1:Yung Kaibigan Mong Pinagkatiwala Girlfriend Nya Sayo

23 2 0
                                    

Daren

"Tigilan mo ko, ayoko talagang pumunta dyan."

"Sige na Daren. Please? Isang beses lang naman eh."

"B'at kasi hindi nalang ikaw ang pumunta dyan?"

"Emergency Dars. Kinidnapp ako ni mama. Nasa Tagaytay na kami. Bukas pa ko makakauwi."

"Shit naman oh! B'at di mo sinabi sa mama mo?"

"Sorry na! Biglaan eh!"

"Fuck! Fine. You win this round Ian. You owe me twice."

"Twice? Isang beses lang naman ako nanghingi ng favor sa'yo ahh."

"Once for dragging me into this; Twice for me putting up with your girlfriend."

"Okay. Twice. Just, please? Do it for me?"

"Yeah. Sure, whatever."

"Thanks, Dars. You're a life sav-"
Nag hang up na ko.

Ughhh. Kung hindi ko lang bestfriend ng 8 years 'tong si Ian, ewan ko lang sa kanya.

Tumayo na ko para maligo.

Ang plano ko ay matulog ng maaga ngayon but guess what? Kailangan ko pang pumunta sa kung anong concert kasama ang girlfriend ng mokong na yun. Talk about awkward.

Nagbihis na'ko at kinuha ko ang susi ng kotse ko. And yes, I have a car. 18 na ko at may lisensya na din ako. Second hand yung kotse pero ayos na para sa isang teenager.

Alam ko kung saan ang bahay ng girlfriend ni Ian kasi lagi akong nag thi-third wheel sa kanila pero kahit na lagi ko silang kasama ni Kayshie hindi ko parin kaclose yung girlfriend nya.

Kumatok na 'ko sa pintuan nila at binuksan nya yun

"Hi! Yhan-Yhan! Na-miss kita-" mukha ng isang babae na may full bangs na naka dress na akala mo magbebeach ang sumalubong saakin.  Natahimik sya nung makita nya na ako ang nandito kesa kay Ian.

"Nasaan si Ian?"

"Nasa Tagaytay. Kinidnapp sya ng mama nya. Buisness matter ata. Gusto mo pa bang umalis?" I asked with a hopeful thought that she'd say no. Mali ako.

"Sure. Nasaakin naman yung tickets ehh. Let's go."
So much for not being friends with her.

Sumakay na kami sa kotse at nagdadal-dal sya.

"Kotse mo?"

Ay hindi. Kita mong may pangalan na nakadikit sa rear veiw mirror na ang spelling ay D-A-R-E-N

Tumango lang ako.

At nag dadaldal ulit sya. Ewan ko ba kung paano nagustuhan 'to ni Ian pero mag iisang taon na ata sila eh. Sya lang yung tumagal ng isang taon sa kanya, sa totoo lang.

"Wait, diba ka e-eighteen mo lang? May liscense ka na agad?"
Tango uli.

One thing I hate about her; she talks a lot, she talks too much, it's driving me crazy (excuse the pun).

Pagkatapos ng 349164346 years natapos din ang pag ngawa nya at bumaba na kami sa tapat ng isang indoor basketball court.

Binigay namin yung tickets sa bouncer at pumasok na kami.

Ang daming tao. Sikat ba talaga yung magcoconcert?

" Psst. Sino ba yung kakanta?" tanong ko kay Kayshie.

"Di lang sila kakanta, sasayaw din. The Fangks pangalan nila. Cool no?" hindi.
"Silent 'k' yun. Boyband sila galing dito. Parang The Vamps yung pangalan pero kesa Vamps Fangks. Kaparehas sila ng mga K-pop sumayaw at kumanta-"

Two Faced And WorthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon