[Rain]How i've missed Jacob.
Nasa kabilang bahay lamang sya pero dahil sa pagod kagabi ay hindi ko na sya napapunta dito sa bahay. Maganda sigurong ipagluto ko sya ng breakfast at bisitahin sa bahay nila.
I cooked my specialty.
Syempre Red Carbonara. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagluluto nito dahil dito ko muling nakita ang mga ngiti ni Jacob.
"Sayang ang mga ginawa nyang mosaic at paintings para sa akin. Nasunog lang sa islang yun."
Hindi ko napigilang malungkot.
Mahalaga para sa amin ni Jacob ang mga alaalang yun.
Pero ng dahil sa kagagawan ng Zamaniego na yun nawala ng lahat.
"Hay. Rain concentrate. Baka lalong matawa si Jacob sa sama ng lasa ng carbonara mo." saway ko sa sarili.
Kung saan saan kasi dumadako ang utak ko.
"Hey baby Raindeer ko." someone hugged me from the back.
"Mommy. Good morning." napangiti ako. She had always been this sweet all my life.
"Good morning snow white." she hugged Snow na kakapasok lang din ng kusina.
Tumango lamang ito and sit on the table.
Grabe. She's always been this cold to us.
Never did she show any emotion towards mom and I.
"Good morning ate Snow. Good morning daddy ko." i hugged dad as he entered the kitchen.
Himalang magkakasama kaming kakain ng breakfast ngayon.
Naging sobrang busy ako sa trabaho at ganun din sina dad at mom kaya para kaming mga boarders dito sa bahay.
Madalas pa kaming nasa labas ksa magkakasama.
"Whats for breakfast my Raindeer?" asked mommy na naupo sa tabi ni daddy sa lamesa.
"I cooked some bacon, tapa, fried rice and adobo for breakfast mom. Lahat po ng favorite nyo." nakangiti ko namang sagot kay mommy.
"Tss. Sipsip." bulong ni ate snow pero narinig naman ng lahat.
"Snow. Watch your words please. Sweet lang ang kapatid mo at hindi sipsip." saway naman dito ni daddy.
"Whatever."
Nakita kong magagalit na si Daddy ng hawakan ko ito sa balikat at umiling.
"Its okay dad. Sanay na ako dyan kay ate snow. Inaantok pa siguro sya kaya nabubugnot. Ate snow tikman mo ang luto ko."
I put some adobo on her plate. She stared at me at sumubo ng fried rice.
"We will talk later Rain." hindi ito nakatingin sa akin kaya't hindi ko mawari kong ano ang gusto nitong pag usapan namin.
"Sige Ate."
Napansin kong si daddy lang ang kumakain at hindi manlang ginagalaw ni mom ang niluto ko.
"Mom? Something wrong? Bakit hindi po kayo kumakain?"
Umiling naman ito at ngumiti sa akin.
"Busog pa ako anak. Kumain ako ng hotdog at itlog eh."
Napaubo naman si daddy at nabulunan.
"Dad are you okay?" hinimas himas ko ang likod nito at binigyan ng tubig.
"Yes baby. Nasamid lang ako." pero tinitigan nito ng masama si mommy.
"Kailan po kayo kumain ng itlog at hotdog mom? Hindi naman ako nagluto nun ah."
Napaisip ako.
"Mom di naman yun ang dinner natin kagabi ah? Kailan po kayo nagluto nun?"
Nakita kong ang sama talaga ng tingin ni dad kay mommy. Pero ngingiti ngiti lang ito.
"Naku para sa akin lang ang itlog at hotdog na yun mga anak. Sa dadddy nyo kasi yun este luto kasi yun ng daddy nyo para sa akin."
Napapout naman ako.
"Mom alam mo namang favorite ko yung hotdogs tsaka itlog pero wala na tayong supply nun nung nakaraang araw pa. Bumili po kayo? Tapos di manlang kayo nagtira mommy?" Natawa lang ito.
"Baby para sa akin lang kasi ang itlog at hotdog ng daddy nyo i mean para sa akin lang yung luto nyang yun."
"Tss. Ganun naman kasi. Ikaw lang ang binalikan nya at hindi kami." Sabi naman ni Snow tapos tumayo na ito at naglakad palabas ng dining room.
"Saan ka pupunta ate Snow?"
"Nawalan na ako ng gana. Puntahan mo nalang ako sa garden Rain. Doon tayo mag usap."
Tumalikod na ito.
Nakita kong nagsusubuan sina mom at dad ng bacon.
Hay sana ganito din kami ni Jacob. Parang di na sila tumanda. Parang di lang din naghiwalay ng ilang taon.
I heard them fight kagabi pero mga ilang minutes lang and then they were sweet again. Parang walang problema na pwedeng magpahiwalay sa kanila ulit.
"Minion ko tara ulit sa kwarto. Turuan mo akong magshoot. Ang galing mo na eh. Dati mintis pa ang no hand mo. Ngayon asintado ka na."
Naibuga ni daddy ang iniinom nyang tubig.
"Laraaaa. Nakakahiya kay Rain oh." tinawanan lang ito ni mommy.
"Oh bakit? Dont mind us baby. Maglalaro lang kami ng basketball ng daddy mo."
"Yun naman pala eh. Sige na po dad ako na po ang bahala dito. Umakyat na po kayo ni mom."
Napailing iling na lamang ako habang tinitingnan silang nagkukulitan palabas ng dining area.
Pero im happy. Ngayon ko lang nakitang sobrang saya ang mommy ko.
Napalis nalang bigla ang ngiti ko sa labi ng maalala ko si ate snow. Bigla akong kinabahan.
"Ano kaya ang pag uusapan namin ni Ate Snow?"
------------------------------------------------------Sinundan ko si Ate Snow sa garden.
She's smoking habang tahimik na pinagmamasdan ang mga orchids.
"Ate alam mo namang smoking is bad for your health diba?" nilingon naman ako nito pero patuloy lang ito sa paninigarilyo.
"What's your plan Rain?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
Maya maya pa ay tinapakan nito ang sigarilyo hanggang sa mamatay ang sindi nito.
"Plan about what ate?" Naupo ito sa garden sofa kaya tumabi ako sa kanya.
"You're dying right?" nangunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Im not Ate. Why did you say that?"
Tiningnan lang ako nito.
"You have a heart ailment Rain. Rheumatic heart disease diba? Anytime pwede kang mamatay."
Lalong nangunot ang noo ko.
"What are you up to ate? Its as if your wishing for me to die. I dont think my condition is serious. Kita mong nakapagtrabaho pa ako sa NBI. I did trainings and stuff pero look at me. Malakas pa ako sa kalabaw."
Napailing ito.
"Alam kong you are still taking that silly medicine Rain. I saw you the other day...you are in pain Rain. You were holding your chest."
Bigla naman akong namutla at di nakasagot.
She's right. Bumalik ang paninikip ng dibdib ko after that incident....yung pagkastuck namin ni Jacob sa air vents.
"Im right diba? Paano nalang si Jacob Rain? Kapag namatay ka maiiwan na naman sya. He will be that coldhearted man again. Gusto mo bang mangyari yun?"
Napaisip na rin ako. Paano nga si Jacob if ever namatay ako.
"See. Maiiwan si Jacob Rain. Masasaktan sya kapag nawala ka."
My tears started to fall.
"Let me love Jacob Rain. Iwan mo sya sa akin. Hayaan mong ako nalang ang mahalin nya."
Lumapit ito sa akin and hold my hand.
"Mas magiging masakit para kay Jacob ang iwanan mo sya kapag lalong lumalim ang nararamdaman nyang pagmamahal para sayo. Kaya ipaubaya mo nalang sya sa akin Rain. Hayaan mong ngayon palang matutunan na nya akong mahalin. Patayin mo na ang pagmamahal nya para sayo Rain."
Napailing ako.
"No ate snow. I'll talk to Jacob about this. Pag uusapan namin ang tungkol sa sakit ko."
"What for Rain? Eventually iiwan mo din sya kapag namatay ka na. Masasaktan lang sya Rain. Dont be selfish. Matagal naging aloft sa tao si Jacob. He should enjoy his life. Hindi na puro sakit nalang ang ipapadama sa kanya. Sa past iniwan mo na sya Rain. Makakaya mo ulit iwan si Jacob Rain. Iwasann mo sya para hindi na sya masaktan pa ulit. Iwasan mo sya para hindi na nya maranasan ang sakit ng pag iwan mo sa kanya noon Rain. Its for the better right." Ngumiti ito sa akin and stroke my hair.
"Ayaw mo bang sumaya si Jacob Rain? Ayaw mo bang maging masaya si Ate? You have the attention and love simula bata pa tayo Rain. Sa mata nila ikaw lang ang laging mahalaga. Paano naman si Ate? Sabi mo dati sa akin gusto mong makitang masaya si Ate diba? Si Jacob ang happiness ko Rain. Akin nalang sya please." i saw ate shed tears.
I was torn between wanting to fight for my happiness and doing what ate wants.
Magiging masaya naman si Jacob sa piling ni Ate Snow diba?
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love Story
RomanceIsang pintor. Isang artista. Isang misyon. Two different people from two different faces of the earth. A glamourous one and a dark-faced side of mankind. Makukulong kaya sila sa inihandang sorpresa ng kapalaran or will they succeed to kill the fire...