Chapter 5

84 16 68
                                    

Cheal's POV

""Alam mo, Cheal. Sana matutunan mong tumanggap ng mga taong gustong muling o maging bahagi ng buhay mo kasi sila yung mga taong makakatulong sayo at makakasama mo hanggang dulo. Oo nga't masasaktan ka nila pero sa sakit na iyon dun ka matututo. Wag mong ilayo ang sarili mo sa iba para hindi ka maging mag-isa. Nasubukan mo na ba yon? Acceptance is better than rejection, Cheal. Sana matutunan mong huwag itaboy ang ibang tao kasi sa huli sila ang taong malalapitan at kakailanganin mo. Wag mong isara ang puso mo sa mga taong gusto kang samahan at mahalin."

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga katagang iyan kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ko habang nakaupo sa upuan at inuuntog ang ulo ko sa lamesa.

Yan lang ang naisip kong solusyon para mawala yung boses niya na naririnig ko ng paulit-ulit.

"Cheal! Anong ginagawa mo?!" pasigaw na tanong ni Exviel sakin. Tinignan ko lang siya saglit bago muling nagpatuloy.

Tatama na sana ang ulo ko sa lamesa ng makaramdam ako ng malambot na bagay sa aking noo.

Ah kamay niya pala.

Iniangat niya ang ulo ko gamit yung kamay na pinansangga niya.

"Tignan mo yang noo mo o," sabi niya sabay turo sa noo ko.

"Napakapula!" dagdag pa nito at pinitik niya naman ang aking nao bago namewang.

"Aray!"reklamo ko sabay tingin ng masama sa kanya na ginantihan niya din.

Lintek na anghel to! -  deepest thought

"Namumula na oh!" sabi pa niya kaya napairap ako.

"Alam mo naman palang namumula, bat mo pa pipitikin?!" inis kong sabi sa kanya.

Napabuntong-hininga naman siya.

"Manood ka na lang ng TV sa baba!" saad ko sa dito.

"TV? Ano yun?" tanong niya ng may pagtataka.

"Sumama ka sakin," utos ko sa kanya at bumaba na kami.

Pagdating namin sa salas ay agad bumungad samin ang isang hindi kalumaang model ng flat screen TV.

"Ayan ang TV, " sabay turo ko sa TV na nasa harap lang namin.

"Ah okay," sabi niya sabay upo sa couch at tumitig sa TV.

What the hell is he doing?

Napanganga na lang ako sa ka-engotan ng anghel na toh.

"Grabe naman kayong mga tao. Kaya niyo tong titigan o panoorin ng matagal?" Napapakamot sa ulo niyang sabi na parang naiinis.

"Ikaw ang grabe! Bat mo ba naman tititigan eh hindi pa bukas?!" asar kong sumbat sa kanya.

"Ganon ba? Malay ko, hehe" nahihiyang sabi niya pa at napakamot na naman sa ulo.

Lumapit siya sa TV at tinignan ang likod nito.

Sa pag-aakala kong alam niya na ang gagawin ay pumunta muna akong kusina para uminom.

"Cheal! Bakit may maliit na bilog na butas yung TV mo?! Tas parang may nakapasak pang kulay silver! Baka sira na toh!" Sigaw niya mula sa salas.

Tinamaan ka naman ng magaling!

"Wala yan!" ganting sigaw ko sa kanya tyaka muling bumalik sa salas.

"Upo!" utos ko sabay turo dun sa couch. Umupo naman siya at maamo akong tinignan.

Parang aso lang ang mokong.

"Mokong?" Taka niyang tanong.

"Wala yun," pagsasawalang bahala ko tyaka binuksan yung TV gamit ang remote.

An Angel's BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon