Chapter 18

16 0 0
                                    

"Ack!" nabilaukan ako nang dahil sa sinabi ni Exviel.

Agad naman niya akong dinaluhan at hinagod ang likod ko. Si Shawn ay agad lumapit sa akin samantalang si Blake ay mabilis na nag-abot ng water bottle, agad naman itong kinuha at binuksan ni Shawn bago iniabot sa akin. Samantalang nagtatakang tumingin sa akin parehas sina Mike at Carol habang ang hinayupak na si Lloyd ay nagpipigil ng tawa.

"Ayos ka lang ba?!" nagpapanic na tanong ni  Exviel na ngayon ay inaalalayan ako sa pag-inom ng tubig.

"Do you need more water?" tanong ni Shawn sa akin na agad ko namang inilingan.

"Nah, I'm good."

"Kaya pa?" nang-aasar na tanong ni Lloyd. Inirapan ko na lamang siya.

Sina Mike at Carol naman ay bumalik na muli sa sarili nilang mundo at nagpatuloy na ulit sa paglalandian.

Bumaling naman ang tingin ko kay Blake at agad naman nitong nabasa ang nasa isip ko.

"Take it. No need to pay me," he said casually.

Wala na akong sinabi at hinayaan na lang din ang sarili na ubusin ang tubig na ibinigay niya.

Matapos sa cafereria ay agad kaming dumeretso sa sports hall dahil ngayong oras na namin gagawin ang campus clean up.

"You better clean up well! At subukan niyong magcutting kung gusto niyo din macut ang chance niyong makagraduate!" pagalit na turan ni Principal Corpuz.

Most of the students groaned and some rolled their eyes while the others obliged without any complains.

Nagsimula na kaming mamulot ng mga basura habang ang iba ay abala sa pagwawalis at pagbubuhat ng mga basurahan. Ang iba naman ay tila ginagalingan sa pag-acting na animo'y naglilinis pero wala naman nangyayari.

"Arghhh.." naiiritang sabi ni Mike at padabog at marahas na tinusok ng hawak na stick ang basurang nasa harap.

"Ah! Please be gentle, baby" natatawang sabi ni Llod kay Mike.

Agad naman siyang hinampas ng hawak na stick ni Blake. "Gago!"

"Aray! Pota" at nag-espadahan na silang mga gago.

"Di kinekeri ng beauty ko ito!" maarteng sabi naman ni Carol kahit wala pa naman siyang nasisimulang linisin. Pinagsawalang bahala ko naman ang pagkukulitan ng aking mga kasama at nagpatuloy na lamang sa paglilinis para matapos na.

"Ay, may beauty ka, teh?" maarteng sabi ni Lloyd at umirap pa. Inirapan na lamang siya ni Carol.

"Nasan yung pinsan mong pogi?" Pabulong na tanong ni Carol.

Nagkibit balikat lamang ako at nagwalis na lamang ng kalat.

Ilang oras din ang ginawa naming paglilinis bago nagdesidido si Principal Corpuz na pabalikin kami sa kanya-kanyang classroom.

Kanya-kanya ding ungot at singhal ang mga kaklase ko dahil sa pagod at init.

"Bakit kasi di mo ginalingan kumembot, Angela. Di tuloy tayo nanalo sa cheerdance," ani ng isa kong kaklase.

"Kapal ng mukha mo! Ang galing ko kaya no," angil naman ni Angela pabalik. "Eh ikaw nga dyan ang tigas ng galaw para kang kawayang nagsasayaw!"

Nagtawanan naman ang ilang nakarinig sa pagbabangayan ng dalawa. Samantalang ang iba ay dire-diretsong nagtungo sa kanilang upuan kagaya ko.

"May klase ba?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Hindi ko alam."

"Parang wala."

An Angel's BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon