Chapter 1: Third year College

4.7K 76 8
                                    

Rhian's POV

"Hi Rhian! Hatid na kita sa school niyo." Hala siya 3rd year College na ko hinahatid pa ko. Mas ok pa king sila Carla ng hatid sakin eh.

"Kuya Cayle, bakit ikaw pa maghahatid sakin nasan si Carla? Tsaka College na ko di ko na kailangan ihatid noh!" I forgot, manliligaw ko pala siya, sabagay.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo na akong tawaging 'Kuya'. Halika na nga na male-late ka pa sa first day mo. Si Carla at Kaori susunod na lang daw sila." Ang tigas talaga ng ulo ni Kuya.... este Cayle. Akala mo bata ako eh. Sumunod na lang ako sa kanya wala eh, no choice. Tahimik kaming naglalakad, biglang......

"Wahhh!!" Nadapa si Cayle. Di kasi natingin sa dinadaanan natisod tuloy siya sa bato. Muntik na kong matawa buti na lang pinigilan ko. Ang epic kasi ng mukha niya. Kaya napangiti na lang ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Nadapa na nga ako eh. Patayo naman." Aba! Ginawa ba naman akong utusan.

"Ganyan ka ba sa mga nililogawan mo dati? Inuutusan mo lang kaya naman pala ang raming ng ba-busted sayo eh. Kung ngayon kaya bustedin na kita?" Sarcastic kong sabi.

"Sabi ko nga, ako na mag-isa tatayo." See, di niya akong magagawang utusan. Tumayo na siya at patuloy kaming naglakad hanggang sa makarating na kami sa school.

"Oh Cayle, mauna na ko."

"Sige, ingat ka. Have a nice day." Pero di pa rin siya naalis.

"Oh bat di ka pa na-alis?" Pagtataray ko. Bigla siyang ngumiti ng malapad.

"Kiss ko?" Kahit kailan talaga toh, abnormal.

"Umalis ka na nga." bigla siyang tumawa. Abnormal talaga. Umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa gate. Nakita ko agad sila Carla.

"Bro, ang tagal mo nauna pa kami sayo."

"Sorry Bro, yung Kuya mo kasi nadapa eh." Bigla akong tumawa.

"Oh siya punta na tayo sa room natin." Magkaklase na kami ngayon. Kahit kailan kasi di kami magkaklase. Pumunta na kami sa room namin. Pumasok na rin kami at umupo, syempre lagi akong nasa unahan kaya umupo kami sa unahan. Ilang minuto lang dumating na yung professor namin.

"Hello guys, Ako si Jimmel Buenavista. Ako ang inyong professor." Buti na lang beki ang professor dahil palabiro ang mga yanat mas nakakagana mag-aral.

"Math ang first subject natin."

"Ahhh... ano ba yan." Pagmamaktol ng mga classmate ko. Nagkatinginan kaming tatlo favorite subject kasi namin yung Math kaya alam na.

"Wag na kayo umangal. Ok guys, you may introduce yourself in front." Nauna na si Carla. Ako na ang susunod. Tumayo na ako at pumunta sa unahan.

"Hello guys,My name is Rhian Cheska Marasigan......."

"Sorry Sir, I'm sorry I'm late." Sabi nung lalaking parang kabute, sulpot ng sulpot.

"Why are you late ha?" Tanong ng prof. Namin dun sa lalaki.

"Basta po, I'm sorry po talaga." May itsura rin siya medyo badboy ang dating ah.

"Pasalamat ka pogi ka, ikaw na lang magpakilala. Ahm... Miss Marasigan kilalang-kilala na kita kaya pwede na rin kayong umupo." Aba dapat lang dahil samin tong University na toh.

"Mabuti pa nga." Biglang tumingin ng masama sakin yung lalaking late. Syempre deadma lang kahit pogi siya. Di dapat nagkakandarapa ang babae sa isang lalaki. Umupo na ko sa upuan ko.At hindi ko nasabi sa inyo Tito ko ang may-ari ng school medyo baduy nga yung name sabagay baduy naman yung Tito ko. Masyado ba kong masama? Aahahaha. Pwes oo. Wahahah. OA na ko masyado.

---LUNCHTIME---

Nilagay ko na yung gamit ko sa bag and then tumayo na ko at kinuha yung bag ko. Ganon din naman sila Kaori at Carla.

"Halika na, Bro. Nagugutom na iz me." Sabi ni Carla sabay hawak sa tiyan niya.

"Sige Bro, una na kayo. Punta lang ako sa locker ko." Bigla silang nag-sad face nung sinabi ko yun. Nakakatuwa sila.

"Akala nyo naman hindi kayo makakakain kapag wala ako. Nasakin ba yung canteen. Haler!?" Bigla silang nagkatinginan dalawa.

"Oo nga noh, Bro. Sunga kasi toh si Carla." Sabi ni Kaori. Biglang tumingin ng masama si Carla kay Kaori.

"What did you say?" Pataray na tanong ni Carla kay Kaori.

"Wala sabi ko maganda ka kaso chubby ka lang. Hahahahah." Ang babaw talaga ng mga toh.

"Tumigil na nga kayo dyan, sige na." Naglakad na ko palayo sa kanila at sila naman palayo sakin. Mayamaya nakaramdam ako ng takot parang may sumusunod sakin tumingin ako sa likod ko wala naman di ko na lang pinansin dirediretso na lang ako maglakad hanggang sa makarating sa locker ko. Aba! Himala isa lang ang letter dito samantala dati ang tambak- tambak na nito eh. Kinuha ko yung letter at binuksan yun.

Hi! Nice to meet you!? ;)

-Poging Misteryoso

"Ang weird naman."


****Itutuloy****
Miss A:
Salamat po sa pagbabasa ng story na toh. Sana po nagenjoy kayo. Bukas nlng po ako maga-update.


My Facebook BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon