Chapter 17. Delayed.

121 5 5
                                    

JOAQUIN's POV

"Sigurado ka na ba dyan Red? Tandaan mo, madaming pwedeng mangyari sa gagawin mo."-Brace-

Nilingon ko sya.

"Ganun ba ka big deal yun?"-ako-

"Oo naman Red. Pag ginawa mo yan, parang pinagsigawan mo na din sa mundo na you like Shar."-Grae-

Napabuntong- hininga ako.

Balak ko kasing ayain si Shar na maging date ko sa SMB.

Wala naman akong nakikitang ibang ka- date ko kundi sya lang.

"Eh bakit? Hindi naman lahat ng magpartner dun, couple diba?"-ako-

"Sabihin na nating tama ka, pero naisip mo na ba ang mararamdaman ni Shar?"-Brace-

Hay nako.

Ano nga kaya ang magiging reaksyon nya.

Nang tumunog ang cp ko ay kinuha ko yun sa bulsa ko.

Pero bago ko pa mabasa ang text ay inagaw na yun sakin ni Brace.

Lumayo sya sakin kasama si Grae at nagulat sa nabasa.

"Magkikita kayo?!"-Brace at Grae-

"Ngayon ko sana sya tatanungin."-ako-

Nagkatinginan silang dalawa.

"Hay nako Red. Pabigla- bigla ka e."-silang dalawa-

Hindi na ako sumagot.

"Anyway, papunta na daw si Shar."-Brace-

Papunta na sya?! Natataranta akong tumayo.

"Sige. Mauna na ako."-ako-

Umalis na ako at hindi na sila hinintay.

Nagmamadali akong magpunta sa BGC, dun kasi kami magkikita ni Shar.

Buti naman pagdating ko ay wala pa sya.

"Red!"

Napangiti ako nang makita ko na si Shar.

Naupo na sya sa katapat kong upuan.

"Kamusta? Anong problema?"-Shar-

Anong problema??

"Ha??"-ako-

"Diba magpapatulong ka? Anong problema?"-Shar-

Ay oo nga pala! Ayun pala ang sinabi ko para magkita kami.

"Aaa kasi Shar, diba malapit na ang SMB?"-ako-

Napahinto ako. Kinakabahan ako!

"At?"-Shar-

Can you be my date?

Kaya ko to!

"Aaah ano kasi. May itatanong ako."-ako-

Bigla kong naisip lahat ng sinabi ni Brace at Grae kanina.

"Ano ba yun Red?"-Shar-

"Aaaah. Pwede bang... date.... sa SMB..."-ako-

Utal- utal ang pagsasalita ko at nakita kong maguguluhan si Shar. Malamang hindi nya naintindihan.

"Ano?"-Shar-

Hindi ko kaya to. Hindi ko kaya.

"Pwede bang humingi ng tulong kung pano ko yayayain ang isang tao na maging date ko?"-ako-

Sa sobrang biglaan at bilis ng sinabi ko ay hindi ako makapaniwala sa sarili ko.

Tumikhim si Shar.

"Aaah yun ba? Hahaha. Akala ko.... ay sure! Tulungan kita."-Shar-

Anong akala nya? May idea kaya si Shar?

"Pwede bang malamn kung sino sya?"-Shar-

Ikaw Shar! Ikaw yun!

Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Aaah. Sige okay lang. So ano ba ang gagawin natin?"-Shar-

Hmmmm. Pano ba ako magsisimula?

"Aaaah hindi ko din alam e. Unang beses ko to kaya hindi ko alam ang gagawin."-ako-

"Hahaha. Madali lang yan. Kahit bigyan mo lang sya ng flowers tapos tanungin mo na."-Shar-

Sana ganun nga lang kadali na tanungin ka Shar!

"Alam mo, wag ka nang masyadong mag effort. Kung gusto ka nya maka date, sigurado papayag yun. At isa pa, swerte naman ang babaeng aayain mo."-Shar-

Ang bilis ng tibok ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Shar.

Swerte? Kung ganun, swerte ka Shar?

"So, kelan mo ba sya balak tanungin?"-Shar-

"Ngayon na sana..."-ako-

Parang nagulat si Shar.

"I mean, ngayong araw. Hahaha"-ako-

"Aaah. So ganun na ang gawin mo. Sasamahan na kitang bumili ng bulaklak para sa kanya. Tara?"-Shar-

Tumayo na kami at nagpunta sa flower shop.

Pumili si Shar ng mga bulaklak habang ako naman ay ninanamnam ang moment na to, ang moment na kasama ko ang babaeng gusto ko.

Nang makabili na kami ay nagpasya kami na kumain muna nang may tumawag kay Shar.

Shar: oh Jai! Bakit? Ngayon na? Sige. Sakto, nandito ako.

Pagbaba nya nun ay bumaling sya sakin.

"Sorry Red, nandito daw si Jai. May importante daw syang sasabihin. Good luck ha? Itext mo sakin kung anong mangyayari!"-Shar-

"Oo. Hahaha wish me luck."-ako-

Umalis na sya.

Naiwan ako dun na nakatayo habang hawak ang bulaklak.

Teka?!!

May importanteng sasabihin si Jai??

Hindi kaya?!

Nagmamadali akong sinundan si Shar.

Nako! Wag naman sana akong maunahan!

Nakita ko na sya na kasama si Jai.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang makita ko na inabot ni Jai ang bulaklak kay Shar at may tinanong.

Alam na alam ko na kung ano yun.

At nang makita kong magcelebrate si Jai, nainis na ako sa sarili ko.

Nakita ko kung gano sya kasaya.

Kung hindi lang ako torpe, baka ako yung ganung kasaya ngayon.

Sinayang ko na naman ang chance!

~~~~~

Sorry sorry talaga mga lodi! Hindi makapag update dahil super busy ni author sa work. Hahaha anyways, salamat sa mga patuloy na nasubaybay. I'll try to update po pag may time T.T

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon