Chapter 8

31 7 0
                                    

Exviel's POV

"Woooh! Mabuhay ang section natin!"masayang sigaw ng mga kaklase ni Cheal.

Tumingin ako kay Cheal at naramdaman ko na lang napangiti ako. Maya-maya din ay tumingin siya sakin. Nginitian ko siya pero ilang saglit din ay parang nalungkot siya.

Nakita kong may nagbabadya ng luha na pumatak kahit malayo ako sa kanya. Lumabas ng room si Cheal ng hindi namamalayan ng mga kaklase niya maging ang kaibigan niyang si Carol.

Sinundan ko agad siya. Tumatakbo na siya kaya tumakbo na rin ako para maabutan siya.

"Cheal!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako linilingon o hindi man lang siya tumitigil.

Pumasok siya sa isang pinto at agad din naman akong sumunod. May hagdan sa loob at ito ata ang daan papuntang rooftop ng building na ito.

"Cheal!!" Tawag ko. Naririnig ko ang paghikbi niya.

"Cheal!" Tawag ko muli. Nakarating na rin ako sa pinakataas at hindi ako nagkakamali.

Isa nga itong rooftop.

"Cheal.." Tawag ko ng makita siyang nasa isang sulok na umiiyak at unti-unting lumapit sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero para itong lungkot pero mas higit pa don.

Tumingin siya sakin pero umiwas din.

"B-bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Narinig ko yung paghikbi niya at para bang wala sa sarili kong yinakap siya.

"E-Exviel" tawag niya at humagulgul na ng iyak.

"Cheal? Ano bang problema? Bat ka umiiyak?" Tanong ko muli sa kanya and caress her back for comfort.

"Hindi ko alam!" naguguluhan niyang sabi.

Hindi alam? Posible palang umiyak ng walang dahilan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, pero ansakit" mahina niyang sabi pero dama ko ang lungkot at pait sa kanyang boses.

"Shh.. wag ka ng umiyak" pag tahan ko sa kanya at naramdaman kong yinakap niya rin ako ng mas mahigpit.

Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil nararamdaman kong malapit na.. Na unti-unting mawawala ang galit o yelong pumalibot sa kanyang puso.

Ano ba talaga ang nangyari sayo Cheal?

Ano bang dahilan sa pagtaboy mo sa mga taong gustong maging bahagi ng buhay mo?

At higit sa lahat...

Sino ka ba talaga Cheal?

Kumalas kami sa yakap ng bigla naming narinig na bumukas ang pinto.

"Cheal!" Bungad ni Jared na halatang nag-aalala.

"J-Jared?" Taka niyang tanong. Walang pasabi-sabing yinakap niya ito na ikinagulat ni Cheal.

Tumingin sakin si Cheal at nginitian ko na lamang siya.

Isa lang akong anghel... Mas maaalagaan ka niya, Cheal.

Jared's POV

Nandito ako ngayon sa room namin

T*ngnang mga late na mga kaibigan yan. Tss.

Wala pa sila Jivan at ang usapan ay pumasok ng mas maaga sa usual time na pag pasok namin pero.. Tsk! Langya mga gago.

Nakarinig kami ng katok pero di ko pinansin.

An Angel's BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon