Chapter 5 - Knowing you!

31 1 0
                                    

MSS-Chapter 5

(Keith's POV)

'Pahamak talaga ang mga babaeng to!'

Habang tumatakbo kami. Nagsalita si Seoul.

"Gusto nyo ng habulan huh! Keith maghiwalay tayo ng daan pagdating sa crossroad."

'Good suggestion. Pero paano tong dalawang babae? Ano pa nga ba?'

"Sige"

Malapit na kami sa crossroad. Tapos napansin kong hinawakan ni Seoul yung kamay nung isang babae.

'So si Sara ang makakasama ko sa pagtakbo. Kung sa bagay ok na din na si Sara ang kasama ko. Kaysa naman yung isang babae.'

Kaya naman hinawakan ko na din yung kamay ni Sara, at hinila sya.

"Sandali lang paano si Bea? Hindi pa sila magkakilala ni Seoul! Saan sila pupunta?"

Hindi ako sumagot. After 10 mins. Tumatakbo pa rin kami.

"Keith! Saan tayo pupunta? Alam mo ba kung asan sina Bea at Seoul? Keith!"

Hindi pa rin ako sumagot. Hanggang sa 15 mins. Na kaming tumatakbo.

"Aaarrrggghhh!!! Keith!!!"

tapos bumitaw sya kaya napatigil ako sa pagtakbo.

"Kanina pa ako salita ng salita at tanong ng tanong! Hindi ka man lang sumasagot sa ni isa man lang sa mga sinabi ko! Sana kahit yung saan man lang..."

tapos di ko na pinatapos pa yung salita nya. Kasi naman daldal sya ng daldal di man lang nya napansin na nasa kalsada na pala sya at malapit na sa kanya ang isang taxi.

"Sara!!!!!"

Kaya naman yinakap ko sya, at sabay kaming tumalon papunta sa gilid para makaiwas sa taxi. Pareho kaming bumagsak.

(Yakap yakap ko pa rin sya. Sa pagbagsak naming dalawa sya ang nasa unahan ko.)

'Wo0o0h! Muntik na sya dun. Buti na lang! At ok na sya...'

(Bigla ko na lang naramdaman ang panginginig ng katawan nya, at ang mahigpit na pagkakayakap nya sa akin.)

tapos umalis sya sa harap ko at umupo sa gilid. Kitang kita ko sa kanya ang takot pero hindi sya umiiyak. Tumayo ako.

"Ganyan ka ba talaga? Lapitin ka ba talaga ng disgrasya? Ang galing galing mong ipagtanggol ang ibang tao pero ang sarili mo..."

tapos nagsalita sya.

"Sorry ... Hindi ko naman kasalanan na lapitin ako ng disgrasya eh! Sorry... Sorry talaga!"

'Haist! Ayan na naman sya eh!'

"Tama na yan. Sige na umiyak ka na kung gusto mo."

Tapos umiyak na lang sya.

"Waaah... Sorry... Waaah.. Sorry pinanganak akong malas para sayo. Sorry rin kasi lagi akong nadidisgrasya."

'Hai nako para syang bata. Nako baka matagalan kaya mabuti pa putulin ko na.'

"Wala namang taong perpekto. Isa pa hindi ka malas. Iba ang malas sa palaging nadidisgrasya... Oh, ito panyo. Tumayo ka na dyan! Pupuntahan pa natin si Seoul pati na rin yung kaibigan mo."

(Nagpunas na sya ng luha nya at tumayo. Naglalakad na lang kami ngayon. Malapit na rin kasi kami sa may park. Simula bata kasi pag maglalaro kami ni Seoul ng habulan. Usapan namin na laging sa park ang tagpuan. Tulad ngayon.)

Tahimik lang si Sara. Pero nakangiti pa rin sya.

'Tignan mo tong babaeng to! Parang baliw! Kanina takot na takot, tapos iiyak, tapos ngayon nakangiti kahit na wala namang nakakatawa.'

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon