Julieene Pov
naka lipas na ang ilang araw makukuha na namin yung resulta sa Finger Prints na nakuha sa bagay na ginamit sa pag sunog sa palda ko pero.. hindi naman kasi big Deal saakin kung nasunod o sinunog lang talaga yung palda ko iba na kasi yung usapan pag sinabing Umpisa palang yan ibig sabihin maaring gawan nanaman ako ng tao na yun ng masama at yun ang ayaw mangyari ng mga kaibigan ko so dahil sila ang nag iimbistiga at naging detective na sila?! Hinahayaan ko na sakanila yung kaso tungkol sa gamit na natagpuan at ngayon hawak na ni anica yung resulta.
nag ka titigan muna kaming tatlo bago binigay saakin ni anica yung Brown Envelope kinuha ko naman yun at binuksan
Binasa ko ito at nagulat ako nung makita ko ang naka sulat.
"Ano best?" tanong ni hanie
"Anong naka sulat?" tanong naman ni anica
tinignan ko sila hindi pwedeng..... hindi talaga...
"ano ba kasing naka sulat dyan akin na nga" sabi ni hanie sabay hablot ng envelope saakin pag ka tingin nya nagulat din sya nilapitan sya ni anica at tinignan din yung envelope
"Huh! Anong kalokohan to?!" sigaw ni anica Napa tingin sya saakin naka tulala lang ako sa kanilang dalawa
"Imposibleng walang Finger Prints Yung gamit pano yun napunta dun? " Sabi ni Anica napa iling iling ako imposible nga
"Hindi kaya naunahan na tayo ng suspect tapos Pinabago nya na yung resulta?!" sabi ni hanie tama siguro nga naunahan kami nug taong yun
"Tara Puntahan natin yung Lab. baka mali lang yung resulta o di kaya Dinaya ito" sabi ni anica paalis na sana sila kaso pinigilan ko
"Wag na.. sa tingin ko Gumagawa talaga ng paraan ang Gumawa nyan sisiguraduhin nyang hindi natin sya makikilala.." napa tingin nalang silang dalawa saakin
"Pano pag inulit nya ito? pano kung mas malala naman next time ikaw ang makakawawa" sabi ni anica
"At ayoko kayong madamay kaya itigil na natin ito paigurado ako kung makiki sali kayo sa gulo idadamay kayo ng gumawa nito" sabi ko nilapitan ako ni hanie
"Wala kaming pake kung Idamay nya kami Basta Mapag bayaran nya lang lahat ng ginawa nya sayo best" sabi ni hanie ngumiti ako ng pilit
" Salamat Dahil sa inyong dalawa Nag kakaroon ako ng lakas ng loob para lumaban thank you" sabi ko ngumiti silang dalawa
"Kahit Idamay nya kami Ayos lang basta alam namin na hindi ka masasaktan nung taong yun" sabi ni anica at nag group hug kami
.
.
.
.
nasa canteen kami ngayon nakain hindi nga namin kasama si aliah ngayon eh hindi ko alam kung bakit hindi sya sumabay saamin sa pag kain nakita ko naman si yugo na papalapit saamin
"Yugo!" pag tawag ko sakanya ngumiti sya ng malawak at binilisan ang lakad papunta sa upuan naming tatlo
"Hi Julieene, Hi sa inyong dalawa" bati saamin ni yugo at umupo na sya
"Parang may kulang?" na pansin din pala ni yugo na wala si aliah
"Wala namang kulang ha Eto ang Tu-toong Bilang ng Groupo natin apat lang Walang Labis at Walang kulang" sabi ni anica natawa naman si hanie sa sinabi nya ito talagang dalawang ito oh napaka...
"Ano ba kayo.."Sita ko sa dalawang makulit
"Yugo hindi sya sumabay saamin ngayon hindi ko lang alam kung bakit"Paliwanag ko kay yugo yung dalawa naman naka ngisi bakit?
BINABASA MO ANG
My House Husband [Completed Story]
أدب المراهقينAng asawa ko ay isang "Taga" sa bahay..... "Taga Laba" "Taga Luto" "Taga Plantsa" "Taga Linis" "Taga Hugas ng pinggan" isang lalaking alam lahat ng gawain sa bahay pero bakit sa tingin nyo sya ang gumagawa nyan?? simple lang dahil Mahal nya ako at...