Chapter 3 - Finally I meet you

33 1 0
                                    

MSS-Chapter 3

(Sara's POV)

'Lahat sila nakakatuwa. Kahit na nagpapakilala pa lang sila. Ramdam ko na welcome ako dito sa lugar na to!'

Nagpakilala na si Belle, Alvin, Drew, Phoebi, at Lizz...

"Oh! Next na,... Keith!"

'Si Keith na ang magpapakilala. Ang lucky talaga today.'

"Oh? Nasaan na si Keith?"

'Huh? Nasaan si Keith?'

kaya naman tumingin ako sa may bintana.

'Saan nagpunta si Keith. Kainis naman eh! Siguro nakilala nya na ako. Naalala nya na yung ngyari noon.'

(Nalungkot ako, sa tingin ko kasi naalala nya na, na isa ako sa mga babaeng naghahabol sa kanya. At ako din yung babaeng nag-abot ng loveletter sa kanya noong 1st yr kami.)

Tapos may biglang nagsalita sa harap ko, at pag-angat ko ng ulo ko.

0.0

"Sino bang hinahanap nyo dyan?"

Lahat sila napalingon.

"Oh! Keith! Nandyan ka lang pala. Kala namin umalis kana naman eh."

'Si Keith! Hindi sya umalis at ngayon nasa harapan ko pa sya.'

Tinitigan nya ako at nilapag nya ang isa nyang kamay sa harapan ko.

0.0 ... 'Ang mga kamay ni Keith!'

(Tapos may bigla na lang tumakbo sa utak ko)

[Daydream]

Nilapag ni Keith ang mga kamay nya sa harapan ko.

"Sara halika... Sumama ka muna sa akin."

"Saan tayo pupunta Keith?"

"Sa lugar kung saan tayong dalawa lang ang magkasama."

Iniabot ko sa kanya ang kamay ko, at sabay kaming tumakbo.

[Daydream Ends]

"Sara? Woi Sara? Ayos ka lang ba?"

tapos naramdaman ko na lang si Seoul na tinatapik ang likod ko, at binulungan ako.

"Sara halata ka! Wag ka ngang ngumiti ng mag-isa. Para kang baliw dyan!"

tapos dahil sa sinabi ni Seoul. Napansin kong lahat sila nakatingin sa akin.

'Sara! Sara! Nakakahiya ka talaga sa harap ka pa ng crush mo nangarap ng gising!'

kaya naman tinungo ko yung ulo ko sa hiya at nakipagkamay sa kanya.

"Alam mo para kang baboy nakatungo dahil sa hiya. Ito ba ang applicant mo Seoul? Haaah... Di ako kukuha ng applicant na katulad nya! Nakakahiya ka!"

'Ouch! Ansakit nya talaga magsalita, but then tama naman sya nakakahiya talaga ako. Para maging applicant ng Pres. ng S.C. Mabuti pa umalis na ako dito.'

"Keith! Tama na yan! Natural bago pa lang hindi pa nya alam ang mga dapat nyang gawin."

'Pero kung aalis ako ulit. Parang sumuko na din ako kay Keith! Ito na ang pagkakataon ko para mapansin nya ako sa paraan na gusto ko. Kaya tama di ako aalis kahit na anong gawin nyang panlalait sakin.'

"Seoul,.. tama naman si Keith. Nakakahiya ako para maging applicant mo,.. pero Keith, kahit na si Seoul ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Ginusto na mga paa ko na mapadpad dito sa inyo. Kaya nakapag decisyon na ako. Kahit na magkamali ako, eh ano? Hindi naman ako perfect. Lahat naman tao hindi perfect. So Seoul tinatanggap ko maging applicant mo. At kung para kay Keith nakakahiya ang isang katulad ko! Wag ka mag-alala Seoul gagawin ko ang lahat para hindi ka mapahiya."

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon