TMB 09♥

231 5 0
                                    

Sorry kung ang tagal kong hindi nakapag-update. :( Patawarin niyo na si author. :3 I love you guys. :* ♥

______■______■______■______■

"Ewan ko sayo..."

Ashera's POV

Nagising ako nang may tumapik-tapik sakin. Pagdilat ko si Zach pala na nakatingin sakin na may halong pandidiri.

"Grabe ka naman kung makatingin, na parang may nakakadiri sakin." Singhal ko sa kanya. Akala netong lalaking to kung sino siya. Nakakainis! Nakakairita! Nakakaimbyerna!

Umiling lang siya sabay sabing "Sino ba naman kasing hindi mandidiri sayo, punasan mo nga yang laway mo sa gilid ng labi mo."

Medyo napahiya naman ako sa sinabi niya. Ano bang magagawa niya? eh ganto talaga ako matulog. Tinignan ko na lang siya ng matalas na tingin habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin, palapit siya ng palapit hanggang sa konti na lang ang natitirang space sa pagitan ng mukha namin. Napalunok ako at napatitig ako sa mukha niyang hindi ko maipagkakaila na may taglay siyang kagwapuhan. Ang maganda niyang mga mata, ang kanyang matangos na ilong, at ang kanyang mapula at manipis na labi. Papalapit ng papalapit yung mga labi niya sa labi ko, wala akong magawa kundi pumikit at maghintay na magdikit ang labi naming dalawa. Maya-maya meron akong narinig na "Click" kaya napadilat ulit  ako at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa. Tinanggal lang pala niya yung seatbelt.

"Nandyan na sa tapat yung bahay ko, bumaba ka na diyan at sumunod ka sakin." Sabi niya sabay baba ng kotse. Napakamot na lang ako ng ulo. Bababa na sana ako nang bigla siyang dumungaw sa kotse.

"Akala mo ikikiss kita noh? Asa ka. HAHAHA!" Mapang-asar niyang sabi. Nakakainis talaga tong lalaking to. Sarap sapakin!

Bumaba na ako ng kotse at sinigawan siya "Ang kapal talaga ng mukha mo." Hindi niya na pinansin ang sinabi ko kaya sinundan ko na lang siya at pumasok kami sa isang malaking bahay.

Pagpasok namin ay namangha ako dahil ang ganda ng combination ng bahay niya. Puro skyblue ang kulay na parang kakulay ng langit, Maaliwalas at malinis tignan. Naalala kong naka-wedding gown pa pala ako.

"Yung damit ko nga p-"

"KUUUYAAAAAAAA!" Naputol ang sasabihin ko na may dalawang babaeng sumigaw. Napatingin ako sa mukha nilang dalawa, magaganda sila at kamukha ni Zach. Marahil, ito ang sinasabi ni Zach na kapatid niya. Batid ko, nasa 20 at 16 ang edad netong dalawa.

"Kuya, namiss ka namin." Sabi nung isang matangkad na babae sabay halik sa pisngi ni Zach.

"Ako din kuya. Kuya sino siya? Bakit naka-wedding gown siya? Akala ko ba si Ate Ella yung kasama mo? Kaano-ano mo siya? Bat kalat kalat na yung make up niya sa mukha niya? Bakit-"

"Hep hep. Ayan ka na naman sa kadaldalan mo Lenn. Tigilan mo kakatanong." Sabi ng isang babae kay dun sa babaeng Lenn daw ang pangalan.

"Ahmm! Eto nga pala yung dalawang kapatid ko. Eto si Marie at eto si Lenn. Pasensya ka na kay Lenn, matanong at madaldal talaga yan. Magpakilala ka sa kanila." Sabi ni Zach sakin. Wala na ako nagawa kundi magpakilala.

" Hi sainyo! Ako nga pala si Ashera. Ash na lang itawag niyo sakin." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Ashera name mo? Wow! Unique name. Ako nga pala si Jennilyn Aquino. Lenn na lang din for short." Sabi niya sakin sabay kindat. Hindi ko mapagkakailang mas maganda to kesa kay Marie. Nakakunot-noo kasi tong si Marie.

"Marielle Aquino. Marie for short. Tsss!" Sabi ni Marie sabay talikod at umakyat ng hagdan. Ano ba naman yun? Meron ata yun ngayon eh.

"Pagpasensyahan mo na to si ate Marie. Ganyan talaga yan! Pero alam mo may kapangalan ka. Idol ko nga yun eh." Sabi sakin ni Lenn.

"Talaga? Sino?" Tanong ko sa kanya.

"Si Ashera Proserfina Ald-"

"Ako nga yun." Putol ko sa kanya. Idol niya pala ako. Nakakatuwa!

"Ikaw si Ashera na anak ni Teodoro at Narcisa Aldama? Na may-ari ng Aldama Company? OMG! Hindi nga?" Sabi niya sakin na hindi makapaniwala

"Ikaw yung nag-iisang anak ng mag-asawang Aldama?" sabat ni Zach

"Oo! Idol mo pala ako Lenn." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Super! Ang ganda-ganda mo kaya. Hindi kita nakilala ngayon, siguro dahil sa make-up mo lang." Sabi niya habang nakangiting tagumpay. Ang cute talaga niya. "Alam mo bang crush ko yung pinsan mo? Ang pogi-pogi kasi. Hihihi!" Sabi niya habang kinikilig

"Sinong pinsan ko? Tatlo kasi ang gwapo kong pinsan." Tanong ko sa kanya.

"Si Wade Tyler. Nabalitang sa lahat ng pinsan mo sakanya ka pinaka-close. Magkwento ka naman sakin tungkol sa kanya. Halika dun tayo sa kwarto ko." Sabay hatak sakin ni Lenn

"Lenn!" Tawag ni Zach kay Lenn.

"Oh bakit kuya?" Tanong ni Lenn.

"Dun mo siya patulugin sa bakanteng kwarto. Pahiramin mo muna siya ng damit mo. Tsaka anong crush crush dyan? Umayos ka!" Bulyaw ni Zach kay Lenn. Crush niya pala si Wade.

"Hindi kita masisisi kung bakit ka nagkagusto kay Wade. Hindi lang naman ikaw yung nagsabi sakin na may crush kay Wade. Madami kayo. Malakas kasi ang dating niya pero may pagka-masungit yun. Hayaan mo ipapakilala kita." Sabay kindat ko kay Lenn.

"Hoy! Huwag mo nga turuan ng kalandian yang kapatid ko. Meron ka pang nalalaman na malakas ang dating." Pagalit na sabi sakin ni Zach

"Hoy ka din! For your information, hindi ko tinuturuan ng kalandian yang kapatid mo. Ano bang pake mo? Inggit ka lang kasi. Wala kang appeal!" Pagalit ko ding sagot sa kanya.

"Hindi man ako yung lalaking malakas ang dating ako naman yung lalaking kahit simple binabalikan ng tingin at madaling mahalin." Sabi niya sabay kindat.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Ni hindi nga kita binalikan ng tingin. Halika na nga Lenn! May masamang hangin dito eh kung ano-ano pinagsasabi." Paanyaya ko kay Lenn

"Hayaan mo, babalikan mo din ako ng tingin." Sabi niya sabay kindat sakin.

"Never!" Sigaw ko sa kanya sabay talikod at inakay ko na si Lenn.

"Proserfina, Wait!" Pahabol na tawag sakin ni Zach kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh bakit? Tsaka huwag mo ako tatawagin sa pangalang yan. Ash ok? Ash!" Singhal ko sa kanya sabay talikod.

"Proserfina!" Tawag niya ulit sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabing huwa-"

"Sabi ko naman sayo eh." Putol niya sa sasabihin ko.

"Anong sinabi mo sakin?"

"Babalikan mo ako ng tingin. I called you twice, you looked back TWICE!" Sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Ewan ko sayo..."

The Missing BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon