TMB 08 ♥

326 7 2
                                    

"I'm sorry Lance..."

"Oh? Bakit natahimik ka dyan? Akala ko ba gusto mo marinig yung sorry ko? Bakit wala kang react?" Basag ni Zach sa katahimikan

"Wala lang. Nagulat lang ako. Akala ko kasi hindi na kita mapipilit mag-sorry saakin." Sabi ko sabay tingin sa kanya

"Syempre pinilit mo ako e. Tsaka ayoko lang na may babaeng nagmamakaawa sa harapan ko." Pagmamayabang niya

"Tsssssssss. Ang yabang mo."

Ilang minuto kaming walang imikan. Maya-maya nasa harap na kami ng mall.

"Mauna ka nang bumaba. Ipapark ko lang tong kotse." Sabi niya habang hinahantay akong lumabas

"Hah? Ayokong lumabas. Nakakahiya tong suot ko. Tsaka tignan mo tong mukha ko oh, Kalat na yung make-up ko."

"Ano ka ba? Bumaba ka na sabi." Pagpupumilit niya sakin

"Ayoko." Pagtanggi ko.

"Sabing baba."

"Sabing Ayoko."

"Baba sabi."

"Ayoko sabi."

"BABA!" Grabe nakakatakot yung mata niya nung tinitigan ko siya pero hindi padin ako nagpatinag.

"AYOKO!" Sigaw ko din sa kanya. Kaso nakita ko yung reaksyon niya parang may naisip siyang maganda na bigla siyang napangiti.

"Osige ganito na lang manghiram ka muna ng damit sa kapatid ko tapos bukas bibilhan kita ng damit. Ayos na ba yun?" Sabi niya sakin.

"Oo. Ayos na yun sakin pero bakit para kang eng-eng na biglang napasmile kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Naisip ko lang kasi na diba kikidnapin kita? so kailangan itago kita kasi pag nalaman nilang nawawala ka tapos nakitang kasama mo ako edi mabubuko agad na ako yung nangidnap sayo." Pagpapaliwanag niya. Oo nga noh? Kung kanina bumaba na ako edi pwede na akong makatakas. SHET! ANG TANGA KO!

"You ungrab your opportunity." Sabay kindat niya sakin

"Hmmmmp." Taray ko sa kanya at inistart na niya ang makina ng kotse

Maya-maya gumalaw ang kamay niya para magsalang ng cd na puro kanta. Pagkaplay niya, ang unang kantang tumugtog ay Breathe ni Taylor Swift. (play the video ->)

"Seriously? Fan ka ni Taylor Swift?" Tanong ko sa kanya

"Nah. Gustong-gusto siya ng girlfriend ko kaya may cd ako nyan. Ikaw? Hindi ka ba fan ni Taylor Swift?"

"Hindi niya ako fan, hindi niya din ako hater, average lang pero inaadmit kong maganda ang boses at mga kanta niya."

Hindi niya na ako sinagot at nakinig na lang.

I see your face in my mind as I drive away

'Cause none of us thought it was gonna end that way

People are people

And sometimes we change our minds

But it's killing me to see you go after all this time.

"So, Yung sinasabi mo bang babaeng gustong-gusto si Taylor Swift ay yung bride na dapat ay kikidnapin mo?" Basag ko sa katahimikan

The Missing BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon