James POV
Sana ako nalang yung taong minahal niya. Di sana masasali pa si Kuya sa problema niya. Ewan ko ba kung bakit galit na galit ako sa kanya. Dahil siguro manhid siya at di niya nakikita lahat ng ginagawa ko. Kung di sa kaniya di magkaka problema ang kapatid ko sa Kompanya namin. Tss
"Kuya, Saan ka pupunta?"
May lakad yata yung kapatid ko ngayon ah! Siguro pupuntahan niya si Malou.
"A-Ahm. Pupuntahan ko si Malou may bago kasi siyang pinapagawa sa akin"
Pinapagawa?
"Saan kayo magkkta?"
"Sa Shop nila. Bakit?"
"Wala lang kuya. Mag iingat ka."
Yun na lang ang sinabi ko at agad akong pumunta sa kwarto para magbihis dahil pupuntahan ko si Malou. Babantayan ko siya habang kasama niya ang kapatid ko.
At isa pa kailangan ko siyang makausap.
Nakaalis na nga si kuya at ito ako kinukuha yung kotse ko at pinapaandar.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Naku! Ba't ngayon pa. Kailangan ko ngayon si Jabien. Nandito yung Ex ko. Tsk"Malou, Nandito ba siya para sayo?"
"Hindi. Nandito siya para ipamukha sakin na nagkamali siya sa pagpili sakin. Kasama niya dito sa shop yung girlfriend niya."
Oo. Tama gusto niyang ipamukha sakin na di na siya aasa.
"Naka move on ka naman diba? Wag mo na siyang pansinin. Ako na lang ang haharap sa kanila."
"No. I can manage it by myself dianna."
"Sigurado ka?"
Alam kong mahihirapan akong kausapin sila pero kailangan ko itago ang kaba ko sa ngayon. Kailangan ko ipakita sa kaniya na matatag na ako. Di na ako magpapabitag sa mga kalokohan niya.
"Oo. kaya ko na ang sarili ko."
Pagkatapos nun...
Bigla nalang bumukas yung pinto at ...
"Jabien?"
"Malou."
Ito na ang pagkakataon ko na makaganti sa kaniya.
"Mabuti at binisita mo rin ako ^_^"
Pagkatapos niyakap ko siya.
Di niya yun akalain na gagawin ko yun sa kaniya.
Alam kong di niya alam ang nangyayari ngayon pero kailangan niya munang umakto na boyfriend ko."Siya yun noo?"
Binulungan niya ako at tinitigan niya si Alvin.
"Oo. Tulungan mo naman ako please!"
Pagkatapos nun tumingin sa amin si Alvin.
"Oh! Kamusta na Malou? Siya ba yung bago mong pinalit sakin?"
Arrgghh. Nakakainis siya.
"Wala ka na dun noo. Sino kba para makialam?"
Sabat ko naman.
"Ahm. I'm Jabien De Jesus, Malou's Boyfriend."
Yun lang yung sinabi niya. Di naman lang ako pinagtanggol.
"haha. Ikaw yung Ex-Boyfriend ng kapatid ko ah! Hanip naman tol sa kaniya kapa nagkagusto. Minamalas ka naman talaga noo."
"Teka! Ikaw ang malas. Minamalas mo ang shop na'to at bakit kba nandito?"
"Bawal bang mamili ng bulaklak para sa girlfriend ko?"
"Sana nagpunta kna lang sa Flower shop. Hindi dito."
Hahaha. Grabbeeh akala ko di niya ako ipagtatanggol. Ang astig naman ng mga banatan nila..
Ng biglang..
"Malouu."
Tinawag yung pangalan ko at ...
Lumapit si James sakin O_________O
Anong ginagawa niya dito.
"Ahm. mawalang galang sa inyong dalawa. Hindi dapat kayo nag aaway dito atsaka maiwan ko na muna kayo. Pahiram muna kay Malou. Sige ituloy niyo na."
Pagkatapos nun..
Hinalbot ako ni James palabas ng Shop.
*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
"Teka! James, Anong ginagawa mo dito ha?"
"Mag-usap nga tayo. Bakit sinali mo pa sa gulong ito ang kuya ko ha?"
"Wala ka na dun noo. At anong pakialam mo sa kuya mo. Dahil sayo kung bakit nalulugi ang Kompanya niyo. Tss"
" If you just know why it happen. Nevermind, Pwede bang wag mo na isali ang kuya ko sa gulo mo."
"How dare you to say that. Hindi mo alam ang mga nangyayari. Umalis kana."
"Pwede ba ako nalang ang ipalit mo sa kaniya. Wag mo ng isali ang kuya ko sa kalokohang ito. Dahil matagal na kitang gusto. Matagal na, Malou"
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
(A/N: Naisip ko pong ituloy ulit ang story na'to. Dahil sembreak na. I'll do my best to finish this story para sa mga nagbabasa pa nito. Salamat po sa mainit na suporta 😊)~Wina❤
BINABASA MO ANG
Where Do BROKEN HEARTS Go?
RomanceA story begins w/ a Girl and a Guy that meet by an accident. Medyo kaabang-abang na yung story na'to dahil sa gusto ng author na maging mas malawak pa ang kaalaman niyo tungkol sa mga taong nasaktan at muling nagmahal at kung gano'to kahirap gawin a...