6: I Got The Greatest Scare Of My Life

12 2 0
                                    

Kauuwi ko lang sa bahay galing hospital nung nakita ko na pinasok yung bahay ko ng mga kaibigan ko at naraid na yung ref namin at nanonood pa ng cartoons sa tv.

Mag hahalloween na at pinipilit ako ng mga kaibigan ko na sumama sa costume party simula last week pa. Yung party ay ihohost ng isa sa mga senior na schoolmate namin na si Omar Dalisay.

Sa totoo lang ito na ang pang-apat na party na ihohost nung Dalisay na yun. Nakapunta sa ako sa mga party nya dati at masaya yung mga yun kung gusto mo nang sakit nang ulo kinabukasan ng dahil sa alak. Hindi ko alam kung paano pero nagagawa nyang payagan sya ng mga magulang nya na magparty sa loob ng bahay nila, siguro dahil galing sila sa America kaya ganoon.

"Sige na Daren! Sama ka na!!" pilit saakin ni Mikki.

"Tigilan nyo ko. Gusto nyo lang ng driver para makapag laseng kayong tatlo." tinignan ko sila ng masama.

"Hayy, kilala mo talaga kami." sabi naman ni Ian.
"Sige na. Para may pipigil saamin uminom."

"Ewan sa inyo." sabi ko sa kanila at itinuon ko yung atensyon ko sa tv.

Nasa bahay ko kami ngayon, wala na kaming pasok hangang sa Nov. 6 kaya nag hahayahay nalang kami ngayon, pero kesa tumulog na lang ako ng tumulog, gusto pang bumili ng costumes itong mga 'to.

"Bata ba kayo? Bakit gusto nyo pang magcostume?"

"Hindi naman porket costume party ehh pambata na costume bibilhin namin. Meron rin dyan na matured." sabi ni Kayshie sabay kindat. Alam ko na nasa isip nito.

"Oy. May boyfriend ka na oh." sabi ni Ian sabay pout at turo sa mukha nya.

"Ganto, ahh, may proposition ako sayo. Bukas sa party pwede mong halikan kahit sino at pwede ko rin halikan kahit sino. Para naman mabago yung scene. Wala lang, para lang maenjoy natin yung party. Deal?" masamang ideya yan. Magagalit si Ian nyan.

"Deal!" okay, mali ako, hindi sya nagalit. Tanga talaga 'to. Hayaan ba naman na makipaghalikan kahit kanino girlfriend nya, para sya rin pwede. Hay nako, ibang klase talaga ng relasyon ang mayroon sa dalawang ito, masyandong confident sa isa't isa at ang lakas rin ng tiwala nila.

"Ang wierd nyo." sabay naming sabi ni Mikki at nagtawanan kaming apat.

. . .

Di nagtagal, nakita ko rin ang sarili ko na naglalakad lakad sa mall para bumili ng costume.

Kahit saan kami magpunta, mayroong mga holloween na design, lalo na sa mga stores na pangbata para daw maaliw sila pero sa tingin ko babangungutin lang sila sa gabi. Ikaw ba naman ang makakita ng pugot na ulo sa tabi ng mga paborito mong mga laruan? Ewan ko lang sa inyo.

Nakahanap kami ng isang store na nagbebenta ng mga costumes for all ages. 'Di katulad ng mga costumes na pang bata, na mga multo o mga pang nakakatakot, ang mga costumes dito ay maypagka 'mature' yung content nila. May nakita akong costume ng bee na pangbabae at halos bra at maikling palda na lang ang nandoon kasama yung antena na headband.

Pumunta ako sa guys section.

Iniwan namin ni Ian yung mga babae dun sa mga pambabae at kami ay nagtago sa likod ng mga panglalaki.

"Anong susuotin mo?" tanong nya.

"E-ewan ko." at naglabas ako ng pekeng ubo.

Simula nung nangyari saamin hindi ko parin maalis sa isipan ko yun. Gabi gabi napapaniginipan ko ang nangyari kahit mga ilang linggo na ang lumipas. Alam kong hindi yun ganoong ka big deal pero, kinakabahan parin ako. Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko at naiisip ko ang mga sasabihin ng tao kung sakasakaling malalaman nila yung nangyari saamin. Pero ang tanong, may nangyari ba? Wala naman diba? Hindi naman natuloy. Anong pinagaalala ko?

Two Faced And WorthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon