Chapter 14

21 2 0
                                    

Cheal's POV

Nagising ako ng masakit ang aking ulo at hilong-hilo pero pinilit ko pa din umupo sa hinihigaan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwartong kulay puti na kinalalagyan ko.

Ugh. Nasa hospital ako. Ano bang nangyari?

Muli kong inilibot ang aking tingin sa paligid at nagbaka sakaling makita ang kumag na anghel na iyon pero wala siya rito.

Biglaan naman bumukas ang pinto at iniluwa non ang nag-aalalang si Carol.

"Omyghad! You're finally awake!!"

Agad na lumapit sa akin si Carol at sa likod niya ay nandoon ang iba pa niyang kasama. May dala-dalang basket ng prutas si Shawn at seryosong nakatingin sa akin. Si Llyod naman ay nakangisi na para bang gusto ng mang-asar. Si Mike naman ay pinapatahimik si Carol na nag-iingay na ngayon. Samantalang si Blake ay tahimik lang na naupo sa sofa na nasa may gilid ng kwarto.

"Shhhh! Carol, wag ka ngang maingay. Baka mabulabog mo ang ibang mga pasyenteng nasa kabilang kwarto," saway ni Mike kay Carol. Inirapan naman siya ni Carol bago muling itinuon ang atensyon sa akin.

"Tatlong araw ka ding walang malay!" saad ni Carol na ikinagulat ko.

"Tangina, Cheal. Napakadaya mo, nakaligtas ka sa biglaang recit nung prof natin! Gagu, exempted ka daw!" sabi naman ni Llyod.

"Sino namang gumawa sayo niyan?" seryosong tanong sa akin ni Blake na pinagkrus ang dalwang braso.

"Wala bang masakit sayo?" nag-aalalang tanong ni Shawn at umupo sa gilid ng kama ko.

Napabuntong hininga ako sa mga narinig na sinabi nila. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot sa sakit.

Damn.

"My head fcking hurts... that damn Trixie did this to me," I groaned in frustration.

"Trixie?" takang tanong ni Mike.

"That bitch?" gulat na tanong ni Carol na mukhang nakilala ito. "The one who is obsessed with Blue Madrigal?!"

"That damn Madrigal is the one to blame then!" saad naman ni Lloyd.

"What happened?" tanong naman ni Blake. Si Shawn naman ay nanatiling tahimik at nakikinig na lang sa usapan namin.

Ikinuwento ko naman sa kanila ang nangyari maging ang ikwentro ko kay Lean. Napansin ko ang pagkunot noo ni Lloyd nang matapos ako sa pagkekwento ng nangyari.

"Kaya naman pala hindi sumama si Hanz," saad nito.

"Hindi naman kasalanan ni Cheal ang nangyari noon!" depensa sa akin ni Carol pero nanatili lang akong tahimik.

"It's not good to tolerate cheating," saad ni Mike at mataman na tinignan si Carol.

"Are we seriously going to talk about the past now?" irita kong tanong sa kanila at napairap na sa inis. Narinig naman namin ang pagtikhim ni Blake kaya sa kanya nabaling ang atensyon naming lahat.

"What happened in the past is not important now. I'll handle this since I was the host of the party," tugon ni Blake. Napailing naman ako sa sinabi nito.

"I don't need your sympathy," malamig kong sabi.

"You don't but you need our help," seryosong sabi naman ni Shawn na mataman nakatingin sa akin. Tila nagsusukatan kami ng tingin hanggang sa napabuntong hininga ako, tanda ng pagsuko.

An Angel's BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon