MSS-Chapter 12
(Sara’s POV)
‘Ang lamig at ang sarap ng hangin.’
Minulat ko ang mata ko at nagulat ako sa mga nakikita ko.
“Teka … Nasaan na ba ako?”
‘Ang huli kong naalala nasa kotse kami ni Seoul. Bakit ngayon nandito na ako sa kwartong to? Nakarating na ba kami? Bakit nya man lang ako ginising!’
Pumunta ako sa terrace at napahinto ako sa paglalakad dahil sa ganda ng tanawing nakikkita ko. Isang malawak na garden tapos sa likod isang napakalawak na dagat, na napapagitnaan ng mga bundok.
“Ang ganda! Pero ang lamig…”
Tapos tumingin ako sa magkabilang gilid ng terrace na kinkatayuan ko…
‘Kung nandito na kami ni Seoul sa vacation house, ibig sabihin kumpleto na ang buong barkada… at malamang kasama na din namin si Keith dito.’
“Saan kaya room nya dito?”
‘Teka! Bakit ba room nya ang hinahanap ko? War kami diba? Erase! Erase! Tama na nga! … Pero hanggang kalian kaya kami ganito ni Keith? Hindi ko naman talaga ginusto to,… Haist!’
Pumasok na ako ng kwarto at umupo sa higaan, nang mapansin ko sa tabi ng lampshade ang isang letter na may nakasulat na pangalan ko.
“Sara,
Good Evening … Siguro naman gising ka na? Malamang nababasa mo na ito eh … Anyway ngayon na gising ka na, baka naman gusto mo ng bumaba … kasi hindi kami kakain ng wala ka! Kaya mag-ayos ka na at bumaba ka na! Okay? J
Lizz”
“Hala! Anong oras na ba? 7:00 pm na pala!”
‘Makababa na nga …. Baka kanina pa pala nila gusting kumain … Bakit naman kasi kailangan pa akong hintayin eh! Dala ko ba ang kaldero huh? Haist!’
Kaya naman binuksan ko na yung pinto, lalabas na sana ako pero napahinto ako dahil…
“Keith…”
Si Keith nasa labas ng kwarto ko… at ngayon tintitigan ako…
‘Ano naman kayang nasa isip nito at…’
“Sara…”
(Unting katahimikan)
…..
…….
……….
……………..
(Pagkalipas ng 10 mins.)
‘Ano ba huh? Matapos mong tawagin yung name ko…. Ano? Wala lang? Wala nang karugtong? Hay nako mapapanis na laway ko! Mabuti pa ako na mauunang magsalita!’
“Oh? … Bakit?”
“Ah… Uhm… Kasi….”
‘Nakakabwisit na huh!’
“Ano? May gusto ka bang sabihin? Mabuti pa sabihin mo na… Kaysa nakaharang ka dyan sa pinto!”
‘Tignan na lang natin kung hindi ka pa magsalita!’
“…Sorry…”
‘Teka! Ano? Tama ba yung narinig ko?’
“Ano?”
‘Tama bang nag-sorry sya? Mukhang magkakaayos na kami…’
“Sorry … kasi nakaharang ako sa pinto.”
BINABASA MO ANG
My Shooting Star
Teen FictionHighschool Girl na 3 yrs. ng may crush sa isang gwapong Student Council Officer. All she want is to be seen by that man. Until one day, she's journey will be change because of joining at the SC Club. Ngayon na mas lumiliit na ang mundo nila ng taong...