"Sweetdreams Proserfina..."
Zach's POV
12 midnight na pero hindi padin ako makatulog. May trabaho pa naman ako bukas. Iniisip ko kasi si Ash. Kung kelan ko siya ibabalik sa pamilya niya? Syempre dahil may puso naman ako, naguiguilty ako dahil sakin at sa tatlong tanga kong alalay hindi natuloy ang kasal niya pero wala talaga akong nararamdaman na pagsisisi sa maling pagkuha ng bride. Natatawa talaga ako sa kanya. Ang cute cute niya tuwing naiinis o nagagalit. Kapag ngumiti naman siya, nakakahawa kaya pati ako napapangiti din. Ang weird nga eh. Hindi naman ako ganito dati, siguro nakakatawa lang talaga siya.
Napatigil ako sa pag-iisip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko, tinignan ko kung sinong tumawag. Ella's calling... Bat kaya to tumatawag? Wala na ako nagawa kundi ang sagutin.
"Hello. Napatawag ka? Diba honeymoon niyo ngayon baka nakakaistorbo ako." Sabi ko sa kabilang linya.
"Akala ko ba tututulan mo yung kasal? Bat hindi ka pumunta?" Tanong niya sakin. Aba! Bat kailangan niya pa magtanong? Hindi ba siya masaya na ikinasal na siya?
"Para san pa? In the 1st place bat ka magpapakasal kung ako talaga ang mahal mo?" Naiinis kong sabi sa kanya. Tama naman ako eh. Bakit niya kailangan magpakasal? Ilang taon na kami tsaka niya ako lolokohin.
"Walang kasal na naganap. Peke yung kasal. It's just a test Zach, I test you if you love me or not but now I know the answer. You don't love me Zach. YOU DON'T LOVE ME!" What the fuck? Peke lang ang kasal? test? Ano ako estudyante? Bakit pinagdududahan niya yung pagmamahal ko sa kanya? Wala ba siyang tiwala sakin?
"I LOVE YOU OK? Don't question my love for you because I fuckin' love you Ella. Now I know, you don't trust me and my love for you." Naiirita lang ako. Wala pala siyang tiwala sakin.
"I trust you but you don't have a time for me. Work first, girlfriend later. That's your motto. I'm just an option! I DON'T WANT TO BE AN OPTION!" Option? Eh kaya nga ako nagtatrabaho ay para sa pangarap naming dalawa at para maging karapat-dapat sa kanya dahil maarte ang nanay niya tapos nakekwestyon pa yung pag-ibig kong nararamdaman sa kanya.
"You're so selfish! I think we need space."
"No Zach. Okay, I will forgive you but please don't do this."
Sasagot na sana ako nang may narinig akong nahulog na bagay. Napatingin ako sa gawing yun at nakita ko si Proserfina na naka-peace at nagsosorry sakin. Inismiran ko lamang siya at pinalapit sakin.
"Sige Ella. I'm tired. Bye!"
"Za-" Bago pa siya magsalita pinutol ko na agad ang linya at pinatay ang aking cellphone.
"Narinig mo ba lahat?" Tanong ko kay Proserfina.
"Ahmm! Oo, pero hindi ko naman sinasadyang marinig. Papunta lang ako sa kusina nang marinig kong parang may kaaway ka." Sagot niya sakin.
"Peke lang pala yung kasal at tinest niya lang ako." Sabi ko sa kanya
"Huh? Bakit niya naman ginawa yun?"
"Wala siyang tiwala sa pagmamahal ko eh! Pero kasalanan ko naman dahil wala akong time para sa kanya. Inaadmit ko naman na workaholic akong tao."
"Alam mo, Kung mahal ka talaga niya tatanggapin niya lahat-lahat sayo, dapat may tiwala siya sayo at dapat hindi niya ginawa yun pero ang mali mo naman, dapat may time ka para sakanya kasi kaming mga babae pag walang oras ang lalaki para samin pakiramdam namin option niyo lang kami." Wow! Akala ko aasarin niya ako o sesermunan pero hindi nag-advice pa siya. Nakakapanibago! Sabagay tama naman ang sinabi niya parehas lang kaming mali kaya talagang kailangan namin ng space.
"Yeah!"
"Pero mahal mo pa ba siya?" Tanong niya sakin
"Ofcourse! Pero kailangan muna namin ng space." Sagot ko agad sa kanya.
"Space? Lalo lang kayong lalabo niyan eh."
"Hayaan mo na. Thanks Proserfina ha?"
" Para saan? Proserfina nanaman? Sabi ko diba huwag mo ako tatawagin sa ganyang pangalan." Sabay pingot niya sakin.
"Aray! Oo na Ash. Bat ba kasi ayaw mo magpatawag sa ganung pangalan? Nagpapasalamat ako sa advice mo."
"Eh kasi naman masyadong girly. Ayoko nun! Kaya huwag mo na akong tatawaging ganun ha?" Sabi niya sabay pout. Ay, ang cute!
"Huwag ka ngang magpout, nagmumukha kang tuta. HAHAHA!" Pang-aasar kong sabi. Nakapout nanaman siya. Ang cute cute niya talaga. Because of her cuteness, I pinch her cheeks. "Tara! Tulog na tayo." Pagaaya ko sa kanya.
"Sige." Sabi niya. Habang naglalakad kami kinikiliti ko siya, tawa siya ng tawa. Hayst! Nakakahawa talaga yung tawa niya. Maya-maya ay nasa tapat na siya ng kwarto niya. "Oh sige dyan ka na dun na ako sa kabila." Magkatabi lang kami ng kwarto.
"Proserfina, Thanks ulit." Pagpapasalamat ko sa kanya. "Proserfina nanaman? Pasalamat ka malayo ka sakin, pagbibigyan kita ngayon." Sabi niya ng nakangiti.
"Akalain mo yun first time nating nag-uusap na hindi nag-aasaran at nag-aaway." Sabi ko sa kanya at natawa nanaman ako dahil sa kacute-an niya nung nagpout siya.
"Ikaw lang naman yung nang-aasar at nang-aaway sakin dyan eh. Sige na, matutulog na ako. See you tomorrow! " Pagpapaalam niya sakin habang nakangiti siya. "Oh sige goodnight Proserfina." Pang-aasar ko ulit sa kanya. Pero isang ngiti lang ang isinukli niya.
Papasok na siya ng tinawag ko ulit siya. "Oh bakit nanaman? Mang-aasar ka nanaman Zach? Bukas na lang. Goodnight." Sabi niya sakin at tuluyan na siyang papasok nang tinawag ko ulit siya kaya napahinto siya at naghintay sa aking sasabihin.
"Sweetdreams Proserfina..."

BINABASA MO ANG
The Missing Bride
RomanceO N G O I N G ♥ Ang hindi magbasa nito pangit. :P Kaya basahin niyo na. Vote and Comment na din. :) If ayaw niyo ok lang. Thankyou na lang :*