Chapter 6: Chat

1K 28 0
                                    

Umuwi na lang ako ng bahay. First time kong mag-ditch. Kaurat yung Ranz na yun. Ti-next ko na rin sila Carla at Kaori na umuwi na ko kasi may problema ko. Ok naman daw basta mag-ingat lang daw ako. Buti na lang may mga kaibigan ako na katulad nila. Concern sakin at kino-comfort ako. Ano kayang sasabihin ni mama kapag nalaman nya na sinagot ko si Ranz? Di bale na.

Nakahiga lang ako sa kama ko nakatulala ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko.

"Sino yan?" Tanong ko.

"Anak, si mommy mo toh." Pagkasabing-pagkasabi nun ni mommy kinabahan ako. Ano nanaman toh.

"Pasok po." Cold na sabi ko.

"Anak, bakit mo ginawa yun?" Sabi ko na nga ba eh.

"Ang alin po mom?" Eto na naman tayo maang-maangan mode on na naman.

"Anak, alam ko namang nagagalit ka sa daddy mo dahil iniwan nya tayo. Pero anak wag mo idamay ang tito mo mabait na tao ang tito mo. Siya ang tumulong sa ting makaahon sa hirap na pinagdaanan natin." Pagmamakaawa ni mom.

"Mom di ko po alam ang sinasabi mo ang alam ko lang po siya ang may ari ng school na pinapasukan ko. Ayun lang po. Pero wala akong alam na sya ang tumulong satin. Ikaw ang nag-ahon sa ating kahirapan mom. Hindi si Ranz." Sabi ko habang nagtataka. Wala talaga akong maalala. Pilit kong inaalala pero wala talaga. Ano bang meron?

"Balang-araw maalala mo rin. Hindi muna ngayon dahil sa kondisyon mo. Alam kong mahirap pero kailangan mong malaman."

"Mom di kita maintindihan."

"Anak, wag na wag mong sisigawan at pipilosopohin ang tito, huh?"

"Why not?" Sarcastic kong sabi.

"Anak, ano bang nangyayare sayo?"

"Pare-parehas lang sila. Iniwan ka ni dad. Tapos ngayun sasabihin mo na wag akong magalit dun sa Ranz. Tsk."

"Sumosobra ka na." Mahinahon na sabi ni mom. Nilayo ko ang tingin ko sa kanya. Naiinis na talaga ako. Imbis na ako yung kampihan nya yung Ranz pa ang kinampihan. Hindi kaya? Hindi pwede yun. Nasaktan na sya di nya na gagawin yun at imposible rin kasi may anak na sya at may anak na rin yung Ranz.

"Sino nagsabi sayo nito? Si Ranz? Tsk."

"Anak ano ba?!" Napatayo si mommy at napataas ang kanyang boses. Napatingin na ko ng diretso sa mata ni mom dahil sa pagkabigla ko.

"Sorry anak. Sorry, sorry please."

"Mom please. Just leave me alone. Please." Paiyak na sabi ko. Bakit ba ganto? Ako na nga nahihirapan kasi di ko maalala ang nakaraan ko tapos imbis na ako yung kampihan ni mom yung tiyohin ko pa at nasigawan pa ko. Damn!!!!

Umalis na si mom sa room ko at agad akong tumakbo para isara yung pinto. Ewan ko ba kung bakit ganun yung pakiramdam. Naiyak na lang ako at napaupo sa sahig. Nakakainis talaga!!!

Maya-maya lang may tumunog sa laptop ko. Pumunta ko sa lamesa kung saan nandun yung laptop ko. Naka-open pa rin pala yung facebook ko dun at naka-bukas pa rin yung laptop ko. Tinignan ko yung mga chat. Una kong binuksan yung kay Cayle.

Cayle's message

Pumunta ko sa University kanina nakita ko sila Carla sabi nila nag-ditch ka daw. Bakit? May problema ba? Puntahan kita dyan. Gusto mo?

Rhian: Wag na. Ok lang ako.

Cayle: Di ka ok eh.

Rhian: Pano mo nasabi?

Cayle: Wala kang emoji na nilalagay sa message mo eh. Nasanay kasi ako na may emoji ka sa mga message mo sakin.

Rhian: Heheheh. Sige na tulog na lang ako magpapahinga na lang ako.

Cayle: Ok my princess, Sleep well.

Everytime na ka-chat ko sya o kausap sa personal. Gumagaan yung pakiramdam ko. Humiga na lang ulit ako sa kama ko.

30 minutes later.....

Biglang may nag-sink in sa utak ko. Si Poging misteryoso kung i-chat ko kaya? Para tumigil na. Oo tama. Tumayo ako at pumunta ulit sa lamesa kung nasaan ang laptop ko. Binuksan ko yung messages ko at ayun nakita ko ulit yung message nya.

Poging Misteryoso's message

Kahit hindi mo ko i-confirm gagawa ako ng paraan para makausap ka. Kaya naman finollow kita. Kaya pede ako makapagmessage sayo. At alam ko din na may Amnesia ka. Tutulungan kita maalala ang nakaraan mo.

Rhian: Sino ka ba huh?

Kinakabahan ako sa bawat pagpindot ko sa keyboard kasi parang hindi ako sure sa sasabihin ko eh. Nginangatngat ko yung kuko ko.

Nagulat ako kasi na-seen agad at may tatlong tuldok na lumabas. It means nagta-type na yung tao.

Poging misteryoso: Hulaan mo!!!;-)

Aba loko-loko toh ah! Ako pa talaga maga-adjust para malaman ko kung sino sya. Hay naku! Stalker nga di ba? Pano ko malalaman kung sino sya.

Rhian: If makikipaghulaan ka lang sakin. Don't me iba na lang. Wala ko sa mood from now.

Poging misteryoso: Hahahaha. Ang cute mo talaga kapag nagagalit.

Teka? Bakit? Nakikita nya ko? Tumingin ako sa bintana may nakita akong isang lalaki na naka-jacket. Hindi ko maaninag yung mukha kasi gabi na ang dilim pa sa street namin. Maya-maya lang umalis na yung lalaki. Bumalik na ko sa lamesa.

Rhian: Ikaw ba yung lalaki kanina?

Poging misteryoso: Huh? Hindi ah nasa bahay lang ako noh.

Rhian: Ah ok.

Poging misteryoso: Bakit? Takot ka?

Rhian: Hindi.

Poging misteryoso: May naalala ka na ba? Tungkol sakin?

Rhian: Huh? Anong tungkol sayo? Baliw ka na? Di nga kita kilala.

Poging misteryoso: Wahhahaha. Balang-araw maalala mo rin.

Di na ko nag-reply. Ano ba naman toh oh. Ang rami ko ng iniisip. Tungkol sa nakaraan ni dad at mom, yung kay Ranz tapos pati ba naman tong si Poging misteryoso. Hay!!! Ano bang meron? Anong gagawin ko? Chinat ko na lang si Kaori at Carla. Tinanong ko kung may assignment ba o may research or anything. Buti na lang wala. Pinapunta ko na lang sila dito.

Kaori's POV

Ano kayang meron bakit kami pinapapunta ni Rhian sa kanila.

Tinawagan ko na si Carla para sabihin na pupunta kami kila Carla buti na lang pumayag ang bruha.

Ng makarating na si Carla sa bahay dumiretso na kami sa bahay nila Rhian.

Ng nasa tapat na kami ng bahay nila Rhian kumatok si Carla.

"Oh Kaori, Carla bakit naparito kayo?" Tanong ni tita.

"Pinapapunta po kami ni Rhian." Sabi ko.

"Ah ganon ba? Halikayo nasa kwarto sya."

Nasa tapat na kami nila tita sa kwarto ni Rhian. Kumatok si tita.

"Anak, nandito na ang mga Bro's mo." Hindi binukas ni Rhian ang pinto. Mukhang nag-away sila.

"Sige kayo na lang ang kumatok magbe-bake lang ako ng brownies para sa inyo."

"Sige po tita." Ng makaalis na si tita kumatok na ko.

"Rhian nandito na kami buksan mo na toh." Mahinahong sabi ko. Binuksan ni Rhian ang pinto at pumasok na kami. Maya-maya lang bigla syang napahiga sa sahig.

Itutuloy.....
Miss A:
Wahhahah. Pa-suspense tayo kahit hndi toh thriller. Sana po nagustuhan nyo ang UD ko. Plss vote and comment.

My Facebook BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon