Chapter 7: Worry

1K 28 0
                                    

Cayle's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway kung saan papunta sa University ni Rhian. Araw-araw gusto ko syang makita at makausap kaso wala kaming time. Busy sya sa school at career nya at ako naman busy rin sa career ko.

Kailan kaya ako sasagutin ni Rhian? Alam kong bata pa sya at gustong makamit ang pangarap nya. Hindi naman sa nagmamadali. Mahal nya na kaya ako? Parang hindi naman. Parang wala na kong pag-asa. Gagawin ko ang lahat para mapasakin sya.

Nandito na ko sa University. Sakto ang pagdating ko uwian na nila.

30 minutes ago.....

Wala pa rin si Rhian.

Pero nakita ko sila Carla at Kaori. Tumakbo ako papunta sa kanila.

"Oh kuya bakit ka nandito?" Tanong sakin ni Carla.

"Nasan si Rhian?" Tanong ko sa kanila.

"Ayun, nag-ditch." Nagulat ako sa sinabi ni Kaori. Hindi magagawa yun ni Rhian.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Hindi rin niya sinabi samin eh." Sabi ni Carla.

"Ah ganun ba? Sige sabay na lang kayo sakin. Maglalakad lang ba kayo?" Tanong ko kila Carla.

"Hindi ah! Ayokong ma-haggard ang fes ko." Maarteng sabi ni Carla.

"Ok sige, oyy ikaw Carla umayos-ayos ka ah. Ang lantot mo." Sabi ko kay Carla.

"Buti nga ako lantot lang eh. Sabi nga nila, ang mga panget, gumaganda. Ang mga matataba, pumapayat. Ang mga malalandi, lumalala. Aba matindi!"sabi ni Carla.

"Tumigil ka nga dyan. Umuwi na kayo. Mag-ingat ah! Ikaw Carla. Hay naku! Bata ka." Pagkasabi ko kay Carla sabay pingot sa tenga.

"Aray ko naman kuya. Chupi chupi ka nga." Pagkasabi ni Carla non umuwi na ako pati sila. Ng makarating na ko sa bahay chi-nat ko muna si Rhian. Gusto kong pumunta sa kanila para i-comfort sya. Ano kayang problema nya?

Mahirap talaga magka- Amnesia nang isang tao. Gusto kong sabihin kay Rhian ang totoo kaso pinagsabihan na kami ng mommy ni Rhian. Parang ako ang nasasaktan para kay Rhian. Hay!!! Buhay!!!

Rhian's POV

Pagkapasok na pagkapasok nila Carla at Kaori bigla akong hiningal at nahilo.

Napapapikit na ko at maya-maya natuluyan na lang akong napahiga sa sahig.

Kaori's POV

Nabigla ako ng mapahiga si Rhian sa sahig. Agad akong bumaba para tawagin si tita.

"Tita! Si Rhian po!" Sigaw ko na hingal na hingal.

"Bakit?! Anong nangyari?!" Gulat na sabi ni tita.

Dali-dali kaming tumaas at pumasok sa kwarto ni Rhian.

"Nahimatay sya dahil sa kakaiyak." Sabi ni tita.

"Di ba po may hika siya?" Tanong ni Carla na may dalang tubig at pamaypay.

"Oo Carla. Kaya siguro nahimatay siya kakaiyak at hiningal sya. Tara ilagay natin siya sa kama." Sinunod namin ang sinabi ni tita at binigay ni Carla ang dala niyang tubig at pamaypay.

"Salamat Carla." Sabi ni tita. Inalalayan ko si Rhian para umupo. Pinapaypayan naman ni Carla si Rhian.

Maya-maya lang dumilat na si Rhian at pina-inom ni tita ng tubig si Rhian.

My Facebook BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon