Chapter 13 - "Sorry but I?"

24 0 0
                                    

MSS - Chapter 13

(Seoul's POV)

Umalis na si Sara at Lizz, habang si Keith lumakad na rin... pero bago pa sya makaalis ... kailangan ko ng linawin sa kanya ang lahat.

"Keith!"

Huminto sya sa paglalakad at sinagot nya ako... kahit na magkatalikod kami sa isa't - isa.

"Ano yun?"

"Sabihin mo nga sa akin yung totoo... may gusto ka ba kay Sara?"

"Eh ano kung meron nga? Bakit may gusto ka ba sa kanya?"

"Oo meron! ... Kaya kung wala ka namang nararamdaman sa kanya at pinapaasa mo na naman sya ulit mabuti pang pabayaan mo na lang sya."

Humarap ako sa kanya at nilapitan sya...

"Keith, ibahin mo si Sara... Hindi sya katulad ng mga babaeng nakilala mo."

Umalis na ako at sumunod na sa garden para sumabay sa kainan. Pagdating ko sa garden lahat sumabay sa kainan. Pagdating ko sa garden lahat sila nakaupo na at hinihintay kami ni Keith. Biglang tumayo si Lizz at nagsalita...

"Oh! Ayan kumpleto na tayo... So sino magprapray?"

"Ako na lang!"

"Ok Alvin ... Umpisahan mo na ng makakain na tayo!"

Si Alvin ang naglead ng prayer then after nun... nagsipag upo na ang lahat at nagkainan...

'Gusto ko sanang umupo sa tabi ni Sara para mag-sorry ... pero katabi nya na si Lizz sa kanan nya... Teka? Wala pang nakaupo sa kaliwa nya... Tama doon ako uupo!'

Nang palapit na ako... nakita ko si Keith na palapit din sa may kaliwa ni Sara... Unahan ko sana sya.. Nang biglang tumingin si Sara saming dalawa ni Keith ... Kaya naman napahinto kami pareho... tapos biglang tumayo si Sara... at nagsalita

"Seoul? Pwede mo ba akong samahan magpahangin?"

'Yes! Ako ang pinili ni Sara.'

"Sige ...  Halika doon tayo sa tabing dagat"

Ngumti sya at lumapit na sa akin, habang si Keith naman nilagpasan lang kami at sya naman ang umupo sa tabi ni Lizz.

'Alam ko namang gusto din lang ni Keith na mag-sorry kay Sara ... dahil sa nangyari kanina pero hindi ko din kasi napigilan ang sarili ko na magselos ng nakita ko yung itsura nila ni Sara kanina. Sorry Keith pero ibigay mo na lang sa akin si Sara.'

Naglakad na kami ni Sara sa tabing dagat. Tahimik lang sya....

"Alam mo ba na private place ang lugar na ito Sara...

...Binili ito ng mga magulang namin ni Keith... Actually lupain ito nina Keith, dahil ang mama nya ang may gusto na  nakikita ang paglubog ng araw sa malawak na dagat na ito... kaya naman napagpasyahan ng papa ni Keith... na magpagawa ng buhay sa lugar na ito... at ang mga magulang ko ang nagtayo ng bahay na tinutuluyan natin ngayon..."

"Kung ganon ... magkaano - ano ba ang magulang ninyo ni Keith? Magkamag-anak ba kayo?"

"Actually... Hindi, magbusiness partners lang ang mga parents namin and simula pagkabata din kasi magkaibigan na talaga ang mga parents namin."

"Nakakatuwa naman ... ang strong ng friendship ng family nyong dalawa ... na dinadala nyo hanggang ngayon ni Keith."

'Tama si Sara ... ang strong ng friendship na meron ang mga magulang namin ni Keith na dinadala namin ni Keith hanggang ngayon ... pero mukhang magbabago na ang lahat ... sa oras na malaman na ni Keith kung ano talaga ang nararamdaman nya at sa oras na malaman nya ang halaga ni Sara sa buhay nya.'

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon