Chapter XXVI

4.6K 232 116
                                    

Napapalunok nalang ako habang naglalakad papunta sa work lounge. 

Pucha Ken! Hindi ka si Ana Steele! Wala tayo sa Fifty Shades of Grey.

Iniisip ko palang na pupunta ako mag-isa sa isang lugar kung nasaan si Claud ay tumataas na ang balahibo ko.

Wala namang mangyayare diba? Bastos lang ang pag-iisip ko diba? Whoo! Shet.

Hihinga muna ako ng malalim. 

Okay. Good posture Ken! Don't let your confidence slip away once na makita mo na si Claud! 

Nang makatapak na sa harap ng private work lounge. Umubo-ubo muna ako. 

Binuksan ko ang pinto at pinakiramdaman ang lamig ng aircon.

Isa itong private room na dinesenyo para pagmeetingan ang tungkol sa trabaho. Puwedeng gamitin ito ng dalawa hanggang apat na katao. 

Pero sa ngayon.. kaming dalawa lang ni Claud ang naririto para pag-usapan ang advisory ng project.

May upuang nakatalikod mula sa pinto. Nakita ko ang kamay ng hinayupak na nakapatong sa arm.

Mabagal kong sinarado ang pinto.

Okay Ken wag ka kabahan. Aysh! Claud lang yan, si Claud lang yan okay?

Straight body, heads up, chin up, and walk confidently. Mukhang kakailanganin ko ata ng inhaler.

Naglakad ako papunta sa upuan na ngayoy nakatalikod, "sir Cla—"

Napatigil ako nang makita ko siyang natutulog.

Putspa! Yung tipong readyng ready kana. Tinawag mo pang sir tapos tutulugan ka lang. Taenang yan!

Balak ko na sana tong hambalusin ng hawak kong mga papel pero napatitig ako sa mukha niya.

Aahh. Shet. Ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik-mata, natural rosy lips. 

Mauulol na ko. Bakit ngayon ko lang napansing pogi itong si Claud? Hooh! Nakakawalang-hininga. Nung highschool ba naman kame wala siyang kaayos-ayos. 

Napahinga ako ng malalim. 

Kapag natutulog talaga siya mukha siyang restless. Yung tipong ang saya-saya ng paligid at napapalibutan ng bulaklak lahat pag nakapikit siya. Pero pag gising parang kukulimlim yung langit. 

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at nilapag sa rectangular glass table ang dala kong papel.

Tengene Ken! Gisingin mo na baka masayang ang oras kakatingin mo!

Pero ayoko pa. Gusto ko pa siyang pagmasdan. 

Talunan ko na ba to? Uhh. Gusto ko siyang halikan.

Ken wag! Alalahanin mong nasa trabaho kayo! Wag wag wag.

Pero kahit isang kiss lang hindi ba pwede? 

Whoo kingina! Tingin palang masarap na. Takte! Bastos ko.

"Ehem." Kunyare ay umubo ako. 

Tinignan ko siya at hindi pa rin nagigising.

"Ehem!" Medyo nilakasan ko na at pucha! Ayaw talaga. Nananaginip ba to?

"EHEM! CLAUD!" Tinawag ko na yung pangalan niya ng pasigaw. 

Hutaena!! Ayaw magising. Patay na ba to?! Natigok na ata.

Tumayo ako sa pagkakaupo tsaka lumapit sakanya.

Hinawakan ko yung balikat niyat naramdaman kong humihinga pa naman. Phew!

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon