Chapter 13. Issue.

133 2 1
                                    

JOAQUIN'S POV

Nasa SM Aura ako ngayon kasi nagyaya si Raine. Si Raine ay isa sa mga nakasama ko sa Star Magic. Close ang mga magulang namin kaya naging close kami.

Nakain kami ng ice cream nang magyaya sya na mag ikot.

"Ano ka ba. Baka may makakita satin."-ako-

"Ano naman? E pinost ko nga to sa instagram."-Raine-

Natawa ako.

"Bahala ka nga."-ako-

Naglakad lakad na kami nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

Si Shar! Nandito si Shar!

Kasama nya sina Jai, Francis at Paul. Sila yata ang kalove team ni Shar sa wansapanataym. Ang swerte naman nila. Nakakasama nila si Shar.

"Red! Sina Shar yun diba?"-Raine-

"Oo."-ako-

"Lapitan natin? Alam mo naman siguro na naiissue kayo no? Kayo na ba?"-Raine-

"Issue?? Saan? Pano? Sino nagsabi?"-ako-

"Masyado ka namang OA. Haha obvious na obvious. Mukhang totoo nga aa."-Raine-

"Grabe ka! Hindi no! Pero seryoso nga. San mo narinig yan?"-ako-

"Sa mga star magic artist. Hindi ko nga alam kung bakit nila yun pinag uusapan."-Raine-

Hindi ko alam pero natuwa ako nang marinig yun. Pero baka kung ano ang isipin ni Shar.

Nagdesisyon kami na wag na lang silang lapitan.

Nang matapos kami maggala ni Raine ay umuwi na ako sa bahay.

Habang nasa bahay ay nagtext si Shar.

Shar: hi.

Ako: hello!

Shar: nakita kita kanina.

Nakita nya ako?? Ako din!

Ako: talaga? Saan?

Shar: sa SM aura.

Ako: aaaah oo. Naggala lang.

Shar: lalapitan sana kita kaya lang baka makaistorbo ako sa date mo.

Date??? Si Riane ba ang tinutukoy nya?

Ako: aaah hindi date yun! Hahaha kaibigan ko lang yun.

Teka? Bakit ba ako nagpapaliwanag? Para kang ewan Joaquin!

Shar: hahaha okay sabi mo e pero maiba tayo. Narinig mo na ba na naiissue daw tayo?

Nqgulat ako. Kung ganun, nalaman nya na din.

Ako: oo nga. Hindi ko nga alam kung san galing yun. Sorry Shar ha?

Shar: ano ka ba okay lang yun. Haha tsaka hindi naman ikaw ang may kasalanan.

Hay. Ang bait talaga nya. Kaya gusto ko sya e.

Ako: kamusta na pala ikaw? Tungkol kay Nash?

Shar: hmm. Hindi ko alam. Hindi ko pa sya nakikita o nakakausap pagkatapos nun e. Sa monday ko sya makikita sa taping ng luv u.

Ako: basta Shar, sabihin mo lang kung kailangan mo ng kausap ha? Nandito lang ako.

Shar: salamat Joaquin. Ang bait mo talaga. Sana ikaw na lang makalove team ko.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi nya.

Waaaa. Nakakabading man pakinggan pero kinikilig ako!

Ako: hahaha malay mo. Someday? May fans na nga tayo e.

Shar: hahaha oo nga. Sige red. Good night.

Ako: good night.

Hays. Kelan ko kaya maaamin kay Shar na gusto ko sya? Pero sabagay, ayos naman sakin ang ganito muna kami.

Natulog na ako dahil may mall show pa kami bukas.

Kinabukasan ay nagkita-kita na kami para sa mall show namin.

Napansin kong medyo tahimik si Nash, dahil siguro sa nangyari.

"Tol! Bakit ang tahimik mo?"-Brace-

"Wala. Wag mo na akong pansinin."-Nash-

"Tol. Magsabi ka na nga samin. Magkakaibigan tayo e."-Grae-

Napabuntong hininga si Nash.

"Wala to. Alam nyo naman siguro yung nangyari samin ni Shar diba? Nalulungkot lang talaga ako."-Nash-

Gusto ko si Shar pero kaibigan ko si Nash. Ayaw ko naman syang makitang ganito.

"Kinausap mo na ba sya?"-John-

"Hindi pa. Gusto ko sanang pahupain muna ang galit nya sakin."-Nash-

Hay nako.

"Alam mo Nash, nakausap ko si Shar."-ako-

Napalingon sila lahat sakin.

"Palagay ko mapapatawad ka naman nya e. Kausapin mo lang sya."-ako-

Nababaliw na ako. Hays.

"Talaga Red?"-Nash-

"Oo. Magtiwala ka sakin. Magkakabati kayo."-ako-

Nagulat ako nang yakapin ako ni Nash.

"Salamat."-Nash-

Natatawang tinulak ko sya.

"Hoy Nash! Tigilan mo nga yan. Ang bading!"-Brace-

"Buti naman okay na kayo! Hahaha"-Grae-

"Okay naman kami aah?"-ako-

"Talaga lang ha? E diba nagseselos ka nga kay Shar at Joaquin? Tapos....aaaah!"-Grae-

Hindi nya naituloy ang sinasabi nya nang kurutin sya ni Brace. Natawa naman si John.

"Manahimik ka na lang kasi."-John-

Napabuntong hininga ako nang makalayo kay Nash.

Ganito ba talaga ang gagawin ko para pagkakaibigan?

Kahit pa ang maging bunga nun ay masaktan ako?

~~~~~

Nakakabitin daw sabi nung isa bata, hahaha sorry na!

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon