Chapter 10. Quits.

133 8 2
                                    

NASH'S POV

"May blind item ako!"-Grae-

Nandito kami ngayon sa recording ng kanta namin na 'Pag Kasama Ka'.

Napatingin ako kina Brace at John, mukhang wala silang idea. Tumingin ako kay Joaquin na parang pinipigilan si Grae na magsalita. Malamang, tungkol sa kanya yun!

"Ano yun?"-ako-

Lumayo si Grae kay Joaquin.

Hinawakan naman sya nina John at Brace.

"Sino itong member ng Gimme 5 na laging nakikita kasama ang isang child actress."-Grae-

Child actress? Hindi kaya si…

"Hint! Galing sya sa SCQ at part sya ngayon ng isang youth oriented show!"-Grae-

Napakunot ang noo ko! Si Shar nga!

Si Joaquin laging kasama si Shar?! Kahit nagtatampo ako kay Shar ay syempre concerned ako sa kanya.

"Totoo ba to Joaquin?"-ako-

"Aaaaa hindi a!"-Joaquin-

"Anong hindi? E nakita nga namin kayo dati sa starbucks! Tapos nung isang araw nakita ko kayo sa studio."-Grae-

Pero bakit naman sila magkasama?

"Bakit ba Joaquin? May something ba kayo?"-John-

"Wala! Ano lang kasi, lately, naging sobrang close kami."-Joaquin-

Bakit naman?

"Pano naman nangyari yun? Tsaka kailan pa? Bakit wala naman nabanggit na ganyan sakin si Shar?"-ako-

"Nung nagkasama lang tayo sa showtime prod. Dun lang."-Joaquin-

"E bakit lagi kayong nagkikita ng kayo lang dalawa?"-ako-

"Wala lang. Nag- uusap lang naman kami."-Joaquin-

"E bakit…"-ako-

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Brace.

"E bakit ba kung makapag tanong ka Nash parang boyfriend ka ni Shar?"-Brace-

"Hindi naman sa ganun. Kasi nga…"-ako-

"Kasi mag bestfriend kayo?"-Brace-

"Oo!"-ako-

"Pero parang hindi yun Nash e. Umamin ka nga! May gusto ka ba kay Shar? Higit ba sa kaibigan ang nararamdaman mo para sa kanya?"-Brace-

Kinabahan ako.

Bakit ba hindi ko masagot ang tanong na yun? Alam ko naman na si Alexa ang gusto ko. Yun ang lagi kong sinasabi pero bakit ngayon iba ang gustong isagot ng puso ko? Pero mali pa rin! Magbestfriend kami ni e.

"Wala akong gusto sa kanya. Hindi sya yung tipo na magugustuhan ko. Alam nyo naman diba na si Alexa yun? At isa pa, hindi ko type si Shar no. Parang mas lalaki pa syang kumilos satin."-ako-

Hindi totoo yun. Gusto ko si Shar sa kung ano man sya.

Napansin kong napatahimik sila. Dahil ba sa sinabi ko?

Pagtingin ko sa kanila ay gulat silang nakatingin sa may pinto.

Dont tell me…

Si Shar! Nakatayo sya sa may pinto. May hawak syang cake at lobo.

"Shar!"-ako-

Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya.

Narinig nya ang sinabi ko?!

Umalis na si Shar.

"Shar! Sandali!"-ako-

Sinundan ko sya.

Naabutan ko sya sa may hallway. Hinawakan ko ang braso nya.

"Shar. Im sorry. Hindi yun ang ibig kong sabihin."-ako-

Humarap sya sakin.

"Wala naman akong pake sa sinabi mo!"-Shar-

Pinahid nya ang luha nya.

"Ha! Hindi ko alam kung bakit ako naiyak! E tama naman ang sinabi mo. Mas mukha pa akong lalaki sayo."-Shar-

"Shar teka. Sinabi ko lang yun kasi…"-ako-

Kasi takot akong kung ano pa ang masabi ko! Hays.

"Tss. Wag ka nang magpaliwanag Nash. Wala naman din akong pake e. Hahaha"-Shar-

Maglalakad na sana sya paalis pero parang may naalala sya.

"Oo nga pala! Cake at lobo o! Para sayo. Sorry last time! Sa palagay ko ngayon, quits na tayo!"-Shar-

Umalis na sya.

Ano bang ginawa ko?! Hays.

Nakayukong bumalik ako sa studio.

"Anong sabi ni Shar?"-Joaquin-

"Basta."-ako-

"Hindi mo kasi dapat sinabi yun. Nasobrahan naman ang sinabi mo."-Joaquin-

"Oo na! Wag na nga nating pag- usapan yan! Ako na ang bahala para magkaayos kami."-ako-

Nakakunot ang noo ni Joaquin.

"Labas lang ako."-Joaquin-

"Joaquin sandali!"-Brace-

Pero nagpatuloy pa rin sya.

"Sorry Nash. Dahil sakin narinig ni Shar ang mga sinabi mo."-Brace-

Napayuko na lang ako. Hindi kasalanan ni Brace.

Hindi ako mapapakali hanggang hindi ko nakakausap si Shar.

"Alis muna ako."-ako-

"Pero Nash, hindi pa tapos ang recording natin."-Grae-

"Basta."-ako-

Umalis na din ako at nagpunta sa parking lot.

Napahinto ako sa paghahanap kay Shar nang makita ko sya.

Parang nadurog ang puso ko nang makitang magkayakap sila ni Joaquin.

Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko pa maaamin sa sarili ko.

Gusto ko nga si Shar. May gusto nga ako sa bestfriend ko.

~~~~~

Ayan aa wakas. Umamin na si nashie hahaha joke hahaha sana may ganto talaga na ganap. ❤

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon