Chapter II

6.7K 266 89
                                    

"May sinasabi ka?" sigaw ko kay Claud. 

Shet. Baka naalala niya yung highschool!

"Wala wala." Tumingin siya sa iba at binalik din naman ang tingin sa akin, "sa apartment ko tayo gagawa."

"Gagawa?!" napatakip ulit ako sa bibig ko nang marealize na anlakas ng boses ko.

"Alam mo Ken konti nalang." Sa naiinis niyang tono.

"Okay sige sa apartment mo nga." Sumipol ako. 

"Pero bago, discussion muna." He slouched at pinatong ang siko at kamay niya sa table.

"Ayoko. Boring kaya halerr." Nang sabihin ko yon ay nagsalubong ang kilay niya.

"Pano mo ie-expect matapos ang trabaho kung walang discussion." 

Nilabasan ko siya ng ngiti, "mamaya na yang deliberation na yan! Marami pa tayong oras Claud. Magkwentuhan muna tayo." Interesado kong sabi sakanya.

"Tss. Tungkol saan?" Blanko ang mukha niya.

"May girlfriend kana ba?" tanong ko.

"Malamang wala! Wahahaha!" Ako na mismo ang sumagot sa sarili kong tanong habang tumatawa. 

"Abnormal ka." Sabi niya at tinignan ko siya ng masama.

"Alam mo Claud gayahin mo kase ako," ngumisi-ngisi ako, "tignan mo ang taas ng charisma ko." Hinawakan ko ang baba ko at nagpapogi.

"Saan banda?" Hindi interesado niyang tanong.

"Wag mo na ikaila Claud," tinignan ko ang repleksyon ko sa transparent window at hinalik-halikan ito.

Nakita ko siyang napa-iling, "tumigil ka Ken nakakahiya ka." Sabay napa-facepalm.

"Hoy!" I crossed my arms, "naiinggit ka lang kasi hanggang ngayon wala ka pang girlfriend."

"Bakit ikaw meron?" Tinamaan ako ng sibat sa sinabi niya.

Sinubukan kong ngumiti habang naaasar, "makikita mo Claud dahil ikaw mismo ang hahanap sa future wife ko." Ipinatong ko ang isang siko sa lamesa at tinignan siya, "nakikita mo tong pagmumukhang to Claud? Dapat hindi pipitsugin yung ireto mo sa poging to. Gusto ko yung maganda, yung mag-lalaway lahat, 34C-32-38 dapat ang sukat ng katawan!"

Sumandal siya sa kanyang upuan, "Ken. Wag kang choosy, pang-hito ka lang."

"Ito pang-hito?" tinuro ko sarili ko, "pang perlas to Claud!" 

I saw him rolled his eyes habang nakakagat sa labi niya.

"Wag ka mag-alala, tutulungan kita makahanap ng syota." May determinasyon kong sabi.

"Hindi ka nga makahanap ng sayo, sa akin pa kaya." Pambabara niya.

"Aba! Wag mo kong maliitin porke mas matangkad ka." I grinned, "hindi ka pa ba nai-inlove? Panigurado hindi pa!" Tumawa-tawa ako.

Bumuntong-hininga siya.

"Dapat kasi madali kang ma-fall Claud, parang ako. Makakita lang ng malaking boobs boom! Oks manok na. Kitams andami kong meron na wala sayo!" Proud kong sabi.

Tinignan niya ko, "alam mo kung anong wala ako na meron pa sayo?" Ngumisi siya, "virginity." 

Nagulat akong napahawak sa magka-bilang pisngi ko, "tangina mo Claud! Wala ka pang girlfriend pano mawawala virginity mo? Gagu. Sino niloko mo." 

"It's true though." Pinaikot-ikot niya yung ballpen sa daliri niya.

"Walangya ka. Iniwan mo ko! Chupe!" Nagtatampo kong sabi.

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon