WANSHATS

1.5K 93 38
                                        

IN WRITING ONESHOTS

Isa mga bagay na pakiramdam ko eh confident ako ay ang paggawa ng oneshot stories. Katunayan ay mas madami ang readers ng oneshots ko kesa novels ko.

Sa mga walang ideya kung ano yun, ang oneshot ay isang short story na isahan lang ang tira. Kung baga sa pelikula, isang bala ka lang. Hindi siya mahaba, katumbas lang siya ng isang chapter sa isang novel and can even be shorter.

Pa'no ba ako nagsusulat ng oneshot?

I have ten steps/ guidelines para dyan and let me share it to you.

 

1. I always start using my imagination. Kapag nakaisip ka ng plot, paganahin niyo na sa utak niyo ang kwento, in that way ay para na kayong nanuod ng isang pelikula. At sa imagination niyo na yun, pwede niyo nang maggawa agad ang kwento. In fact, I can even imagine a story in maybe ten minutes. Sa ten minutes na yan, tapos na ang kwento sa utak ko, ita-type na lang.

2. The power of mystery. Mag-isip ka ng mga bagay na hindi mo agad isasabi sa readers. Hindi mo sila ihahain lahat, dapat ay may ititira ka para yun ang gamitin mo sa huli, eto yung mga bagay na pwedeng ilagay sa twist or ending. Para lang yang pagkain, magreserve ka para sa huli -- may maibibigay ka pang facts na hindi alam ng readers mo.

Best example ko jan ay ang Life Worth-Living ko. Hindi ko agad sinabi na seminarian si Bryle sa kwento at kapatid niya si Brielle. Gumamit ako ng foreshadowing (hints) pero di ko talaga sinabi sa readers. Nireveal ko lang sya dun sa twist at ending part na.

3. Isipin mo ang the best na pambungad. Kung baga sa novel, maganda pag may prologue. Pero wag niyo namang ilagay ang salitang prologue sa oneshot niyo, nakakasura e. Hindi na kailangang maglagay ng salitang 'prologue' sa isang oneshot dahil isa lang naman yun. Isang beses lang ang update, isang beses lang ang bira, ba't ka pa maglalagay eh ibibigay mo nang isahan lang yun diba? Buti sana kung novel siya. Ang prologue kasi, para sa'kin ay isang teaser na din ... overview nang buong kwento. Ba't ka pa maglalagay ng teaser kung ibubuking mo na rin ang lahat ng mangyayari diba?

AT ETO, TIP KO... Wag na kayong gumamit ng ganito:

What is love? Love is blind. Love is chchcuchuchuva....

Trust me, hindi siya maganda. Bakit? Masyadong gasgas na.

Try to think out of the box, kahit ano. Pwede yan, basta ang isipin niyo, ang pambungad ang hahatak sa mga readers niyo kaya dapat, paghandaan niyo ang unang parte.

Ang mga pambungad ay pwedeng maging qoutes or conversation or thoughts ng nagnanarrate. Depende na yun sainyo.

4. Invest on your characters. Since isahang bira lang sya, kailangan niyong maipakita ang essence ng inyong characters. Kailangang ipakita kung ano siya at kung ano ang purpose niya sa kwento.

Tips ito. Maniwala ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon