1

10 0 0
                                    

-Chloe-

Di ko alam kung saan ako makaka kuha ng pera para sa pambayad sa ospital bill ng nanay ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Mag bigti kaya ako? Kaso kung gagawin ko naman yun eh wala ng mag babayad sa ospital bill ni mama

"Hayss" I sigh. lumakad ako papalabas sa kwarto ng ospital.

Kailangan nya raw mag stay pa ng ilang araw dun ni mama kasi sa sobrang pagod ayan tuloy nahimatay sya. Over fatigue ba tawag don? Hehe. Sensya na medyo shunga me sa terms eh.

Naisipan kong bumili ng makakain namin ni mama. Tutal kaming dalawa lang yung nandito ni mama. Si Papa kasi wala na rito sumakabilang bahay na sya. Si kuya naman nasa Davao. Dun na nanirahan at dun na sya nag trabaho pero single parin sya at walang jowa so it means medyo pihikan sya sa mga babae wala pa kasing pumapasa sa taste nya. Super gwapo kaya ni kuya mala korean super star ang kagwapuhan.

Nag punta ako sa isang convenience store para bumili ng makakain at pagkatapos kong bumili ay lumabas na agad ako. Medyo ilang kanto mula rito ang ospital. Kaya nilakad ko na sya.

Malapit nako sa ospital mga isang kanto nalang nandun nako kaso biglang may

*Bang Bang Bang*

"Hala lord, ayaw ko pa pong mamatay huhuhu. Walang kasama si mama huhu" pabulong na sabi ko habang paiyak na.

Hala this can't be real. Ayaw ko pang mategi. Pano na si mama at kuya? Huhu

"Miss!! Yuko!" Sigaw ni kuyang naka business attire sakin.

"Ha??" Ako ba yung sinasabihan nya? Tumingin ako sa paligid. Nagsi alisan na yung mga tao at ako nalang yung isang civillian.

"Miss! Tumakbo kana!" Bigla akong kumaripas ng takbo habang medyo nakayuko at nakatakip ang tenga ko na papunta sa lalaking sumisigaw sakin.

Nung medyo malapit nako kay kuyang naka Business attire may something na makirot sa right shoulder ko.

"Miss! May tama ka!" Huh? Ako? Wala naman akong sinasagot na tanong ah? Bat ako may tama?

"Shit!" Haggang sa maramdaman kong may tumutulo na dugo mula sa shoulder ko.

Tumakbo ako papunta sa likuran nya at nagtago.

"Miss! Dyan ka lang sa likod ko. Magtago ka!" Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Ahhh!" Kaso nung sumandal ako sa likod, natamaan yung balikat kong may tama sa sasakyan sa likod ko.

Napalingon si kuya sakin at tska binaril lahat ng mga kalaban nya.

Hanggang sa matapos ang barilan na naganap.

"Miss. Okay ka lang ba?" Umiling ako. Kaso kumikirot na sya sa sakit.

Inalalayan nya ko papasok sa isang sasakyang nakaabang sa harap namin.

"Waah! Mama! Huhuhu! Ayaw ko pang mamatay huhu." Umiiyak nako ng dahil sa sakit nung tama ko sa likod.

"Di ka pa mamamatay miss. Malayo yan sa bituka. Humiga ka sa legs ko ng nakadapa para hindi kumikirot yung tama mo." Sinunod ko naman yung sinabi nya. May naramdaman akong cotton sa shoulder ko kaya napasigaw ako.

"Aww! Aww! Huhuhu"

"Miss easy ka lang malapit na tayo sa bahay namin. Konting tiis nalang" hanggang sa maramdamn kong huminto na yung sasakyan at lumabas na si kuya mula sa sasakyan.

"Call Mike. Para matanggal na yung bala sa likod nya. She need some extra clothes and tell the maid that cook something for her." In a bossy tone.

"Yes boss!" At nagumpisa ng umalis yung lalaki.

"Halika na." And he held his hand to me and I accept it.

"Woah! Parang palasyo naman yung bahay mo hehe. Shit" ang hirap tumawa kapag ganto yung sitwasyon.

Hindi nya pinansin yung mga sinabi ko at inilalayan nya ako papunta sa sofa.

"Boss! Kamusta kana?" May dumating na poging lalaki na may dala ng mga gamit para gamutin yung tama ko. Sa tingin ko doktor sya.

"Tss. Don't ask me if im okay. Just start the operation and she's in pain." And cold naman ng treatment nito kay kuya pogi.

"Ahmm. Miss. Pwede ka ng maghubad" Ha? Bakit?

I gave him a questionable look.

"Ahm. I mean hubarin mo na yung damit mo, yung may side na may tama lang yung ipakita mo para matanggal ko na yung bala sa likod mo." Ahh. Akala ko naman kung ano na. Tumango ako at nag nagsisimula ng maghubad.

Sinunod ko yung sinabi nya at pagtingin ko sa lalaking nag ligtas sakin ay nakatulala sya sakin. I mean sa likod ko pala.

Di ko pa pala na de describe yung sarili ko. Maputi, Makinis, Mabait, Maganda. Nasakin na lahat ng M lol joke lang.

Kinawayan ko si kuyang nag ligtas sa akin at ayun, bumalik na sa ulirat nya hahaha.

"Miss, It will take a little bit longer if you'll not cooperate with me. So tiisin mo yung sakit" sabi nung doctor Mike. Tumango nalang ako para maumpisahan na nya.

Nag umpisa na syang linis at nagulat sila sa pinag gagawa ko.

"WAAAHHH!!! MAMA HUHUHUHU!!! MASAKIT!!!!" Umiiyak nako sa sakit huhu.

"Miss, Konting tiis nalang at malapit ng matapos to" Tumango ulit ako habang umiiyak. Huhuhu. Bat naman kasi ganto? Tatanggalin nila yung bala sa likod ko ng walang anesthesia.

Hanggang matapos na yung operation sa likod ko ng panay iyak ko. Buti di sila narindi sa kakaiyak at hikbi ko huhu.

"Andrew! I guide mo sya papunta sa room na pagpapahingan nya" ang bossy talaga netong si kuya.

"Yes. Boss! Tara na po Maam" sabay baling sakin at inalalayan ako patayo.

Habang naglalakad kami ni Andrew papunta sa room na pagpapahingahan ko ay di ko maiwasan na magtanong sa kanya.

"Ahhm. Ano, Kuya pwdeng magtanong? Sino yung lalaking naka business attire? Boss mo ba yun? Sya ba yung may ari neto?" Sunod sunod na tanong ko kay Andrew.

"Ahh. Opo Miss. Sya si Boss Cloud, Siya rin yun may ari neto. Dito na po tayo sa room mo. Pwede na po kayong maglinis at mag palit ng damit. Kung may kailangan po kayo gumamit ka lang ng intercom. Nandyan lang sa nakadikit sa gilid ng pader" tumango tango ako. I give him a sweetest smile.

"Thank you Andrew!" Nag smile sya sakin at lumabas. Infairness ang daming pogi rito hehe.

Nag umpisa nakong mag linis ng katawan ko at pagkatapos nun ay nagpalit nako ng damit.

Dahan dahan akong humiga sa kama ng naka tagilid. Baka kasi matamaan yung inopera sakin eh. Hanggang sa bumigat na yung talukap ng mata ko at nakatulog.

----

Hi guys! I hope na may magbasa netong story ko hehe.

I'm A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon