MSS-Chapter 10
(Bea's POV)
Nadala ko na yung mga grocery ni Sara sa bahay. Napansin kong wala pa sya. Kaya umalis na din ako agad.
'Kamusta na kaya ang pagkikita ni Keith at Sara? Sana naman magkaayos na sila. Kaso sa ugaling yun ni Sara. Baka malabo!'
Bago umuwi nagcoffee muna ako. Doon may nakita akong lalaki na familar sa akin. Kaya naman nilapitan ko sya.
"Uhm... Keith?"
"Ahm... You're Bea right?"
"Yes and I'm Sara's Bestfriend. If you mind pwede ba akong makitable sayo?"
"Ah sure. I have something to ask din sayo."
"Ok! So what is it? Ah wait pwede bang ako muna ang maunang magtanong?"
"Ok. Go."
"So kamusta ang pagkikita nyo ni Sara kanina?"
"Hmf,.."
"Let me guess... Sinungitan ka nya or sinagot sagot ka nya noh! Hai nako si Sara talaga!"
"Now it's my turn. Tell me, Bakit ganun si Sara? Parang ... "
"Parang ano? Parang babaeng version mo na parang galit sa mga lalaki? Yun nga lang mostly sayo! Well for that one ako na ang humihingi ng pasensya. Para sa kanya. She is sick. Kaya ako na humihingi ng pasensya."
"What She's sick? But she doesn't look like she's sick?"
"My sakit sya at matagal na din ng nakuha nya to. Akala namin magaling na sya after ng theraphy nya sa states, but when you did that to her. It comes back."
Tapos nanlaki ang mga mata nya.
"What? Alam mo kung ano yung.."
"Oo alam ko. Ikaw naman kasi magjojoke ka na lang yung hindi pa nakakatuwa."
"Kaya nga nag-sosorry ako sa kanya eh! Kaso ewan ko ba dyan sa bestfriend mo."
"Ok! I will tell you a story of a girl. Para na rin maintindihan mo si Sara."
"Ok go on. I will listen."
"May isang batang babae. Napakagaling nyang tumugtog ng piano, at gusto gusto ng lahat ang pagtugtog nya ng piano. Pero isa lang naman talaga ang gusto nyang nakakarinig ng kanyang pagtugtog ng piano, at iyon ay ang kanyang ama. Ang ama nya na nagturo sa kanya kung paano tumugtog ng piano. At ang pagtugtog ng piano ang nagdala sa kanya sa kasikatan at kapahamakan. Nakilala sya ng lahat ng dahil sa pagpiapiano nya. Kada contest na salihan nya lagi syang nananalo. Hanggang dumating ang kaarawan nya. Tumugtog sya ng piano sa isang contest subalit hindi nakarating ang ama nya. Kasi busy din ang ama nya sa company nila. Kaya naman nagpatuloy pa rin sya sa contest. Nanalo naman sya pero sa di inaasahan nakidnap sya after ng contest. Dinala sya malayo at madilim na lugar. Humingi ng ransom money ang mga kidnapers. At sa pag-aalala ng ama. Agad syang kumuha ng pera at pinuntahan ang mga kidnapers. Ni hindi sya humingi ng back up sa mga pulis. Wala na syang pakialam kung mapano sya. Kaya naman naisipan ng asawa nya na padalhan sya ng device para madali nila malaman ang location nila. Agad na umalis ang ama ng bata at nangako sa asawa nya na gagawin ang lahat para maibalik ang anak nila. Lumipas ang 3 oras nakarating din ang ama sa lugar kung nasan ang mga kidnapers. Takot na takot ang bata dahil bago pa dumating ang Ama nya ay binabalak na syang rapepin ng mga kidnapers. Dumating na ang Ama nya pero bugbog sarado na to sa mga kidnapers. Habang patuloy na binubugbog ang ama nya. Sya naman ay hinahalik halikan na ng mga kidnapers. Nakita ito ng kanyang ama. Kaya naman kahit hirap pilit hinarang ng Ama ang mga kidnapers. Hanggang sa nasaksak sya ng isa sa mga ito. Kitang kita ng batang babae kung paano unti unting nawawalan ng hininga ang pinakamamahal nyang ama. Pero maya maya lang ay dumating na ang mga pulis. Agad na tumakas ang mga kidnapers, pero nahuli din sila agad. Kasabay ng pagdating ng mga pulis ay ang pagkamatay ng ama ng bata."
BINABASA MO ANG
My Shooting Star
Teen FictionHighschool Girl na 3 yrs. ng may crush sa isang gwapong Student Council Officer. All she want is to be seen by that man. Until one day, she's journey will be change because of joining at the SC Club. Ngayon na mas lumiliit na ang mundo nila ng taong...