7:Shit Got Real haha Lol

12 2 1
                                    

Nagising ako nang may masakit na ulo at walang maalala kagabi kung hindi yung halikan namin ni anonymous girl.

Sinubukan kong idilat yung mga mata ko pero nung naidilat ko ay isinara ko uli dahil sa sobrang liwanag nung ilaw at lalo pa itong dumagdag sa sakit ng ulo ko na ramdam na ramdam ko ang pag throb nya.

Sinubukan kong gumalaw at nagalaw ko naman ang mga kamay ko at kinapa kapa ko ang paligid ko para mapamilyar ako. Kinapa ko ang katawan ko at nagulat ako nung wala na akong pantaas pero kumalma naman ako nung naramdaman ko na suot suot ko parin yung pantalon ko.

Unti unti ko namang sinubukan na buksan ulit ang mata ko at ngayon naman ay nagawa kong buksan at tumayo na ako sa kinahihigaan ko. Wrong move.

Sa pagkakatayo ko na disturb ang balance ng katawan ko at nagkaroon ako ng sudden urge na sumuka, guess that the alcohol didn't settle well with my body.

May dalawang pintuan dun sa kwarto at agad agad kong binuksan yung nasa may gilid ng kama at narelieve ako nung nakita kong banyo yun at dali dali akong tumapat sa pinakamalapit na masusukahan, hence the toilet bowl.

Sumuka ako ng sumuka hangang sa feeling ko isinusuka ko na pati baga at bituka ko. I hate being lightweight sometimes.

"Oh, you're awake."
Nagulat ako dun sa boses ng babae at napatingin ako dun sa may pintuan. Pagtingin ko sa kanya hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako nag end-up sa bahay ng kungsino sino lang o maiinis ako dahil sa bahay pa nya ako napunta. Bakit ba kahit wala na kami sya parin ang nagliligtas saakin kapag nalalasing ako?

"Hindi ka parin nagbabago 'no? Makainom ka wagas parin." sinamaan nya ako ng tingin at tumayo na ako habang pinupunasan yung bibig ko.

"Kung inuwi mo ko dito para lang sermonan, sana hindi mo na lang ako dinala dito." nilagpasan ko sya papunta sa kwarto para hanapin yung damit ko, nakita ko yun sa may tabi ng kama, at may suka pa iyon.

"Ito, pinagdala na kita ng pamalit mo." may binato sya saaking itim na tshirt at nasalo ko iyon, nung pagtingin ko sa tshirt nagulat ako na saakin pala iyun, isa yun sa mga tshirt na naiwan ko sa bahay nila nung kami pa. Di ko alam na itinabi nya pa 'yun.

"Wag mong pagisipan ng kahit ano 'yan. Hindi ako mahilig magtapon ng gamit. Bumaba ka na, may pagkain sa baba." sabi nya eh.

Gaya ng sinabi nya, may nakahain ng almusal nung bumaba ako, habang naglalakad ako, hindi nya inaalis ang tinggin nya saakin. Kung dati ay kikiligin pa ako, ngayon ay kinikilabutan na ako dahil iba sya kung maka titig, parang pinapatay na nya ako ng maraming beses sa isipan nya.

Naghanda sya ng karaniwang hinahanda nya nung kami pa. Pancakes with chocolate syrup, ang paborito ko.

Walang kaimik imik, sinimulan na naming kumain.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang talaga nalaman ang totoong ibigsabihin ng 'awkward'.

That awkward feeling when you're casually eating breakfast with your ex-girlfriend that you still have the littlest feelings with.

Yep, that kind of awkward.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon sa sitwasyon ko. Hindi ko alam kung sign ba ito na magkakabalikan pa kami o ano na. Hindi ko nga alam kung gusto ko pang magkabalikan kami eh.

Pero ito lang ang alam ko. Hindi ko sya maialis sa isipan ko.

Nung kami pa, nakaplano na lahat ng gusto kong mangyari para saamin. Siguro ang oa ko kasi masyado pa akong bata pero ganun talaga ako eh. Mahilig akong magplano, gusto ko na alam ko na ang mangyayari sa buhay ko. Ayoko ng nasusurpresa.

Two Faced And WorthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon