Nakalimutan ko nga palang magpakilala, ang adik kasi ni Author. Balahurang author, magpa-facial ka nga!
(Grabe ka naman--singit ni Author)
Hehehe, o sige na, peace na tayo author. I love you na :3
Ako nga pala si Annika Bastarda, nakatira sa 1234 Sapangbato, pumuntang LA nagtrabaho. Well, describe myself? Maganda ako, sobrang ganda ko to the point na magdodrool ka pag nakita mo ako. Pwede ka na nga magpatayo ng water refilling station pag nakita mo ako ah. Nga pala, eto naman ang bestfriend ko *turo sa katabi*. Siya naman si Henna Blot, ang gandang pangalan diba? Parang hinablot lang? Hahaha
---
That's the craziest introduction we can ever have. And mind you, ginawa ko na rin ang ganyan. HAHAHAHAHA. To think na naging apprentice ako sa school publication nung first year ako, hahaha.
This is another influence of the writers in wattpad. Hindi ganito ang pagsusulat ko but when I landed here in planet Watty eh naging ganito rin ako kaya di ko masisisi ang mga newbies na ganito ang way ng pagsulat.
The truth is nakaka-enjoy naman kasi talaga ang ganito, ang point ko lang eh medyo nakakaumay na po ang ganitong way of introduction. Masyado na siyang gasgas to the point na hindi ko na dinediretso ang pagbabasa ko whenever this kind of introduction is present in someone's work.
Mind you, ibang era na tayo. Wala na tayo sa childish way of writing. Let us improve ourselves.
TIP: Wag nyo na pong i-try ang ganito. Paano ba mag-introduce ng mga characters? You don't have to do this. Napakadaming way. Kailangan lang nating aging creative.
Let's take this one as an example.The Ritual: Ako si Jessica Sanderson, isa akong graduating student. Sa sunod na pasukan ay college na ako.
Better way:
"Hoy Jessica Sanderson! Nakita mo ba yung isusubmit kong project?" Narinig ko ang matinis na boses ng kaibigan ko habang nakatingin sa'kin ng diretso. Halatang inis ito dahil tinawag niya ako sa buong pangalan ko.
"Aling project?" Bahagyang kumunot ang noo ko, wala naman kasi akong maalalang project na isusubmit eh.
"Iyong nasa coupon bond tapos ang title e 'My things-to-do before I graduate on March'."
"Patay, nakalimutan kong gumawa Marj." Bigla naman akong binatukan ni Marj.
"Baliw ka, pag di ka nagsubmit...hindi pipirmahan ni Mam ang clearance mo para maka-graduate!"
---
See the difference? Pag ritual ay maikli na nga ay masyado pang childish tingnan unlike dun sa ginawa ko na mejo pormal na, at the same time eh nalaman pa natin ang pangalan ng bida without bragging it to the readers. Natural yung pagkakalagay ng kanyang exposition as a character.
Ganyan dapat, may natutunan ba kayo? Hopefully. :D
Sa may mga katanungan, sasagutin ko yan. Post lang ninyo sa comment box sa baba :D
BINABASA MO ANG
Tips ito. Maniwala ka!
РазноеSimpleng tips para sa mga nangangapa at baguhan. Wala akong pake kung may maniwala pero para sa magbabasa, pagpalain nawa kayo. Hahaha