What inspires me to write? What keeps me writing?
Seryoso? Si JustPlainlyMe ang tinatanong ninyo nyan? Bakit ako?
LOL. Hindi ako PRO para ituro ito pero dahil magaling ako (joke), sasagutin ko 'to.
With all due respect mga pares and mares, kahit anong bagay sa paligid mo pwedeng maging inspiration.
Ang qoutes na sinend sainyo ng kaibigan nyong konting-konti na lang eh halos gawin ng diary ang pag-send ng group message ay pwedeng maging inspirasyon. Ang isang palaboy-laboy na lalakeng naglalakad sa kalsada ay pwedeng maging inspirasyon. At kahit na nga ang problema mo eh pwedeng maging inspirasyon.
Puro kasi kayo lablayp e! HAHAHAHA. Peace.
There's more to life than love.
Hindi totoo na kapag inlove ka, inspired ka na.
Eh bakit ako? Isipin nyo 'to ah, wala akong lovelife ... pero bakit nakakaggawa ako ng love story?
Kasi nakikita ko siya.
Pakinggan niyo ang mga kaibigan niyong konti na lang ay hysterical na sa pag-kwento ng mga ka-kiligan sa buhay, hindi pa ba sapat na inspirasyon yun? You don't have to feed yourself with superficiality.
Simple lang, maging observant ka. Pansinin niyo ang mga bagay-bagay. Kahit nga ang pag-utot ng katabi niyo ay pwedeng gawan ng kwento hindi ba?
Example nyan ang 'Please be careful with my fart' ko :D Umutot yung kapatid ko ng nasa harap ako ng laptop, sakto namang pinalabas sa TV si Ser Chief at Maya. Kamusta naman yun diba?
Tip: Nasa paligid ang inspirasyon, kayo na ang bahalang pumansin.
Let me share you my own experience sa pagkuha ng inspirasyon...and let's take my story 'Kuya' as an example.
I never had an older brother kasi ako ang panganay so wala akong 'Kuya' na natatawag. And how does it leads me to writing such?
Dahil nga wala akong Kuya, lahat ng pwede kong tawaging Kuya ay tinawag kong Kuya at syempre, kung may crush ka sakin eh maiinis ka pag tinawag kitang kuya diba?
Hahaha. Assuming again, pero yung totoo ... may point nga na may nainis sa'kin at hindi naman ako manhid para hindi malaman ang dahilan. Wag na kayong showbiz kaya wag niyong tanungin kung sino yun (akiwkiw), ang point dun eh instant inspiration ang Kuya. Yun lang naman.
Personally, ano pa ba ang source of inspiration ko?
Mga books na nababasa ko, sinasabi ko sainyo...tumambay kasi kayo sa bookshop kasi libre makibasa, wag lang magpahuli. Ilang novels na natapos ko dun nang hindi bumibili. HAHAHAHA.
Mga tao sa paligid ko. Iba't ibang personality, iba't ibang characterstics is equal to iba't ibang kwento.
Environment, kahit ano pwede. Paganahin ang imahinasyon.
Sarili nyong buhay, I'm sure mas feel niyo yun isulat kasi buhay niyo yun at kayo ang nakaka-experience nun. Sabi nga, writers write through their experiences.
Qoutes, kanta at mga kadramahan. Minsan, iinternalize niyo lang ang mga yan, maiinspire na kayo.
Yun lang ang alam ko :))
---
May mga tanong pa kayo? Post lang sa comment box sa baba oh :))
BINABASA MO ANG
Tips ito. Maniwala ka!
DiversosSimpleng tips para sa mga nangangapa at baguhan. Wala akong pake kung may maniwala pero para sa magbabasa, pagpalain nawa kayo. Hahaha
