Chapter 14. Puzzled.

169 3 4
                                    

SHAR'S POV

"Shar..."

Napalingon ako nang marinig ko si Red.

"Buti naman dumating ka...."-ako-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makitang may kasama sya.

Napakunot ang noo ko. Bakit nya kasama si Nash? Hindi ako prepared.

Binigyan ko nang nagtatanong na tingin si Joaquin.

"Hi Shar."-Nash-

Napahinto ako. Ngayon ko na lang ulit makakausap si Nash mula nung nangyari.

"Aah hello."-ako-

Naupo na sila.

"Shar, sorry, sinama ko si Nash. Gusto ko kasi na magkausap kayo."-Red-

Nginitian ko sya. Alam ko naman na maganda din ang intensiyon nya.

"Okay lang yun Red."-ako-

"Sige. Iwan ko muna kayo saglit para makapag usap kayo."-Red-

Ayaw ko sana na iwan nya kami kasi baka ma awkwardan lang kami pero umalis na sya.

Matagal din na walang nagsalita samin.

"Shar. Im sorry."-Nash-

Nakayuko lang sya at di nakatingin sakin.

"Bakit ngayon mo lang ako kinausap?"-ako-

"Aaah kasi nahihiya ako e. Alam kong nasaktan  kita. Mali naman talaga yung sinabi ko e. Yung tungkol sa..."-Nash-

Ngumiti ako.

"No need na bro. Alam ko na yun. Wag ka nang nagpaliwanag."-ako-

Napatingin sya sakin. Miss na miss ko na ang bestfriend ko!

"Boss? Bati na ba tayo?"-Nash-

Ngumiti sya.

"Oo bro! Ikaw lang naman ang ayaw makipag usap sakin e."-ako-

Nagulat ako nang tumayo sya at niyakap ako.

Nagtaka lang ako kung bakit hindi gaya dati na sobrang bilis ng tibok ng puso ko pag niyayakap nya ako.

Bahagya ko naman syang tinulak.

"Hoy bro! Alam kong masaya ka, baka mamaya, may mag picture pa satin."-ako-

"Hayaan mo sila! Sobrang saya ko e."-Nash-

"Hoy hoy Nash. Tsansing ka na ata."

Napalingon kami pareho nang dumating si Joaquin.

"So i assume, bati na kayo?"-Red-

Tumango kami pareho.

"Salamat Joaquin!"-ako-

"Wala yun Shar. Tara kaen na tayo."-Red-

Unorder kami ng fries, burger, ice cream at drinks.

Masaya kaming nag- uusap ni Nash dahil ang tagal din namin na hindi nakapag kwentuhan.

"...tapos hindi ka sumama nung nagpunta kami sa moa nina kobi. Nakakatawa nga nun si mika kasi...."-Nash-

Napalingon ako kay Joaquin na tahimik lang na nakikinig kay Nash.

Napatingin naman sya sakin tapos ay ngumiti sya.

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko.

Nginitian ko na lang sya at umiwas na ng tingin.

Anong nangyayari sakin?

"...kaya masaya ako ngayon na nagkabati na tayo. Makakasama ka na sa mga gala. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Red."-Nash-

"Wala yun tol. Masaya akong bati na kayo."-Red-

"Hahaha. Talaga bro. Kung hindi tayo nagkabati, baka si Joaquin na bestfriend ko."-ako-

Natawa kami ni Joaquin nang sumimangot si Nash.

"Pero tutal nandito na tayo, matanong ko nga, pano ba kayo naging close?"-Nash-

Nagkatinginan kami ni Joaquin.

"Pano nga ba?"-kaming dalawa-

Natawa ulit kami.

"Siguro kasi halos pareho kami ng mga gusto. Tapos laging nandyan si Red pag kailangan ko ng kausap."-ako-

Ngumiti na naman si Joaquin sakin na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.

"Nako nako Joaquin! Baka agawin mo sakin ang bestfriend ko ha?"-Nash-

"Nako Nash! Wag mo na kasing paiyakin si Shar, pag ginawa mo pa yun, aagawin ko na sya."-Red-

Nagulat si Nash. Kahit ako ay napalingon kay Joaquin.

Aagawin?

"I mean, bilang bestfriend. Ako na ang magiging bestfriend ni Shar. Diba Shar?"-Red-

Aaah. Okay.

Nakipag apir ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kami na umuwi na.

"So Shar, kanino ka sasabay?"-Red-

Aaah. Okay lang sana kay Joaquin pero hindi ko maintindihan kung bakit ako naiilang sa kanya.

"Sakin na lang Shar. Gusto ko din makita si tita myleen."-Nash-

"Sige bro."-ako-

"O sige. Ingat kayo!"-Red-

Papaalis na sya nang magsalita si Nash.

"Ay dyahe naman."-Nash-

"Bakit bro?"-ako-

"Kailangang kong magpunta sa studio. Urgent daw."-Nash-

"Aaah. Sige. Kung ganun, ako na lang maghahatid kay Shar."-Red-

"Sige. Sorry boss. Baka magtampo ka na naman."-Nash-

"Ano ka ba hindi no! Sige. Ingat ka!"-ako-

Umalis na sya. Pumunta na kami ni Joaquin sa kotse nya.

Habang nasa biyahe kami ay nilingon ko si Joaquin.

"Salamat talaga Red. Dahil sayo nagkabati na kami ni Nash."-ako-

Ngumiti sya nang hindi tumitingin sakin.

"Masaya ako na masaya ka."-Red-

Napangiti ako.

"Mas masaya ako na nagkaroon ako ng bagong bestfriend."-ako-

Napalingon sakin si Joaquin.

"Nakakatuwa naman."-Red-

"Ha? Anong nakakatuwa?"-ako-

"Dati, crush lang kita nung napapanood kita sa goin bulilit. Tapos ngayon, bestfriend na kita."-Red-

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Waaa! Ano ba tong nararamdaman ko?

~~~~~

Kay Joaquin ka na lang kasi Shar. Joke ! Hahaha

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon