Chapter XVII

4.3K 231 35
                                    

"I'm Ken Espinosa." 

Kung sino-sino na ang nakamayan ko sa loob ng kumpanya. Kung kani-kanino ba naman ako ipakilala ni Claud feeling niya naman makakabisado ko lahat ng nakamayan ko. Boplaks.

Pumasok kami sa loob ng isang battery room na nasa central office. Ito ang room na nagpro-provide ng power sa computer equipment ng datacenters. First time kong makapasok dito at maluwag pala talaga. 

Pinaliwanag sakin ni Claud ang tungkol sa system, pati ang electrical utilities eh sinama na rin. Naiintindihan ko naman ang kaso lumalabas agad sa tenga ko pag na-gets ko na. Wala silang magagawa, ganto ako eh.

Hanggang sa pumunta naman kami sa loob ng isang team room.

Kinabahan ako nang makitang andaming nakaupo sa table, mga naka-kurbata din, puro seryoso ang mukha at parang mangangain ng buhay once na gumawa ka ng pagkakamali.

Napalunok ako. 

Kung saan-saan pa ako tinour ni Claud eh hindi ako na-inform na kailangan ko pa palang makisama sa isang confidential at internal communication. Naalala ko nga palang collab kami ng hinayupak.

"Ma'am, sirs, let me introduce our consultant." Si Claud na seryoso pati.

Jusko hindi manlang ba pwedeng tumawa dito?

Para akong nasa korteng nakagawa ng krimen kung makatingin tong mga to.

Ngumiti ako, "I'm Ken Espinosa." 

Nakatitig sila lahat sakin na halos walang kangiti-ngiti. Ano ba to mga kalahi ni Claud na inembalsamo na rin putspa di ko ma-take!

"So you're the consultant," isang matabang lalaki ang nakita ko, naka-glasses, naka-suit at mukhang boss ng isang chinese group. Katakot. Para akong mapapaurong.

"Can you tell us the strategic plan you provided regarding this project?" Isang matandang babae, nasa-40s ang tanda at halatang experience sa trabaho.

I coughed, hindi ko alam na mag i-impromptu pala ako dito. 

Sandali kong tinignan ng naiinis si Claud, di manlang ako sinabihan na may question and answer portion. 

Nakita ko siyang ngumiti, "tell them. I know your capabilities Ken." Bulong niya.

Para akong lumaklak ng kape sa nerbyos.

"What's wrong? We want to know the progress of this project." Ulit ng matandang babae, halatang masungit ito.

Umubo ako atsaka sila tinignan. Holy shit Ken, para akong maiihi tungunu.

Mahirap mag-English, pero nag-aral ako.

I smiled at them, I put my hands on the back. 

"Ladies and gentlemen," para akong announcer o host sa isang tv program. Aah. Gusto ko lumubog sa lupa.

"We had already discussed from bottom to the extent of this project, and as I had saw the problems that are currently overshadowing the system.." nag-pause ako nang makitang focus na focus sila sa sinasabi ko.

I gulped.

"..in order to meet the business objectives, we had created and planned the timescales and the resources needed." 

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon