Lizie Pov
"Bakit?!! Ganito ba ang Parusa saakin Dahil Masama ako ha" hinahampas hampas ko parin yung pinto nung may biglang humawak sa Wrist ko nilingon ko sya at nagulat ako nung makita ko ang muka nya..
"Yugo?? bakit andito Ka?" Nag tatakang tanong ko naka tingin sya saakin ng Seryoso
"Maawa ka kahit sa Pinto nalang" sabi nya tapos nag lakad papasok sa roof top
tinignan ko lang sya tapos naalala ko yung sinabi ng ate ko na binisita ako ni yugo sa ospital noon bakit kaya?
"Yugo.. Bakit ka bumisita saakin sa Ospital?" tanong ko Ulit hindi sya lumingon saakin
"Kasi Gusto lang kitang Bisitahin don at Gusto ko ring malaman ang kalagayan mo" sabi nya at namulsa sya still naka talikod parin sya saakin
"At bakit mo naman gustong malaman ang kalagayan ko?... Hindi kaya dahil.. Gusto mong malaman yun kasi Inaantay nyo ako mamatay? kasi kasabwat mo Si Julieene Na asawa Pala ni Gino.. Grabe talaga parang Roller Coaster" Sabi ko tapos nag Cross arms pa ako at napa isnab pa ako how Could They Do This To Me? May nagawa ba akong Sobrang Sama sa kanila at niloko nila akong lahat ni hindi ako minahal ni gino pinaniwala lang Nya ako sa mga pam bobola nya dapat noon nya pa sinabi saakin yung totoo edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito akala ng iba malakas ako na lahat ng dumadaan na problema sa buhay ko ay na kakaya ko Mali sila Mahina ang Totoong ako kaya nga nag tatapang tapangan ako at nag mamaldi-malditahan para hindi nila ako api-apihin.
"Hindi sa ganon Gusto kong malaman kung okey na yung School mate ko kahit papaano importante ka sa.." hindi ko maintindihan yung sinabi nyang last I think Ibinulong nya nalang yun sa hangin
"Importante ako? saan? kanino???" tanong ko nilingon nya ako tapos malungkot na ngayon yung muka nya
"Basta Wag kang Susuko gusto ko yung matapang na Lizie na nakilala ko kahit nakipag Break na sayo Si Gino at nalaman mo na ang Totoo Wag mong gawing dahilan Yun para manakit gawin mong lakas ang panibagong buhay mo.." sabi nya aalis na sana sya kaso huminto sya at nag salitang muli
"Kung hindi Talaga para sayo Wala kang magagawa kung hindi Mag Move on at makikilala mo rin ang Lalaking para sayo.." sabi nya at umalis na tinignan ko sya hanggang maka baba na sya
Mag Move on? ganon naman lahat sa ibang tao eh madali nilang sabihin yang salita na yan pero pag sa kanila na nangyari yun hindi nila makuhang sabihin na im totally move on wag nga nila ang pinag lololoko may kailangan pa akong Kawawain
pumunta ako sa Room nakita ko sila Macy at cecy
sinamaan ko sila ng tingin
"Lizie! Okey ka na ba?" tanong ni cecy Imbis na sagutin ko yung tanong nya iniba ko yung usapan
"Alam nyo na ba ang lahat ng Ito? at kelan pa?" tanong ko sa kanila na medyo may inis sa boses nag katinginan sila tapos binalik ulit nila yung tingin nila saakin mukang alam na nga nila ito at mukang matagal na..
"SUMAGOT KAYO!" Galit na sigaw ko nagulat naman sila at na kuha lahat ang atensyon ng mga kaklase ko
"K-kasi lizie W-wala naman Talaga kaming alam K-kung S-sino Yung A-asawa ni Julieene Ang Alam lang namin May A-asawa sya Pero hindi namin alam na Si Gino Yun Na sabi lang nung doctor sa ospital na MAy asawa sya promise wala kaming Idea na gulat lang din kami" sabi pa ni Macy na ningkit yung mga mata ko
"Bakit Hindi nyo sinabi agad?!" sabi ko tapos pabagsak na umupo sa upuan ko nilingon ko yung upuan ni Gino wala sya asaan na kaya sya? kahit pinipilit kong hindi maapektohan sa pag b-break namin hindi ko makaya ganun pala ang pakiramdam pag ikaw lang ang nag mahal ng buo ikaw lang din ang masasaktan sa dulo..
BINABASA MO ANG
My House Husband [Completed Story]
Teen FictionAng asawa ko ay isang "Taga" sa bahay..... "Taga Laba" "Taga Luto" "Taga Plantsa" "Taga Linis" "Taga Hugas ng pinggan" isang lalaking alam lahat ng gawain sa bahay pero bakit sa tingin nyo sya ang gumagawa nyan?? simple lang dahil Mahal nya ako at...
![My House Husband [Completed Story]](https://img.wattpad.com/cover/70442797-64-k169889.jpg)