Chapter 9: Worried mom

967 31 4
                                    

Rachelle's POV
(Rhian's mom)

"Tita wala po kami nila Kaori sa school eh. May ginagawa po kasi kaming thesis kaya di kami nakapasok. Magka-partner po kami ni Kaori. Wala pa po ba dyan si Rhian?"

"Wala pa eh. Akala ko pumunta sa inyo. Anong oras na kasi wala pa siya dito."

"Baka may ginawa lang sa school. Baka po gumawa lang ng thesis sa bahay ng ka-partner niya. Kasi di ba nag-ditch siya nung nakaraan,hindi niya po alam na may thesis kami. Siguro po ngayon lang sinabi ng kapartner niya at nagsimula na sila ngayon."

"Siguro nga. Kaso di ko siya ma-contact eh. Nagpapaalam kasi yun kapag di siya maaga makakauwi. Kaya sobrang alalang-alala ako."

"Don't worry tita tapos na po kami sa iba naming thesis onti na lang naman po toh. Pupuntahan namin kayo ni Kaori hahanapin natin si Rhian."

"Sige hihintayin ko kayo sa tapat ng gate namin. Mag-ingat kayo."

"Opo tita."

Binaba ko na ang tawag at agad agad akong lumabas sa bahay.

"Yaya Inday, pakisarado na lang ng gate tapos patayin mo na lang yung mga ilaw sa mga kwarto ha? Ikaw na bahala. Pakuha ng susi ng kotse."

Sinunod ni Inday kung ano man ang sinabi ko.

"Madam eto na po."

"Salamat." Pagkasabi ko nun kinuha ko na ang susi. Tinext ko na lang sila Kaori at Carla na susunduin ko na lang sila sa bahay nila. Sumang-ayon naman sila.

Ng makarating na ko sa bahay nila Carla. Nakita ko agad sila na palabas sa kanilang bahay kasama ang kuya ni Carla.

"Nagpaalam na ba kayo sa mga magulang nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Opo tita." Sabay na sabi ni Kaori at Carla.

"Tita sasama po ako." Sabi ni Cayle.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo tita." Sagot niya.

"Oh sige, pasok na kayo." Pumasok na sila at nag-seatbelt.

"San tayo unang pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Lagi po kami napunta sa cafeteria baka dun po." Sabi ni Kaori.

Pumunta kami sa cafeteria na sinasabi ni Kaori.

Ng makarating kami agad bumaba si Cayle at tumakbo papunta sa loob ng cafeteria. Agad-agad rin kaming bumaba at hinanap si Rhian. Malaki ang cafeteria kaya naghiwa-hiwalay kami. Ang onti ng mga tao pero hindi ko siya makita. Maya-maya lang nagkita-kita na kami. Pero wala pa rin.

Time check: 10:20 pm

Naku yung batang yon.

"Sino ba yung ka-partner niya na sinasabi nyo?"

"Sino nga ba yun?" Tanong sa sarili ni Carla.

"Si...... Si Daryl ata?" Sabi naman ni Kaori.

"Sino ba nakakaalam ng bagong bahay nila Daryl?" Tanong ko sa kanila.

"Alam ko po may condo yun baka nandun po sila?" Sabi ni Cayle

"Puntahan natin."

Sumakay na agad kami sa kotse at pumunta sa condo ni Daryl.

"Sino ba may contact number ni Daryl?" Tanong ko.

"Wala po eh." Sabay-sabay nilang sabi.

"Try nyo ngang contakin si Rhian di ko kasi siya macontact eh." Ayun na nga cinontact ng tatlo si Rhian habang ako ay nagmamaneho.

"Di ko po macontact eh." Sabi ni Kaori.

"Di ko rin po macontact si Rhian." Sabi ni Carla.

"Ako rin po." Sabi nman ni Cayle.

"Ganon ba? Sige, salamat na lang. By the way san ba yung condo ni Daryl?" Tanong ko sa kanila.

"Onting kembot na lang po tita." Sabi ni Cayle. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Nandito na kami sa condo at agad naman kaming pumasok.

"Excuse me ma'am, sino po ang hinahanap niyo?" Tanong ng babae na nagta-trabaho ata dito sa condo.

"Ammm.... Si Daryl po. Daryl Sebastian po." Sabi ni Carla.

Chineck ni unknown kung may Daryl Sebastian ba na nakatira sa condo na toh.

"Sorry ma'am, wala po kasing Daryl Sebastian nakalista dito."

"Ammm.... Pwede po ba ipa-double check?" Ginawa naman ni unknown ang sinabi ko.

"Ammm.... Ma'am wala po talaga eh."

"Ah ganun ba? Sige, salamat na lang." Sabi ko kay unknown.

"Sure ka ba na dito talaga yun?" Tanong ko kay Cayle.

"Opo tita dito po talaga yun eh." Sagot niya sakin.

"Kung ganon ipagbukas na lang natin alas-dose na po oh." Sabi ni Kaori.

"Ok sige, baka hanapin na kayo ng mga magulang niyo. Ako pa ang ma-tegi dyan. Halika na sa kotse." Sabi ko sa kanila.

"Si tita talaga tumi-tegi na, ano tita nagti-teenager? Hahahah." Sabi ni Carla.

Pagkatapos namin magtawanan pumasok na kami sa kotse at ako naman ay nagmaneho.

Ako na lang mag-isa sa kotse kaya umuwi na ko. Bumusina ako para ipagbukas ako ni Yaya Inday ng gate.

Ng mkapasok ako sa bahay agad akong humiga sa kama at natulog.

Rhian's POV.                                    Dinilat ko na ang dalawa kong mata. Ang labo ng paningin ko.

May isang lalakeng nagsusuot ng kanyang polo. Pang-school uniform

Teka.... Bakit may lalaki sa kwarto ko? Wahhhh??!!!

"Sino ka????!!??" Sigaw ko.

Nagulat ang lalaki. Biglang luminaw ang aking paningin.

"Da..... Daryl?" Tanong ko. Naalala ko sa condo nya pala ko natulog!!!! /(*•*)\

Tinignan ko yung orasan. Wahhh!!!!!

Time check: 4:56 am

Dali-dali akong tumayo at naligo.

*Tok.tok*

"Bakit?" Tanong ko sa kumatok ng pinto ng cr.

"Nagpa-laundry na ko pina-laundry ko na yung uniform mo. Sa kama ko nilagay yung uniform mo." -Daryl

"Ok!"

"Hihintayin na lang kita sa labas ah! Nasa kotse ko lang ako. Hindi tayo maglalakad male-late na tayo."

"Whatever Bossy!" -Ako

Pagkatapos ko maligo  nagbihis na ko, lumabas sa condominium at pumunta sa kotse.

"Ang tagal mo naman! 5:26 am na oh!!! Tsk tsk." Pagrereklamo ni Daryl

"Whatever Bossy!" Pataray kong sabi sa kanya.

Ang bilis ng takbo ng kotse kaay nakarating na agad kami sa school. Naalala ko si mommy kasi di ko sya na-text nun eh. Nag-aalala na yun sakin grabe kasi tong pride ko eh, ang taas. Tsk tsk. Tumakbo na ko papunta sa room at iniwan si Daryl.

"Tek--" -Daryl.

Miss A:
Kamusta guys? Gusto nyo ba malaman kung ano talaga ang meron sa nakaraan ni Rhian? Keep on reading. Hehehhe.




My Facebook BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon