"Nakakabanas na yang Trigo na yan, ah! Bakit ba kailangan pang pag-aralan yan, eh hindi naman ako maduduga sa pagbibilang ng boyfriends if ever?! Nakooo, kung buhay pa si Diophantus ngayon, malamang ko napa-salvage ko na siya. Pahirap!" Himutok ni Cathy. Nasa waiting shed na kami ng school ngayon kasama ang dalawa pa naming friends na sila Niña at Joey.
"Nagrereklamo ka pa diyan samantalang nakakopya ka naman na sa amin." Joey said sarcastically.
"Duh. Konti lang kaya nakopya ko sa inyo. A bit of my stock knowledge worked for it. Diba, sis?" Nagmamalaking tanong sakin ni Cathy.
"I beg to disagree, sis." I smiled wickedly.
"Ha-ha-ha! Even Claire deserted you, girl. Bakit ba kasi simula nung elementary pa tayo ay mainit na dugo mo sa math? Samantalang matalino ka din naman. Pfft." Niña said.
"Ah basta! Super duper hate ko iyang subject na yan!" Cathy flared her nose.
Si Joey na sumisipsip ng Zest-O ay biglang natahimik, habang nagbabangayan pa din sina Niña at Cathy.
"Girls, diba ate ni Jade Seifer 'yon?" Pakli ni Joey, sabay nguso samin sa papalapit na si Ate Emerald.
Nag-palpitate na naman ang puso ko pagkarinig sa sinabi ni Joey. Parang tinatambol ang dibdib ko nung makita kong papalapit sa amin si Emerald.
"Ano kaya'ng ginagawa niya ulit dito no, sis?" Cathy asked in a mild teasing tone.
Gusto kong hilahin ang dila ni Cathy sa kapangahasan niyang tanungin ako ng ganoon.
Lord, sinabi ko naman sa inyo iiwasan ko na siya pero bakit ganoon, lagi Niyo pa din kaming pinaglalapit?
Tumayo ako at nagpaalam sa mga bruha na magsi-CR lang ako. Niña insisted to go with me but I refused. Nagmamadaling lumakad ako papuntang ladies' rest room sa likod ng gymnasium.
Sana paglabas ko ay wala na siya. Kung may balak naman siyang kausapin ulit ang adviser ni Jade, madami siyang ibang pwedeng pagtanungan dahil almnus siya ng school namin.
Naglalakad na ako pabalik sa waiting shed nang biglang may humarang sa daraanan ko. Napasinghap ako ng malakas sabay takip ng dalawang kamay ko sa aking bibig dahil si Emerald ang bumunggo sakin ng sinasadya.
"Gotcha!" Nakangiting bulong niya habang hinawakan niya ko sa magkabilang balikat.
I can't think of anything. Jeez, nilamon na ng kawalan ng utak ko. "W-w-what are you d-doing h-here?" I asked breathlessly. My heart is really pounding violently.
Abot-tenga ang ngiti niya saka ako tinitigan mula ulo hanggang talampakan na parang specimen bago siya sumagot. "I'm looking for you," Hinawakan niya ako sa kamay sabay hila sa likod ng gymnasium ulit, sa restroom.
Nang nasa loob na kami ng CR ay pumiksi ako para makakawala sa pagkakahawak niya. Parang kinukutuban ako ng hindi maganda.
Of course you liked it. Ang makasama siya sa isang lugar na kayong dalawa lang. Tukso ng adelantada kong utak.
Shut up, beach. Kontra ko sa isip ko. Nasisiraan na naman ako ng bait... Jusko patawad po.
Mataman pala niya kong tintitigan habang nakikipag-away ako sa sarili ko. Oh my gosh, gusto kong mawalan ng malay sa sobrang kahihiyan. Ano kayang iniisip niya?
I cleared my throat anxiously to cover-up the shame. "Ano pa ba'ng kailangan mo sa akin?"
She just smirked and leaned closer to me. "Titignan ko ang mga mata mo kung nagka-kuliti ka."
I gawked at her. Huh? Ano'ng pinagsasabi ng mahal na reyna'ng ito?
"Pardon me?" I replied stupidly.
"I assumed you were watching us last night. Didn't someone taught you that peeping is a bad habit?" She smiled sheepishly.
I gasped sharply. "T-that's not true..."
"Don't deny it, baby..." Emerald trailed off, running her fingers in my hair. Saglit nagdaan sa mga mata niya ang matinding pagnanasa.
"L-let me g-go. Please." I begged at her.
***
Huminga siya ng malalim at saka ako pinakawalan. Her face was coiled wih tender emotions that she looked so vulnerable. Napakaganda niya talaga, walang pangit na anggulo. Ultimo isang tigyawat ay mahihiyang tumubo sa mukha niya.
Humugot na naman siya ng napaka-lalim na hininga. "T-there"s one thing I'd like to say..." She started shyly.
I nodded for her to continue. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Kung hindi mo naaalala lahat nang sinabi ko sayo nung gabi ng party ni Cathy ay uulitin ko... I-I think I... I like you. Not the sisterly type. I'd liked you to be my girl." She stopped and swallowed a lump.
Parang nagsi-awitan ang mga anghel sa langit pagkarinig ko sa declaration ni Emerald. Nagmamarakulyo sa tuwa ang puso ko, na parang gustong lumabas sa dibdib ko at magsisigaw sa tuwa. Kailan pa niya naramdaman iyon? I need to know, goddamit! Kinikilig na bulong ng isip ko.
Nagtatakang tinitigan niya ako. "Bakit nakangiti ka ng ganyan? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?" Nameywang siya sa harap ko habang tina-tap niya ang kaliwang paa niya sa tiles ng CR and waited for my answer.
I'm caught off-guard. Hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang mga sinabi niya pero ano ang sasabihin ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko na gusto ko din siya dahil dalagang Pilipina ako, noh? At saka paano ako makakasigurong totoo ang mga sinabi niya eh, ilang araw pa lang ang lumilipas simula nang magkita ulit kami. Parang ang bilis naman. And most importantly, hindi acceptable ang same-sex relationship dito sa bansa. Siguro yung iba open-minded na sa ganyang bagay pero hindi sa mga taong nakapaligid sakin, lalo na si Mama. Numero unong relihiyosa si Mader dear kaya hindi ko alam kung matatanggap niya ako o itatakwil if ever na maging kami ni Emerald.
"What can you say? Tititigan mo na lang ba ako at nganganga ka na lang diyan? Aba, nag-ipon ako ng sandamakmak na lakas ng loob para ipagtapat sa iyo ang nararamdaman ko tapos tatangahan mo lang ako?" Mahabang sermon sa akin ni Emerald then she breathed heavily
"I-I really don't know what to say..." I replied in surprised delight.
"Bakit hindi mo umpisahang sabihin kung ano'ng reaction at naramdaman mo sa mga ipinagtapat ko?" She cut impatiently.
I took a deep breath, closed my eyes and clenched my fists for ten seconds. Then, "Honestly, I feel overwhelmed by what you have just said. I must admit that I liked you, too, since time immemorial." Huminto ako saglit para bumuwelo. "Siguro sa batang isip ko noon ay ina-admire lang kita pero habang tumatagal at lumalaki ako ay hindi ka nawala sa isip ko at ang paghangang iyon---" I shrugged my shoulders gently, "Feeling ko ay lalong nag-grow sa paglipas ng panahon. Kahit walang kasiguraduhan kung kailan ulit kita makikita." Madamdaming pagtatapat ko ng nararamdaman ko sa kanya.
Tinawid niya ang distansya sa pagitan namin at walang pasintabing hinalikan niya ako. She nipped my lower lip and I gasped by the sensations that filled me. Her tongue playfully licked the corners of my mouth, giving me thousands of volts.
"Earth to Claire!"
BINABASA MO ANG
Mahal nga kasi kita. (girlxgirl) (On hold)
Teen FictionThis is my first story on wattpad so hope you guys enjoy it! And oh, I'm open for comments and suggestions but not on judgments. Lol. xxx