Chapter 16. Selos?

102 5 5
                                    

SHAR'S POV

Sino nga kaya si Raine?

Bakit lagi silang magkausap ni Joaquin? Bakit lagi silang magkasama?

Napabuntong- hininga ako nang maalala ko nung magkasama kami ni Joaquin. Parang ang saya ko.

Kakaiba kasi ang naramdaman ko nung mga panahong yun.

Parang yung naramdaman ko kay Nash.

Pero hindi! Nararamdaman ko lang to dahil bestfriend ko na sya.

"Shar. Okay ka lang?"

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

"Nash. Anong ginagawa mo dito?"-ako-

"Ha? Tiningnan ko lang naman kung bakit mag isa ang bestfriend ko."-Nash-

Naupo sya sa tabi ko.

"Hmm. May itatanong lang ako sayo."-ako-

"Ano yun boss?"-Nash-

Boss. Matagal na nya akong hindi tinawag na 'boss'. Pero bakit ganun? Parang wala na yung kilig?

Dapat ko bang tanungin sa kanya?

Pero baka mamaya sabihin nya?

"Mangako ka muna sakin na wala kang pagsasabihan na kahit sino ng kung ano man ang itatanong ko sayo!"-ako-

Tinaas nya ang kanang kamay.

"Peksman mamatay man."-Nash-

Natawa ako.

"Kilala mo ba si Raine?"-ako-

"Hmm. Oo. Star magic artist sya diba?"-Nash-

"Oo sya nga. Alam mo ba kung kaano- ano sya ni Red?"-ako-

Parang nagulat si Nash.

"Ha? Bakit mo naman natanong?"-Nash-

"Wala. Napansin ko lang na parang close sila e."-ako-

Naningkit ang mga mata ni Nash.

"Nagseselos ka sa kanila boss?"-Nash-

Hindi ko inaasahan na itatanong sakin ni Nash yun.

Iniwas ko naman ang tingin ko.

"May gusto ka kay Red?!"-Nash-

Gulat na humarap ako sa kanya at tinakpan ang bibig nya.

"Wag ka ngang maingay bro!"-ako-

"Ano nga? May gusto ka nga sa kanya?"-Nash-

"Hindi ko alam bro. Basta, hindi lang ako kumportable ma makita sila na magkasama."-ako-

Parang malugkot si Nash na iniwas ang tingin sakin.

"Hindi ko alam kung bakit close sila pero wag mong tanungin si Red boss. At wag mong sabihin sa kanya na ganyan ang nararamdaman mo!"-Nash-

Napakunot ang noo ko.

"Ha? Bakit?"-ako-

"Basta! Mas okay na sakin mo lang sabihin ang mga ganyang bagay. Ako naman ang bestfriend mo diba?"-Nash-

Magsasalita pa sana ako nang narinig namin na tinatawag na kami ni direk.

Pumunta na kami dun.

Hindi na din kami nagkaroon ng chance na pag usapan yun dahil after taping ay nagyaya sila Alexa na mag gala kami.

Girls out daw muna kami kaya hindi kasama sina Nash.

Kasama ko ngayon si Mika at Alexa.

"So mga bebe? May ka date na ba kayo sa SMB?"-Alexa-

Oo nga no? Hindi ko naisip na kailangan ng ka date dun.

"Hmmm."-Mika at Ako-

"Ako kasi niyaya na ako ni Nash. So kami ang magkadate."-Alexa-

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Bakit hindi ako apektado? Dapat magselos na ako pero parang wala naman akong nararamdaman na ganun.

"Malamang Shar, kayo ni Jai no?"-Alexa-

Hindi pa din naman ako niyaya ni Jai pero may isang tao na pumasok sa isip ko.

Si Red.

"Okay lang naman sakin kahit walang date e."-Mika-

"Oo nga ako din."-ako-

Napangiti naman si Alexa.

"Kayo ang bahala. Pero promise ha? Magpapapicture tayong magkakasama ha? First SMB ata natin yun!"-Alexa-

Oo nga no? First ever SMB namin. Dahil teens na kami.

Bigla akong nakaramdam ng excitement.

Wow! Madaming ibang artista dun na hindi ko pa nakikita kahit matagal na ako sa industriya.

One night na magkakasama- sama kami.

Sino kaya ang ka date ni Joaquin? May kasama na kaya sya?

Sakto naman na nagtext si Joaquin sakin.

Red: hi Shar! Busy ka?

Ako: hindi naman. Hang out lang with Mika and Alexa.

Red: aaah. Kailangan ko kasi ng tulong mo e.

Ako: sure. Ano yun?

Red: tawagan kita mamaya okay lang?

Ako: oo naman sure. Sige. Text na lang ako pag nakauwi na ako.

Red: okay!

Napangiti ako.

Naging close na talaga kami ni Red at masaya ako dahil dun.

"Napapangiti ka na naman dyan Shar."-Alexa-

Napatingin ako sa kanila nang nakangiti.

"Nako! Sigurado akong ka text nya na naman si Red."-Mika-

Gulat na napatingin ako sa kanila.

Pano nila nalaman? Nabasa nila?

"Tingnan mo bebe! Halatang- halata ka."-Alexa-

Hindi ako nagsalita. Pano nila nalaman?

"Nako. Kaya nagseselos si Nash e."-Mika-

Napabaling ako kay Mika.

"Ha?"-ako-

"Ano ka ba Mika? Hindi nagseselos si Nash. Mag bestfriend sila. Protective lang sya kay Shar."-Alexa-

Nagtataka pa rin ako.

"Teka teka. Anong ibig nyong sabihin?"-ako-

"E kasi naman bebe. Laging nababanggit ni Nash na naiinis sya kasi close na kayo ni Red."-Alexa-

Pero bakit naman mababanggit ni Nash yun?

Teka?! Hindi kaya sinabi nya na yun kina Red?

Sana hindi! Nakakahiya!

~~~~~

Tagal di nag update. Sorry po!

Behind The CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon