3: That Time When I Told My Bestfriend To Use Protection

7 1 0
                                    

Sabado ngayon at nasa hospital ako. May schedule kami nila mama nang bisita. Si mama kada Monday, si papa kada Wednesday, at ako naman Sabado.

May dala akong mga bulaklak para sakanya, para naman magkaroon ng kulay yung puting mga dingding.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama, katulad ng lahat ng ginagawa ng mga tao sa tv. Oo, ganun tapos hahawakan din nila yung kamay nung tao at syempre, ganun din ginawa ko.

Hinawakan ko yung kamay ng ate ko at nagkwento lang ng kung anu-ano.

"Alam mo ba ate, may nakita 'kong banda last week pagkatapos kong manggaling dito. Tinawagan lang ako ni Ian at pinapasamahan nya yung girlfriend nya saakin. Ang awkward nga eh. Pero gusto ko uli makita yung bandang 'yun at makikita ko uli sila bukas dahil kay Ian. May extrang ticket yung kaibigan nya at ibinigay na lang saakin. Excited na ko para bukas ate. Kung gising ka lang isasama kita, maghahanap pa ko ng isa pang ticket para makasama ka. Alam ko kung gaano mo kamahal ang musika at alam kong masasaktan ka sa sasabihin ko pero, malalaman mo din pag nagising ka na kaya; nagdisband na MCR nung 2013. Oo alam ko, nalate ako ng sabi sayo ng 3 years, sorry ngayon ko lang sinabi." natawa na lang ako sa mga pinagsasabi ko.

Namimiss ko na talaga sya. Gusto ko na sya magising pero natatakot din ako na baka hindi na sya maka function ng normal.

Nagtagal ako doon ng mga 2 o 3 oras. Binasahan ko lang sya ng mga libro bago umalis.

I gave a final look inside the room. Four sides of walls that are painted with the most sickening color of white. The room was bare with only a bed, a drawer and a couch, plus the machines that kept my sister alive.

I gave a kiss on my sister's young forehead, free of lines and wrinkles. She's the picture of eternal youth, just sleeping her life away. She looked so young, she's twenty now but her face still looks like eight years never went by.

Huminga ako ng malalim at tinignan yung mga bulaklak sa tabi ng higaan ng ate ko, mga bulaklak na punong puno ng buhay at ang tanging bagay na nagpapakulay sa puting kwartong ito.

Sinarado ko na ang pinto at umalis.

. . .
Dumiretso ako sa mall pagkagaling ko sa hospital. Bibili ako ng pagkain namin sa bahay kasi nauubos na.

Nagikot ikot ako sa supermarket hangang sa mabili ko na lahat ng kailangan ko tapos pinalagay ko muna sa nagbabantay yung mga pinamili ko sa mall at nilagay ko sa bulsa ko yung card para i-claim uli.

Bibili muna ako ng pantalon ko bago umuwi. Sumusikip na yung mga pantalon ko eh, tsaka wala akong susuotin para bukas ng gabi.

Pumunta ako sa department store at nagikot ikot, kumukuha ng mga nagugustuhan kong jeans. Ngayon kinaadikan ko ang mga skinny jeans, di ko alam kung bakit.

Maganda kasi eh.

Naghahanap hanap ako ng fitting room at napunta ako sa mga side ng pang babae kasi andaming mga tao dun sa mga fitting room na malalapit sa kinuhanan ko.

Nakahanap ako ng kaunti lang ang tao at nakapasok din ako sa isang stall.

"Shie, tingin mo bagay?" may narinig akong pamilyar na boses sa kabilang stall.

Si Ian.

"Oo, bagay sayo. Bilisan mo na malalate na tayo sa practice." si Kayshie.

"Oo na, sige na kunin na natin 'to."

May narinig akong pagsara ng pintuan. Nagmadali naman akong magsukat para maabutan ko sila.

Nakarinig uli ako ng pagbukas ng pintuan  sa kabilang stall at alam kong umalis na sya.

Two Faced And WorthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon