Chapter VIII

4.6K 231 56
                                    

Noong highschool pa ako, first year hanggang pagka-graduate ay center na ako ng mga bully. Bully din naman ako sa mga kapwa ko classmate, sa katunayan nga ako pa ang pasimuno sa mga kagaguhan at katarantaduhan isama na rin natin ang kahayupan. Kaya naman dahil doon ay madalas na mababa ang tingin sakin ng mga tao.

Ini-easy easy lang nila ang sangkatauhan ko. Pero hindi naman ako yung klaseng nagtatanim ng galit at magre-revenge para sa maliit na bagay.

Never kong sinubukang baguhin ang sarili ko dahil naniniwala ako sa kasabihang "Just be yourself, there is no one better" ni Taylor Swift at oo ang totoo niyan isa ako sa mga swifties. Ang ganda kasi ni Taylor kahit 32B lang ang size nya.

Madalas din akong kalimutan maging ng mga kaibigan ko, kahit katropa ko pa yan basta nahuli ako iiwan talaga nila ako ng walang kahabag-habag.

Hindi ko nalang pinansin kahit nasasaktan talaga ako pag ginagawa nila yon. Pusong mamon to men! Parang wala tuloy akong ka-worth-worth.

Hanggang sa..

"Ayaw kasi kitang iwan mag-isa."

Nalaman ko nalang yon bigla.

Napadilat ako ng mata, maliwanag na.

Tinignan ko yung tabi ko pero wala si Claud.

Himalang mas nauna siyang bumangon sa akin.

Si Claud ay hindi ko kailanman naging ka-klase except noong mag 4th year na.

Nasa special section kasi si Claud, ibig sabihin eh talagang matalino siya at fast learner.

Habang ako ay section one lamang nang dahil sa pangongopya. Oo meron talagang section one na daplis lang at sinuwerte. Hindi naman ako feeling close sa mga teachers, nakilala kasi ako dahil lagi akong pinapa-recite, pag meron kasing narinig na ingay automatic na ako na yon.

Minsan nga kahit di naman ako yung nagsalita pangalan ko pa rin tatawagin. Unfair diba? Buset. Pero magaling ako sa reporting dahil madalas kong napapatawa yung buong klase.

Naging first section si Claud dahil nagkaroon siya ng grade na 89 (90 above na ang the rest), which is sa Values. Madalas niya kasing tulugan yung subject na yun. Grabe nga eh, kung ako siguro 89 na yung pinakamataas kong grade.

Kagabi ay hindi ako nakatugon sa sinabi niyang sikreto.

Tahimik kaming nagtitigan ng ilang segundo pagkatapos ay tumalikod na siya sakin at natulog.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Umalis ako sa kama at footspa! Biglang may naapakan akong masakit, tumunog ito na parang nagpira-piraso. Nung tinignan ko kung ano eh shet na malagket! Yung USB natapakan ko at nasira.

Walang-gana ko itong pinulot. Ansakit sa paa.

Bumuntong hininga nalang ulit ako ng napakahaba.

Matapos iligpit ang higaan ay bumaba ako para mag-almusal.

Alas syete palang.

Nakita ko si Mama na naghahanda ng pagkain.

"Mama si Claud?" Tanong ko.

"Lumabas anak may kausap sa cellphone nya." Sagot nito.

Paniguradong yung girlfriend.

Nakalimutan niya atang tawagan kagabi tapos nagtampo at ngayon mag-aaway sila tapos magbe-break na.

Napangiwi nalang ako sa iniisip ko.

"Itsura mo Kuya mukhang nakaraos pagkatapos tumae." Narinig ko si Mei na ngayoy nag-aayos ng suot niyang uniform.

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon