Noong una akong nag-post ng kwento ko dito, halata namang newbie pa ako.
Bakit? Masyado akong naimpluwensyahan ng mga jeje at emoticon writers.
Nagsimula akong magsulat gamit ang mga ito:
:)
:(
T_____T
at kung ano-ano pa. Luckily, hindi pala ako naging Jejemon cause I despised it.
Isang taon na rin ako at masasabi kong nagbago rin naman ang way ko ng pagsusulat, somehow ay nawala iyon. Maraming salamat sa pasali ko sa iba't ibang writing contest at nabalik ang dating wisyo ko sa pagsusulat. Mukha kasing nabagok ako dati at nagsalita na nang mga alienated words.
The truth is . . . lahat tayo dadaan sa stage na ganito. Pero syempre, merong mga exception dito. Pero mostly, hindi maiiwasang maapektuhan ng iba ang way ng pagsusulat natin.
Sabi nga doon sa nabasa ko, the stories we write are basically an ifluence from the previous stories we read. Totoo yun, hindi man natin namamamalayan ay ganon na rin pala tayo.
TIP: Sa oras na mabasa mo ito, wag nyo na pong gamitin ang mga jeje at emoticons na yan. Bakit? Hindi na pi yan ang uso ngayon. Ano na ba ang uso? Uso na ang mas pormal na pagsusulat. Hindi mo kailangan ng mga cheche bureche at kaek-ekan.
Iyon lamang :D
BINABASA MO ANG
Tips ito. Maniwala ka!
AcakSimpleng tips para sa mga nangangapa at baguhan. Wala akong pake kung may maniwala pero para sa magbabasa, pagpalain nawa kayo. Hahaha