"Mali kayo ng nakuhang bride..."
"Pakawalan niyo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanila
"Hindi pwede. Bakit hindi mo ba kasi balikan si Boss Zach." Sabi nung driver
"Oo nga." Sang-ayon ng dalawang nasa tabi ko
"Huh? Sinong Zach ang pinagsasabi niyo?" Tanong ko sa kanila
"Wushu. Kunwari pa."
Sino kayang Zach? Siguro siya yung nagpakidnap sakin.
"Nandito na tayo." Sabi nang driver
Huminto ang kotse sa isang maganda at malaking bahay. Ayos pala yung amo netong mga to eh. Mayaman pala. Bumaba na kami ng kotse. Inalalayan pa ako ng dalawang katabi ko kanina. Nagdirediretso ako sa malaking bahay at nung nasa pinto na ako ay binatukan ako nang driver.
"Aray. Makabatok ka akala mo kung sino ka. Nanay at tatay ko nga hindi ako pumapayag na batukan ako tapos ikaw kung makabatok ka. Tssssss." Bulyaw ko sa kanya
"Ang dami mo namang sinabi. Babatukan kita kung gusto ko. Hindi naman kasi diyan masyado ka kasing nagmamarunong. Anong feeling mo? Dyan ka dadalhin sa malaking bahay. Asa." Sagot sakin ng driver at hinatak ako papunta sa katabi ng maganda at malaking bahay.
"Huh? Dito tayo." Hinatak nila ako sa maliit at lumang bahay. Tssss. Akala ko pa naman dun sa malaking bahay yun pala katabi nun.
"Oo."Sagot nila sakin ng sabay

BINABASA MO ANG
The Missing Bride
RomansaO N G O I N G ♥ Ang hindi magbasa nito pangit. :P Kaya basahin niyo na. Vote and Comment na din. :) If ayaw niyo ok lang. Thankyou na lang :*