie na natatawa tawa pa sinamaan ko sila ng tingin
"Ako abnormal?" nag tatakang tanong ko
"Oo nakalimutan mo na ba agad yung aksidenteng nangyari sayo sa stock room diba binantayan nya mag damag nun.. hindi pa nga kayo pumasok nung sumunod na araw eh.." sabat naman ni anica ah.. kaya pala nakalimutan ko nga yun ha.. natawa nalang din ako
"tama ka Nag alala din sya saakin nun tapos sa sobrang pag aalala nya ki-..." napa hinto ako sa pag sasalita ko masyado akong madaldal muntik nang malaman nila anica na nag Kiss na kami ni Gino aish!!
"May sinasabi ka??" nag tatakang tanong ni hanie napa iling nalang ako
"w-wala wala lang yun.." palusot ko tapos ininom ko nalang yung juice ko
"sigurado kang wala??" pangungulit na tanong ni hanie nag nod ako habang binababa ko yung baso kumain nalang kami kaso bigla namang nag salita si anica
"Wala ka bang ikukwento saamin?" tanong ni anica umiling nalang ako ano naman ang i-kukwento ko sa kanila?
"May tanong ako nag Kiss na ba kayo ni Gino??" sa tanong ni hanie nabulunan ako pinukpok pukpok ko yung dibdib ko tapos umubo ako ng konti inabutan naman ako ni anica ng juice ininom ko naman yun nakita kong nagka tinginan yung dalawa tapos napa ngisi silang dalawa aba anong nasa isip nila?!
ito naman si hanie napaka chika-era eh!
"ayos ka lang ba?" tanong ni anica tapos makikita mo sa muka nilang dalawa na concern sila sa pag ka samid ko sa pagkain
"Oo ayos lang ako ito kasing si hanie kung ano anong pinag sasasabi" sabi ko tapos inisnaban ko si hanie natawa naman si hanie
"ikaw ha nahuhuli ka sa mga ganyanan mong samid samid hahahaha" tawa ng tawa si hanie inirapan ko sya tapos uminom nalang ulit ng juice
"Best. ibig sabihin nag Kiss na kayo ni.. alam mo na.." naka ngiting tanong naman nitong si anica ano ba ako nalang ba palagi?? ako lang ba yung may love life?? napa tingin ako kay anica maiba nga yung usapan dito
"Eh ikaw anica kamusta na lovelife mo??" pag iiba ko ng usapan sa sinabi kong iyon nabigla si anica tapos natahimik silang dalawa buti kahit papaano binasag ni hanie ang katahimikan
"Julieene ako hindi mo ako tatanungin kung kamusta love life ko?" tanong ni hanie seryoso ko syang sinagot
"Eh..Kamusta na nga ba??" Tanong ko inayos nya pa yung buhok nya tapos inipit nya pa iyon sa likod ng tenga nya
"As Usual mas okey pa yung love life ng iba kesa sa love life ko" natatawa tawang sabi nya napaTsss.. nalang ako habang nailing kelan kaya kami kikiligin sa love life ni hanie napa tingin ako kay anica na natahimik
"Best anica ayos ka lang? mag salita ka naman.." sabi ko napa ngiti naman si anica
"ayos lang ako kumain na tayo.." tipid na sagot nya tapos kumain na kami umh.. Smell Something Secrets? hindi kaya may pinag dadaanan na pala itong si anica..tapos wala akong alam.. kumain nalang kami
![](https://img.wattpad.com/cover/70442797-288-k169889.jpg)
BINABASA MO ANG
My House Husband [Completed Story]
Dla nastolatkówAng asawa ko ay isang "Taga" sa bahay..... "Taga Laba" "Taga Luto" "Taga Plantsa" "Taga Linis" "Taga Hugas ng pinggan" isang lalaking alam lahat ng gawain sa bahay pero bakit sa tingin nyo sya ang gumagawa nyan?? simple lang dahil Mahal nya ako at...