Chapter XII

4.6K 213 39
                                    

"Ahh." Napasandal nalang ako sa sofa tsaka iniangat ang ulo ko at tinignan ang kisame. 

Boring na boring ang kasalukuyang nadarama ko. 

Ma-stuck ba naman dito sa apartment ni Claud ng ilang araw at walang ginawa kundi mag-trabaho.

Gusto ko nang lumabas para mag party party, manchiks, makipag-mingle pero wala!

Bilanggo ako dito kasama itong..

Tinignan ko si Claud na hindi nanaman nakadamit, kakatapos lang maligo at nakatingin ngayon sa salamin.

"Claud amboring.." Halos maiyak na akong nagrereklamo sakanya.

"Narinig ko na yan for the nth time." Tugon niya.

"Wala manlang kaboobs-boobs akong makita dito sa apartment mo!!" Sigaw ko.

Tinignan niya lang ako gamit ng kanyang blankong ekspreyon.

"Wala ka manlang bang porn mag dito?!" Sabi ko na tila naghahalungkat sa ilalim ng glass table. Wala akong makita kundi puro papel na may kinalaman sa trabaho.

"Porn mag? Pang virgin lang yon." Ngumisi siya at tinignan ko siya ng masama.

"Hindi mo kase alam yung feeling! Wala kang alam! Pweh!" Na parang dinadramahan ko siya.

Umupo ako sa sofa dahil useless ang paghahanap. Puro text lang ang nakita ko wala manlang kapicture-picture ng babaeng may huge boobies.

Napaatras nalang ako ng upo nang lapitan niya ako tsaka ikulong sa malaki niyang braso. 

"C-claud ha! Layuan mo kong manyak ka!" Sigaw ko sakanya habang tinatakpan yung mukha ko.

Nasilip ko yung lantad niyang katawan at yung twalyang nakabalot sa lower half niya. 

"Ikaw lang naman nag-iisip ng bastos Ken." Bulong niya't nalanghap ko nanaman yung bango niya.

"W-wala akong iniisip! Lapit ka kase ng lapit namo ka!" Hindi ko siya kayang tignan sa kanyang mukha.

"Ang dumi kasi ng iniisip mo lagi." Lumapit pa siya lalo sa gilid ko na parang kakagatin niya ang aking tenga. Hindi nanaman ako makahinga ng normal.

"Sino ba mag-iisip ng tama pag ganito?! Siraulo!" Yumuko ako habang nakatakip sa mukha ko.

"Wala namang malisya diba?" Naramdaman kong dumikit yung katawan niya sa akin at nanginig nalang ako, putakte talagang Claud na to. Papakainin ko to ng papel mamaya!

"Come on Ken, forget about the boobs." He whispered na parang inaasar ako.

Taenang yan Ken. Kung alam niya lang na nakakalimutan ko lagi yung pantasya ko sa tuwing ginagawa niya to.

"I'll do it nice and slow.." Bulong niya pa, naramdaman ko na yung labi niyang malapit dumikit sa akin kaya napapikit ako. 

Tinulak ko siya gamit ng kamay ko pero napatigil ako nang ma-realize na nakahawak ako sa abs niya.

Nakatitig lang siya sa akin habang nakahaplos pa rin ang palad ko sakanya.  

Toned arms, slightly six pack, sexy back, biceps.

Napakagat ako sa labi ko.

Ganito dapat katawan ko e! Bat nasakanya?!

Hinawak-hawakan ko yung katawan niya at napapamura nalang ako.

"Ken, ano bang ginagawa mo?" Tahimik niyang tanong habang ako ay sinusuri-suri yung katawan niya ng malapitan.

"Hayup ka Claud. Pano ba ginawa mo?" Pati leeg niya ay hinawakan ko pababa sa may pagka-lapad niyang balikat.

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon